Chapter Twelve

5K 213 5
                                    

Muli syang hinalikan ni Tristan bago ito sumakay sa pick up at nagmaniobra palabas ng resort. Paluwas ito ngayon at dalawang araw ito sa Maynila. Mamayang hapon ay ipapasundo sya ni Mama Marieta para sa farm matulog habang wala si Tristan.
Bumalik sya sa cottage at nag empake ng ilang damit na dadalhin sa farm. Dumating ang mama ni Tristan ng tanghalian kasama si Dana. Sabay sabay silang nananghalian at bagaman gusto rin nyang maging malapit kay Dana ay bihira naman itong magsalita.
"Sana hindi ka nagagalit sa akin dahil sa nangyari sa amin ni Angelo..." aniya nang magtungo sa restroom si Marieta at maiwan sila ng dalagita.
She sighed. "Malaking kahihiyan ang idinulot ng hindi mo pagsipot...pero hindi naman ako nagagalit sa iyo." She smiled. "Medyo naasiwa lang ako kasi ngayon you're marrying kuya Tristan...I don't know what to feel. Naaawa ako kay kuya Angelo."
"I understand. It's okay...I'm sorry." Aniya. Akmang magsasalita pa sya nang bumalik na si Marieta. Bagaman nabanggit na ni Tristan kay Dana na nahuli nya ang pagtataksil ni Angelo ay hindi naman binanggit ni Tristan na nakipagkutsaba si Angelo upang illegal na maibenta ang resort at ang ginawang harassment at pagkidnap ni Angelo sa kanya. And she wanted to tell Dana. Tingin nya ay sensible ang dalagita at matatanggap nito ang pagkakamali ni Angelo.

Bandang hapon nang magtungo sila sa farm. Apat na beses pang tumawag si Tristan bago sya nagtungo sa kwarto at nahiga. Apat ang kwarto sa itaas at may dalawang guest rooms sa ibaba na ang isa ay ipinagamit sa kanya at ang isa ay inookupa na ni Marieta. Sa itaas ang kwarto ni Dana at Tristan. Bagaman maagang humiga ay hindi agad sya dalawin ng antok. Naninibago syang hindi katabing matulog si Tristan. Napangiti sya habang sinipat ang engagement ring na ibinigay ni Tristan bago ito lumuwas. White gold at may nakapaikot na maliliit na diamonds. Nakatakda silang magpakasal sa huwes sa darating na Linggo at napagkasunduang magpakasal sa simbahan pagkapanganak na lamang nya.
Tanghali na sya nagising kinabukasan dahil sa puyat ng nakaraang gabi. Matapos magshower ay lumabas sya ng kwarto at nasalubong ang kawaksi na may dalang tray ng pagkain.
"Ihahatid ko na sana ang almusal mo." Nakangiting wika nito. "Baka raw masama ang pakiramdam mo sabi ni Ma'am Marieta."
"Naku hindi ho, medyo napuyat lang ako. Sa dining area na rin po ako kakain. Salamat po." Sumunod sya sa matandang may dala ng tray.
Naabutan nya si Marieta na nagkakape at nagbabasa ng dyaryo.
"Good morning po. Sorry, napuyat ho ako. Hindi ako nakasabay sa almusal." Mag aalas nueve na ng umaga.
"Oh it's alright. Alam kong maninibago ka sa tulugan mo. Kumain ka na at masama sa iyo ang malipasan ng gutom."
Nagpasalamat sya at umupo na upang kumain.
"Pupunta ako sa resort pagkapananghalian to meet Vivien. Gusto mo bang sumama?"
"Vivien? Tristan's girlfriend?" hindi mapigilang tanong nya.
Natawa ang matanda. "Ang Vivien ba na pinag uusapan natin ay iisa?"
"Matangkad, maganda at mahaba ang buhok?"
"Yes. She's my therapist. At hindi sya girlfriend ni Tristan."
"I thought..." nalito sya. Though hindi itinaggi ni Tristan ay wala namang inamin ang binata na girlfriend nito si Vivien. He must be laughing at her!
"She's married to a doctor. May isang anak. Regular syang pumupunta rito twice a week para itherapy ako."
"Oh...there's a possibility na makalakad ka ulit?" she excitedly asked.
The older woman smiled. "Yes. Baka sa wedding ninyo ay makalakad na ako."
"That's wonderful." Masaya sya para rito at sa pagkatuklas na hindi naman pala girlfriend ni Tristan si Vivien.

Hindi na sya sumama sa matanda patungo sa resort at ipinasyang matulog na lamang ulit. Patungo sya sa kwarto nang masalubong si Dana.
"Hi. Can I show you the horses?" nakangiting wika nito. Nais nya sanang tumaggi ngunit pagkakataon nya ito upang makuha ang loob ng dalagita. Nagpahinuhod sya at sumunod dito.
Kumunot ang noo ng matandang katiwala nang sabihin nyang titingnan nila ang mga kabayo. Tila may sasabihin ito nang muli syang tawagin ni Dana na nasa labas na.
Ang kwadra ay ilang hakbang sa likod ng bahay. Pinauna syang pumasok ni Dana at bigla itong nagpaalam na may nakalimutan nang makapasok na sya.
"Hintayin mo na lang ako rito, mainit sa labas. Babalik din ako." Mabilis itong nakalabas.
May anim na kulungan syang nakita at humakbang sya palapit. Napakunot ang noo nya nang makitang dalawa lang naman pala ang kabayo. Lumingon sya sa pinto nang sumara iyon. Medyo madilim ang paligid at hindi sapat ang liwanag mula sa maliliit na bintana ng kwadra.
"Dana, bakit mo isinara? Masyadong madilim." Lumapit sya patungo rito nang matigilan. Bulto ng lalaki ang nakatayo sa may bandang pinto.
"Hi, Lena." Angelo's voice is chilling.
"Anong ginagawa mo rito?" she stepped back.
"I'm taking you with me."
"Why are you doing this? Hayaan mo na ako."
"I can't let Tristan win. I have to take you."
"This is not a competition, Angelo. Please palabasin mo ako." Kinabahan sya nang lumapit ito.
"Come with me, Lena at walang ibang masasaktan." May hawak itong baril na itinutok sa kanya. "Hindi kita sasaktan."
"Put the gun down, Angelo. You don't need me." She begged.
"I need you to win against Tristan. I need you because I know he loves you."
"No..nagkakamali ka...we're marrying dahil sa dinadala ko."
Hindi agad umimik si Angelo. "Then I will have to kill your baby." Bumaba ang baril nito sa tapat ng tiyan nya at naiyak sya.
"Please don't do this."
"Come with me, Lena. Leave Tristan at hindi ko kayo sasaktan ng anak mo." Inilahad nito ang kamay at ibinaba ang baril. Nanginginig na lumapit sya rito. Mahigpit syang hinawakan ng binata sa braso at pakaladkad na hinila palabas. She was not surprised to see Dana by the door.
"Dana help me." Tinangka nyang abutin si Dana na tila nagulat nang makitang may baril si Angelo.
"Kuya...bakit ka may baril?" sumunod ito sa kanila. "Ang sabi mo mag uusap lang kayo ni Ate Lena.." hindi ito pinansin ni Angelo na patuloy syang hinihila.
"Manang Ising..." she shouted at sinampal sya ni Angelo. Agad syang dinaluhan ni Dana nang mapaupo sya sa damuhan.
"How could you!" sigaw ni Dana kay Angelo. Sinikap nitong pigilin nang muli syang hablutin ni Angelo. Sa sulok ng mata nya, nakita nya ang kawaksi na palabas ng bahay at napatda nang itutok ni Angelo rito ang baril. "Ang sabi mo magsosorry ka kay Lena..." habol ni Dana.
Tumawa si Angelo. "You're stupid." Sinamantala nya ang bahagyang pagbaling ni Angelo kay Dana upang sipain ito. Kasabay ng pamimilipit nito ay hinawakan nya ang kamay ni Dana at tumakbo pabalik ng bahay.
Pareho silang huminto nang magpaputok si Angelo.
"Ang susunod na putok ay sa iyo na tatama, Lena." Anitong bahagya pang nakauklo. "Lumapit ka sa akin."
Niyakap sya ni Dana na umiiyak. "I'm sorry."
Umiiyak na kumalas sya rito at humarap kay Angelo. Humakbang sya palapit sapo ang tiyan na bahagyang naninigas. She fears for her unborn child. Nakangising sinalubong sya ni Angelo at iginiya sa sasakyan nito na nasa bandang dulo.
Nanlalabo na ang mata nya sa luha at natatakot sya sa sandaling makasakay sila ay hindi na sya makakatakas mula kay Angelo. He is obsessed. Not with her but with getting even with Tristan. Patulak syang isinakay nito sa passenger seat at humakbang patungo sa driver's seat nang mula sa kung saan ay rumaragasa ang isang pick up. Bahagya ng nakaiwas si Angelo na tumapon sa kabilang bahagi. Mula sa pick up ay lumabas si Tristan na galit na galit ang anyo. Nakangising bumangon si Angelo at sinalubong si Tristan. Halos magkasintaas ang dalawa at bagaman mas sanay sa mabigat na trabaho si Tristan, si Angelo ay tila wala na sa sarili. Tila hindi na nito iniinda ang bawat suntok ni Tristan kahit duguan na ang mukha nito. She shouted nang maibabawan nito si Tristan at sunod sunod na suntukin. Akma syang lalapit nang isang putok ang pumailanlang. Tumulo ang dugo mula sa balikat ni Angelo. Magkakasabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng putok. It was Dana, holding Angelo's gun na tumilapon kanina. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baril at nakatutok pa rin kay Angelo. Naiiling na tumayo si Angelo at humakbang palapit kay Dana.
"Why are you doing this, Dana." Ani Angelo.
Mabilis nyang dinaluhan si Tristan.
"Don't make me do this, kuya." Umiiyak na wika ni Dana. "Please stop." Tili nito kay Angelo na patuloy na lumalapit. Isang dipa bago tuluyang makalapit si Angelo kay Dana ay isang putok pa ulit ang narinig. Angelo screamed in pain mula sa tama nito sa hita. Agad itong nilapitan ni Tristan at pinadapa. Ang matandang kawaksi ay mabilis na nakakuha ng lubid at iginapos si Angelo. He was laughing hysterically. Hindi nya alam kung matatakot o maaawa rito. He was clearly out of sanity. Nilapitan nya si Dana at niyakap. Tristan took the gun from Dana. It was the longest time of her life bago dumating ang mga pulis.
Marieta was shocked nang bumalik mula sa resort. Kasalukuyang isinasakay si Angelo sa police mobile at silang tatlo ay magkakayakap sa isang tabi. Nang medyo makabawi na si Dana ay mahigpit syang niyakap nito habang panay ang hingi ng sorry. Ayon dito ay tinawagan ito ni Angelo at naibalita nito na nasa Batangas sya. Nakiusap si Angelo na tulungan ni Dana upang makausap sya at humingi ng sorry dahil sa pagtataksil nito. Sa pag aakalang sinsero si Angelo ay pumayag ang dalagita.
"It's alright. Ang importante ligtas tayo." Alo nya rito. Alam nyang natrauma ito. Niyaya na itong pumasok ni Marieta matapos matiyak na maayos ang lagay nya.

Mahigpit syang niyakap ni Tristan nang maiwan silang dalawa. Papalayo na ang police mobile sakay si Angelo. At sa pagkakataong ito, mananagot ito. Sisiguraduhin nya iyon. Hindi nya ito mapapatawad kung nagkataong may nangyaring masama sa dinadala nya. Hinaplos nya ang tiyan.
"Are you okay?" tanong nitong niyuko sya.
Tumango sya at hinaplos ang mukha nito. Pinahid nya ang dugo nito sa labi. "Nasaktan ka." Bahagya ng nangingitim ang pisngi nito mula sa suntok ni Angelo.
"It's nothing kung tuluyan kang nakuha ni Angelo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo at sa anak natin." Hinaplos nito ang tiyan niya at muli syang niyakap.
"Akala ko bukas pa ang uwi mo?"
"I wanted to surprise you. Mukhang ako ang nasorpresa. And I'm glad I came on time. Hindi ko kayang isipin ang pwedeng mangyari kung hindi ako umuwi agad." Fear crossed his eyes.
"Hindi mo girlfriend si Vivien?" bigla nyang tanong matapos ang saglit na kahimikan.
Naubo si Tristan. "Parang hindi iyan ang topic natin..." Nangingiting wika nito.
"Well..." nagkibit balikat sya. "Sagutin mo na lang kasi."
"Wala akong girlfriend. Nag assume ka when you saw us..."
"At hinayaan mo akong mag assume." She pouted her lips.
"Masarap sa pakiramdam na nagseselos ka." His smile widened.
"Of course not." Tanggi nya. "Pero ano ba ang pinag uusapan nyo sa dilim?"
Tristan laughed. "Pinag uusapan namin ang development ng mama. At FYI, well lighted ang parking. Wala kami sa dilim, sweetheart."
"Basta..." humalukipkip sya.
He raised her chin at magaan syang dinampian ng halik sa labi. "Walang dapat ipagselos. Alam mo bang unang beses pa lang kitang nakita ay ginulo mo na ang isip ko. Nandito na ako sa Batangas pero nakikita ko pa rin ang mukha mo. Para akong teenager na naliligalig."
"Noong namali ako ng duplex?"
Tumango ang binata. A sheepish smile on his face. "At ipinagpapasalamat ko ang pagkakataong ibinigay sa akin ni Angelo."
Nangingiting hinampas nya ang dibdib nito.
"And then...?" tanong nya. Hindi pa sinasabi ng binata ang gusto nyang marinig. Alam na nya ngayon ang damdamin ni Tristan para sa kanya ngunit mas gusto pa rin nyang marinig mula rito.
"Then what?" pag mamaang maangan nito. Naiiling na humakbang sya papasok ng bahay.
"I heard you noong gabi sa cottage..." pahabol nito na nilingon nya. She was expecting him to laugh ngunit seryoso ito. "And I love you, too." She smiled at muling pumaloob sa mga bisig nito. "Kung hindi man tayo nagkakilala sa duplex, magtatagpo pa rin tayo ng dahil sa resort mo. At kung hindi man, hindi ako titigil na hanapin ka. We're destined, Lena. Ako ay iyo at ikaw ay akin. And I'm not letting you go. Ever."
She smiled in between tears of joy and hug him tighter.

Please don't forget to like and follow to support the story and the writer ☺
Thank you

DestinedWhere stories live. Discover now