Chapter Four

4K 103 1
                                    

Kinabukasan ay lumipat si Lena sa unit ni Angelo. It was fully furnished at halatang wala pang gumagamit.  Iniakyat nya ang mga gamit at idinayal ang numero ni Angelo.
“Hey hon,sorry hindi na kita nasagot kagabi.  Bakit ka ba tumawag?”
Ibinalita nya ang ginawang pambabato sa duplex nito.  At gusto nyang maghinanakit sa kasintahan sa sunod nitong tanong.
“Damn, nabasag ba ang mga bintana?” inis na tanong nito.
“Well…I’m okay.  Hindi naman ako nasaktan but I was scared.” Sarkastiko nyang wika.  Hindi na nya binanggit na mas mainam pa si Tristan at kinamusta sya. 
“Hon, I’m sorry.  Nagulat lang ako.  Of course kakamustahin ko kung nasaktan ka ba…”
“Isang bintana lang ang nasira.” Tamad na wika nya at nagpaalam na.
“I’ll pick you up tomorrow.  We’ll have dinner with mama.  Excited na sya sa wedding natin.”
“Yeah.  Bye.” Hindi na nya hinintay sumagot ang kasintahan at ibinaba na ang cellphone.
Nanatili syang nakaupo sa gilid ng kama bago idinayal ang number ni Princess sa Singapore.
“Sis, wala talaga akong makitang ibang titulo rito.  Baka naman naiwan mo diyan?”
“Sigurado akong dinala ko lahat ng dokumento ng mga properties dyan nang bumalik kami ni Angelo after ng libing ng papa.” 
“Susubukan ko ulit hanapin.  Bakit hindi mo itanong kay Angelo? Baka naman naitabi nya.”
Kumunot ang noo nya.  Magkasabay silang nagtungo sa Singapore ni Angelo pagkatapos ng libing ng ama nya at inihatid pa sya nito sa apartment.  Hindi nya matandaang ibinigay kay Angelo ang envelope na naglalaman ng documents ngunit naalala nyang tinanong nito kung ano ang laman ng envelope. 
“I’ll ask him bukas.  We’ll have dinner with his mother.”
“ Parang hindi ka naman excited…”
“Nakakainis kasi si Angelo…” ikwinento nya ang ginawang pambabato sa duplex at ang unang reaksyon ng kasintahan. 
Natawa ang kaibigan matapos syang kamustahin.  “Mas importante raw ang mga bintana…”
“At may isa pa akong iniisip, Ces…” binanggit nya sa kaibigan ang pagkakabanggit ng sekretarya na umuwi na si Angelo ngunit nang tawagan nya ay nasa Singapore pa raw.
“Gusto mo daanan ko bukas sa office nyo rito?  Ipagtanong ko?”
Natigilan sya.  “Wag na lang.  Wala naman sigurong dahilan si Angelo para magsinungaling sa akin.”
“Sana…” alam nya ang disgusto ng kaibigan sa nobyo.
“Nakapagpaalam ka na ba para makauwi sa wedding ko?” pagbabago nya ng usapan.  Alam nyang hindi kakampihan ni Princess si Angelo.
“Yun na nga, sis. Papayagan ako kaso ung plane ticket eh hindi libre.”
“Hati tayo, uwi ka na please.”
“Promise?” tuwang wika ni Princess.  Breadwinner ito sa limang magkakapatid.  Ang tatay nito ay mekaniko at ang ina ay simpleng maybahay.  Alam nyang bukod sa wedding nya ay gusto rin nitong makita ang pamilya na tatlong taon na nitong di nakakasama.
“Oo naman.” Nahawa na sya sa kasiglahan nito.  Nagpaalam na rin sya at sinabing pipili pa sya ng gown nya.

Halos maghapon syang nag ikot sa isang malaking mall para sa wedding gown.  Gusto pa sana nyang pumunta sa Divisoria ngunit nagbago ang isip sa huling sandali. 
Nakasakay sya sa taxi nang paghinto sa tapat ng isang hotel ay matanaw nya si Angelo na lumabas mula sa lobby.  Akma nyang ibababa ang bintana ng taxi nang umandar na ang traffic.
“May problema ho ba ma’am?” tanong ng driver.
“Wala ho, manong.” Aniyang nakalingon pa rin sa hotel.  Hindi na nya nakita ang nobyo.  Hindi sya maaring magkamali.  Si Angelo ang nakita nya at nagsinungaling ito nang sabihing nasa Singapore pa ito.

Inihanger nya ang wedding gown at ilang sandaling tinitigan.  Tube style at may maikling train.  May maliliit na beads sa dibdib na syang tanging nagsilbing dekorasyon.  Kumpleto na ang mga gamit para sa kasal nila.  Ang damit ng mga abay at iba pang gamit sa wedding entourage ay ang mama ni Angelo ang nag asikaso.  Gusto sana nitong syang bumili ng wedding gown nya ngunit tumanggi sya.  Nais din nitong sa Batangas sya dumiretso mula Singapore ngunit hindi sya kumportable sa nais nito.  She is friendly ngunit sa tuwina ay tila nakikita nya si Odessa sa ugali nito.  And she never liked Odessa.
Nakapagbihis na sya ng isang off shoulder green dress at kasalukuyang nagpapahid ng manipis na make up nang marinig ang doorbell.  Nilinga nya ang orasan bago bumaba.  It was 6 PM.
“Hi.  You look ravishing.” Wika ni Angelo nang pagbuksan nya.  Hinalikan sya nito at bahagya nya itong itinulak nang lumalim ang halik nito.  “My frigid bride to be…” anito na hindi na nya pinansin.  Lagi nitong sinasabi kung gaano sya kalamig sa sekswal na aspeto.
“Mabubura ang lipstick ko.” Dahilan nya.  “Kukunin ko lang ang bag ko kung lalakad na tayo.”
“Hey….”hinagilap ni Angelo ang kamay nya at hinila sya palapit.  “Hindi mo ba ako namiss?” niyakap sya nito.
“I was busy.”
“Alright.  Alam kong nagtatampo ka pero babawi ako.  I’m all yours simula ngayon hangga sa wedding natin.” Hinagkan sya nito sa pisngi patungo sa punong tenga.
Tumikhim sya kasabay ng bahagyang pagtulak rito.  “I saw you.  Kahapon.”  Binanggit nya ang pangalan ng hotel.  She felt him stiffened.
“Oh that…” he smiled nang makabawi.  Tumaas ang kilay nya nang hindi agad nito sundan ang sinabi.  “Isosorpresa sana kita kahapon.  Kaso hindi natuloy si mama sa pagluwas…”
Nagdududang tinitigan nya ang nobyo.
“We’re getting married, Lena.  Ano pa bang dapat mong ipagduda.” Tila nainis na binitawan sya nito at nagtungo sa ref upang uminom ng tubig.
“Nothing.  Kukunin ko lang ang bag ko.” Pumanhik na sya sa kwarto.

DestinedWhere stories live. Discover now