Chapter One

7.8K 224 9
                                    

Walang pagmamadaling binagtas ni Lena ang patungo sa exit ng airport bitbit ang katamtamang laki ng maleta.  Nasa Pilipinas din sya two years ago nang mamatay ang papa nya.  At ngayon ay muli syang umuwi para sa dalawang dahilan.  Una, may resulta na ang isinampang contention ng dating kinasama ng ama laban sa last will na iniwan ng matanda.  At gaya ng inaasahan, hindi ito pinaboran ng korte, walang nabago sa maliit na halagang makukuha nito.  At hindi nya ipinagtataka iyon dahil maliban sa hindi naman ito pinakasalan ng daddy nya ay hindi naman binago ng ama nya ang orihinal na kasulatan na ginawa nito kasama ang mommy nya.  Ang malaking bahagi ng ari arian ng mga ito, ang bahay nila sa Quezon City at ang resort sa Batangas  na namana ng mommy nya mula sa mga magulang, ay nakapangalan sa kanya.  Ang naipundar naman ng parents nya na dalawang convenience stores ay sa kanya rin ipinangalan ng daddy nya.  At bagaman ipinagkatiwala nya sa abogado ng ama ang pamamalakad ng dalawang convenience stores ay regular naman itong nagbibigay ng monthly sales performance report kaya natitiyak nyang hindi mauuwi sa wala ang pinaghirapan ng mga magulang.
   Pareho nilang alam na walang hahantungan ang kaso at paraan lang ng babae iyon para abalahin ang proseso ng mana nya mula sa mga magulang.  Nang iuwi ng ama nya ang batang girlfriend ay ipinasya nyang tanggapin ang alok na magtrabaho sa Singapore bilang junior chemist sa isang kilalang cosmetic company.  Masama ang loob nya sa ginawa ng ama.  At nagdesisyon syang umalis kesa maging dahilan ng madalas na pagtatalo ng dalawa, inaasahan pa rin nyang magiging masaya ang ama sa bagong kinakasama nito.  Nang mamatay ang daddy nya ay noon lamang nya nalaman mula sa ilang tapat na kasambahay na sakit sa ulo ng daddy nya si Odessa.  Bagaman regular ang komunikasyon nila ng ama ay hindi ito dumaing sa kanya  ng problema mula kay Odessa.  Sa Singapore rin nya nakilala ang kasintahang si Angelo.  Marketing manager ito ng isang partikular na brand sa kumpanyang pinagtatrabahuhan kaya pabalik balik ito ng Pilipinas at Singapore.  At si Angelo ang ikalawang dahilan ng pag uwi nya.
  He proposed last month and she accepted.  Nakatakda silang ikasal sa katapusan ng buwan, tatlong linggo mula ngayon at napagkasunduan nila na sa Pilipinas ganapin ang kasal.  Ang nag iisang malapit na kamag anak nya, ang tita Rose nya na kapatid ng ama ay nasa Singapore din at nakatakdang umuwi isang linggo bago ang kasal kasama ang asawa nitong Singaporean.  Dapat ay next week pa sya uuwi kasabay ang kasintahan na umattend ng seminar sa Singapore ngunit iginiit nito na masyado ng gahol sa oras.  Kaya eto sya, mag isang mag aasikaso ng mga kakailanganin.  Bagaman maayos na ang mga dokumento na iniutos ni Angelo sa sekretarya nito ay nais pa rin sana nyang kasama ang kasintahan sa pagpili ng design para sa invitation at ng gown.  Ilang beses na nilang pinagtalunan ito.  Masyadong busy ang schedule ng nobyo ngayong buwan at iminungkahi pa nyang sa sunod na buwan na lang gawin ang kasal ngunit bigo syang kumbinsihin ito.
At isa pang hindi nya ikinatutuwa sa pag uwi ay hindi sya  ikinuha ng reservation ni Angelo sa hotel gaya ng usapan nila.  Inaasahan nitong sa condo nito sa Makati sya tutuloy.  Nang magmatigas sya ay saka lang nito inialok ang duplex nito sa San Juan.    Nakaramdam sya ng paghihimagsik  nang maalala ang lumang bahay nila, doon sya ipinanganak at nagkaisip pero ngayon ay inangkin na iyon ni Odessa.  Ang mga magulang nito at kapatid na lalaki ay doon na rin nakatira nang mamatay ang daddy nya.  Selling the house will be a better option.  She never liked Odessa’s family.  Maingay at maluluho ang mga ito.  Perang kinuha mula sa resort.  Ayon sa katiwala ng resort, halos wala ng gamit ang resort.  Nang mamatay ang daddy nya ay unti unting ibinenta ng babae lahat ng maaaring maibenta mula sa resort hangga matigil na ang operation nito. 
Nang marating ang taxi stand ay kakaunti ang pasahero kaya agad syang nakasakay.
“Sa San Juan po, manong.”  Masama ang loob na ibinigay sa kanya ng nobyo ang susi ng duplex bago umuwi.  Naniniwala syang hindi magandang magsama sila na walang basbas ng kasal.  Ipinagawa ang duplex ng ama nito bago pumanaw sa pag asang magkakasundo ang dalawang pinamanahan niyon.  Ang kanang pinto ang sa kasintahan at ang sa kabila ay ang sa kinamumuhian nitong ampon ng ama nito.  Napakunot noo sya.  He mentioned a Blumentritt Street.  Kanan nga ba o Kanan kung galing ka sa  Blumentritt?   Dinukot nya ang cellphone at nagtext sa nobyo.
Nang ihinto ng driver ang taxi ay iniabot nya ang bayad at bumaba.  Sinipat nya ang wristwatch bago humakbang sa pintuang nasa kanan nya.  Wala pa ring text mula kay Angelo at ayaw nyang maghintay ng text sa kalsada.  Pasado alas onse na ng gabi at may natanaw syang nag iinuman sa malapit na tindahan.  
Ipinasok nya ang susi at bumukas iyon.  She sighed her relief.  Itinulak nya ang pinto at binuksan ang ilaw.  Walang laman ang unit maliban sa two-seater sofa set at dining set na pang apatan.  Matapos silipin ang c.r ay lumapit sya sa ref at binuksan. Bagaman nagtataka ay ipinagpapasalamat na may malamig na tubig doon…beer at pizza?  Kelan huling nagpunta rito si Angelo? Binuksan nya ang pizza at kumuha ng isang slice.  Alanganing inamoy nya ito bago kumagat.  Pagkatapos maubos ang hiwa ng pizza ay uminom ng tubig at pumanhik bitbit ang maleta.
Isa lang ang kwarto sa itaas at may sariling banyo.  Muli kumunot ang noo nya nang makita ang shampoo, after shave at gamit na sabon.  Lumabas sya ng banyo at kumuha ng malinis na panty at oversized tshirt.  Pagkatapos magshower ay itinabi nya sa mga gamit ni Angelo ang sariling shampoo at sabon bago lumabas. 
Sandali lamang syang nagpatuyo ng buhok bago nagpahid ng lotion at nahiga na.  Agad syang nakatulog.

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon