19th Break: Zombie Tsunami

Mulai dari awal
                                    

"Sorry para sa kadaldalan mo o sorry para sa kaibigan mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nagkamot siya ng ulo at bahagyang tumawa. "Both?"

Napairap ako. "Siraulo."

"Sorry na nga, eh." Inakbayan niya ako. "Huwag kang mag-alala mahahanap din natin siya, ha?"

Isa pang problema iyan.

"Ewan ko na, Nate. Gustong-gusto ko na siyang hanapin pero hindi ko kayo maiwan. May bata rin akong kasama." Napabuga ako ng hangin. "I'm not saying na pabigat kayo pero parang ganoon na rin nga."

Of course, exempted ang baby ko.

"Ouch, ha, ouch. Hinay-hinay, Alesia." madramang saad niya at hinagod pa ang likod ko. "May likod ka pa naman, eh. Dalawa pa nga, Alesia. Harap at likod."

Inapakan ko ang paa niya nang sobrang diin at tinakpan ang bunganga niya para hindi siya makasigaw ng malakas.

Bastos talaga ang lalaki 'to!

Binitawan ko siya nang makarinig ako ng ingay sa hindi kalayuan. "Nate, iisang uri lang ng zombie ang mayroon ngayon. Puti ang mga mata niyon pero kasing bilis ng tao kung tumakbo. They have two senses; the sense of hearing and sense of seeing."

Sinabi ko iyon na tamang lakas lamang para marinig nila. I don't want to talk to them. They're just pissing me off.

"Pero ba't ka ba tumakbo kanina?"

"Para riyan." Itinuro ko ang school bus na nasa likod ng puno. "Hindi ko iyan pwedeng ipasok dahil baka marinig nila agad at ma-trap pa tayo. Baka hindi na tayo makaalis 'pag ganoon."

"Bestie!" Kumaway ang isang babae mula sa loob ng bus.

Napailing ako at inirapan lang si Lysa. Let's see how long you're gonna act innocent, my childhood friends.

"Ah, nahanap ko sila at isinama." imporma ko kahit hindi naman kailangan at umakyat na sa bus. Lysa was about to hug me when I pointed Shaun.

"Oh, ang cute naman niya." Her eyes are sparkling while looking at Shaun.

"Don't ever pinch his cheeks or I'll cut your fingers." I warned her. Nakangusong binaba naman niya ang mga kamay. Nilingon ko sina Dana. "Maupo na kayo. May pagkain na rin diyan, kumuha na lang kayo. Have some rest."

Iyon lang ang sinabi ko at agad ng sinabihan si Migo na magmaneho na. Hindi siya nagbuhay ng kahit anong ilaw na makakakuha ng pansin ng mga zombies. Bukod sa liwanag ng buwan ay may street lights naman sa paligid na kahit kukurap-kurap na ay may silbi pa rin. Iyon ang ginagamit niyang liwanag para hindi kami mabangga.

"Where are we going?" tanong ni Sho na nasa tabi ko na pala.

"Ako ba driver?" pabulong na singhal ko bago humarap kay Migo na nasa unahan ko lamang. "Migo, saan tayo pupunta?"

"Sa Escalante."

Hindi na ako umimik at niyakap si Shaun na natutulog na. Buti pa ang batang 'to. Kain, tulog lang ang ginagawa.

Sa buong biyahe ay hindi ko magawa ang matulog. Tinititigan ko lang si Shaun, titingin sa bintana, mag-iisip at uulit na naman. Escalante ang pinakapuso ng Sitio Seven. Ito ang sentro ng bayan na may nagtataasang mga building at iba pa na makikita sa siyudad. Wala kaming eksaktong pakay doon ngunit umaasa kami na kahit papaano ay may mahahanap kaming kasagutan o ligtas na lugar doon.

Marami na akong iniisip. Sa sobrang dami ay parang sasabog na ang utak ko at uusok na ako sa galit kapag wala pa akong nakuhang sagot. Ilang saglit pa ay tumayo na ako at naglakad sa dulong bahagi ng bus. Inihiga ko si Shaun sa maliit na higaan na ginawa ko lamang kanina sa tulong na rin ni Migo. Kumuha lang kami ng mga kahoy para gawing stand sa magkabilang dulo at saka ito pinatungan ng malilinis na kutson at bed sheet. Dahil sa ginawa ko ay nagkaroon si Shaun ng tila floating bed na pwede niyang gulungan at gapangan. Hindi ako nag-aalalang mahuhulog siya dahil ang sandalan ng mga upuan sa unahan ang nagsisilbing harang ng higaan. Ang gitna lang ang walang harang dahil dulo ito ng aisle ngunit hindi pa rin ako nababahala dahil sa gitna naman ako uupo kaya hindi pa rin siya mahuhulog.

Nakangiting hinalikan ko sa noo ang bata bago kuhain ang mapa ng Sitio Seven at ini-on ang flashlight sa relo ko. Tiningnan ko ang mga kasama ko. Pito kami sa grupo ni Sho, pito rin sa grupo ni George at dalawa lang sina Migo. 16 na kaming lahat. 17 kasama si Shaun.

At sa akin pa nakasalalay ang mga buhay nila. Lintik na iyan.

Napabuntong-hininga ako at naupo muna sa lapag bago magsimulang gumawa ng plano. Marami akong naiisip na plano ngunit lahat ng iyon ay kinokontra rin ng sarili ko kaya mas lalo akong nahihirapang mag-isip ng maayos na plano. Dahil sa pakikipagpatalo ko sa aking sarili ay hindi ko na namalayan ang oras at inabot na ako ng umaga.

"Hindi ka natulog?"

"Mukha bang may tulog ako?" angil ko kay Mich at itinuro pa ang mukha ko. Ramdam ko ang pamimigat ng mga mata ko. "Mainit ang ulo ko kaya roon ka na muna."

"Oh, sorry." Umalis na muna siya sa harap ko at pumunta na lang sa gitna.

Doon ko kasi napiling ilagay ang mga pagkain para maitago mula sa mga tao sa labas ng bus. Mahirap na at baka may magkainteres pang nakawan kami. Ibinalik ko sa bulsa ang mapa at ini-off na ang flashlight sa relo ko. Tumayo ako at nagsimulang mag-stretching.

Kaya pala nangangawit na ako! Nang ma-satisfied ako ay nakangiting hinarap ko si Shaun na agad ding napawi dahil tulog pa rin ang bata. Kainggit!

"Puta!" Napamura ako ng wala sa oras nang biglang tumagilid ang bus. Agad na sumipa ang reflexes ko at hinawakan si Shaun sa paa para hindi siya tumama sa bintana. Kung hindi lang din ako nakahawak agad sa pole ay baka tumalsik pa kami ni Shaun! "May problema ka ba, Migo?!"

"Oo! Hinahabol tayo ng mga zombies!" sigaw din niya sa akin. Napatingin ako sa likod at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko.

"Anak ka ng! May zombie tsunami!" sigaw ko at akmang huhugutin ang baril kaso wala akong makapa. Napatampal na lang ako sa noo. Ibinigay ko nga pala kay Sho.

Nakita kong naghanda ang mga lalaki at ikinasa ang kani-kanilang baril. Nagpaulan sila ng mga bala sa mga zombies kaso parang hindi sila nababawasan. Akmang papatigilin ko si Migo sa pagmamaneho nang may isang truck ng mga gasul ang humaharurot na sumalubong sa mga zombies. Wala sa sariling napasinghot ako sa hangin.

"Drive faster, Migo! Baka maabutan tayo ng pagsabog!"

And I am right. We heard loud explosion behind us.

ZOMBREAKTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang