Chapter 4 (11/19/2014)

Magsimula sa umpisa
                                    

“Missy ang ingay mo!” Saway k okay Missy.

“Ikaw kasi! Saan ka ba nagpupunta nitong mga nakaraang araw? Hindi kita mahagilap.” Totoo yun. Pag may time kasi ako, pumupunta ako sa Department nila Alexis para I observe siya. Kinuha ko pa nga ang schedule niya sa kaibigan kong student assistant sa registrar para madali ko siyang mastalk.

“Busy kasi ako.” Pagdadahilan ko which is true naman. Yun nga lang hindi school ang pinagkakaabalahan ko. Pero mukhang hindi naman naniwala si Missy sa dahilan ko dahil tumaas lang ang kilay niya.

“Ano ang ginagawa mo dito? Kung saan saan kita hinanap, andito ka lang pala.”

“Nag aaral ako.” At hinawakan ang librong kinuha ko lang sa isang rack kanina para maging props.

Lalong tumaas ang kilay ni Missy, Then she read the book I am holding.

“Do it Yourself Colorectal Exam for Dummies.” Sa narinig ko, bigla akong napatingin sa librong hawak ko na color yellow. Tapos napatingin kay Missy na puno na ang pagdududa ang itsura.

“Amanda, what are you up to?” Kinagat ko ang ibabang labi ko at painosenteng tumingin kay Missy tapos sa table nila Alexis. At parang bata na nagsumbong sa kaibigan ko.

“Eh kasi Missy…si Alexis…” Naghintay siya sa sasabihin ko.

“ANo?’

“Sayang siya ano?”

“Sinabi ko na yan sa’yo last time di ba?”

“Oo nga pero look at him. Baka hindi naman talaga siya baklush!” Sabay tingin ko kina Alexis. This time may kinuha na naman siya sa bag niya at binigay sa girl. Bakit ba ang hilig niyang magregalo? Pagkakita ng babae sa binigay niya, ang laki ng ngiti niya.

Tapos hinawakan pa ni Alexis ang pisngi ng babae at tinitigan.

OO na. Maganda na siya. Kailangan bang ganyan an gang klase ng titig na ibibigay mo sa kanya?

Sabin g naninibughong damdamin ko na hindi ko alam kung saan hinugot ang pagka emo.

Pambihira naman kasi…kunti na lang magdidikit na ang labi ng dalawa mabuti na lang nangibabaw ata ang kabaklaan nitong si Alexis kaya lumayo siya para lang buksan ang mga kinuha niya sa bag niya.

And then he started applying make up on the girl. Parang mahihimatay ako. Akala ko…akala ko may pag asa pang maging lalaki siya pero…

“Bakit nagmemake up siya sa girl?” Wala sa sariling tanong ko.

“Hindi mo pa ba alam? Nagbebenta kaya siya ng mag beauty products! Hindi mo napansin? Look at my skin. Sa kanya galing ang mga ginagamit ko. May kakilala kasi siya

 na nasa Korea kaya madali lang makapadala ng mga beauty products na patok dito. Mas mura pa kung sa kay Lexie ka bumili. Try mo ang CC cream niya Mandy. Ang ganda! Pakiramdam ko, KPop ako pag ginagamit ko.” Mahabang  daldal ni Missy na hindi ko naman masyadong pinakinggan.

Napuno ng awa ang puso ko.

Kaya siguro sumasali siya sa mga beauty contest at kaya din siya nagbebenta ng mga beauty products para kumita siya. Kaya siguro kinakain na lang niya ang hiya niya para lang magkapera. Kawawa naman pla si Alexis. Nagpapanggap na bakla para lang mabuhay. Kinakain niya ang male ego niya.

Bumuntong hininga ako.

At kasama niyon ang pagbuo ng isang desisyon. Tutulungan. I will offer him a job. Hahanapan ko siya ng work sa company namin. Basta tumigil lang siya sa pagsali Sali sa mga gy beauty contest. Para naman ma express na niya ang pagkalalaki niya. At siyempre pa, kapag naging tunay na lalaki na siya dahil sa tulong ko, magiging close kami at sa huli madedevelkop ang feelings namin sa isa’t isa.

Napangiti ako sa mga naisip ko. 

“Alam mo Missy, kawawa naman pala si Lexie noh? Kung ano anong work ang pinapasok para lang magkapera. Ano kaya kung tulungan natin siya para at least matulungan natin siya. TUlong na din natin sa friend natin na mahirap.” Sabi k okay Missy. I’m sure she would agree.

Hopeful na tumingin ako kay Missy. Nakakunot ang noo niya.

“Sinong mahirap? Si Lexie mahirap? Saan mo naman nakuha yan?”

“Eh di ba nagbebenta siya ng mga beauty products para kumita? Sumasali pa siya sa mga beauty contest para magkapera?” Hindi baa lam ni Missy?

“Okay ka lang Mandy?Alam mo yung mansiyon na pinuntahan natin nung birthday ni Chelsea?

Kina Lexie yun. Dun lang nakikitira sina Chelsea kasi magpipinsan naman sila. Kung ganun ang bahay mo? Paano ka matatawag na mahirap?  At saka nagbebenta siya ng mga beauty products kasi gusto niyang ma share ang beauty secrets niya. Hindi na nga niya tinutubuan ang mga yun. Tulong na lang niya yun. At yung sa pagsali sali sa beauty contest, gusto niya talaga yun. Kasi doon niya daw nararamdaman ang tunay na pagkababae niya.”

And after hearing that…

I fainted.

The Gay Who Stabbed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon