"Kaya ba hindi ka agad nakauwi noong galing ka sa Batangas dahil pinuntahan mo itong girlfriend mo?" kinikilig na tanong ni Don Gonzalo. Nawala raw ang antok nito dahil gusto niyang marinig ang kwentong pag-ibig ng kanyang nag-iisang apo.

Nagpasalamat lang naman si Vice dahil naniwala agad ang kanyang lolo na kahit bakla siya ay nagawa niyang magkaroon ng girlfriend. Mas sumaya pa nga si Don Gonzalo sa kanyang nalaman.

"Opo. Sa Batangas po siya nakatira. Diba, pangga?" baling ni Vice kay Alena na walang emosyong nakaupo sa kanyang tabi.

Dahil hindi ito sumagot ay patagong binatukan ng bakla si Alena para kunwaring napatango ito. Mahina lang naman ang pagbatok ni Vice pero matalim pa rin siyang tinignan ni Alena.

"Kung ganun, bakit ka naparito sa Maynila, hija?" baling ni Don Gonzalo sa dalaga ngunit si Vice na agad ang sumagot.

"Kasi po, hindi talaga siya nakatiis na mawalay sakin. Sinundan niya po ako dito sa Maynila para —"

"Para patayin," walang emosyong singit ni Alena dahilan para manlaki ang mga ni Don Gonzalo.

"Anong patayin? Pumunta ka rito para patayin ang apo ko?" gulat na tanong ng matanda. Mabilis namang kumuwala ng kunwaring tawa si Vice at hinawakan si Alena sa balikat.

"Ang ibig sabihin po ng girlfriend ko, sinundan niya po ako dito para patayin ng pagmamahal at pag-aalaga. Patay na patay po kasi sakin to eh," ngisi ni Vice at nakahinga naman ng maluwag ang kanyang lolo, na naniwala na naman agad.

"Sa katunayan, siya pa po ang nanligaw. Lumuluwas siya ng Maynila at binibisita ako sa opisina at pinapadalhan ng kung anu-anong kakanin. May gayuma yata yung mga nakain ko kaya sinagot ko na siya agad," tawa pa ni Vice at kinilig naman ang kanyang lolo, habang seryoso lang naman silang pinagmamasdan ng dalaga.

"Narealize ko pong hindi naman problema ang kasarian pagdating sa pag-ibig kaya pinagbigyan ko na po siya, dahil kahit anong mangyari —"

"Kahit anong mangyari, ay wala siyang takas. Kahit saan man siya mapunta, mapapatay at mapapatay ko pa rin siya," pagsingit ulit ni Alena.

Inis namang napatingin sa kanya si Vice dahil panira ito sa kanyang kuwento. Nanlaki naman ang mga mata ng matanda dahil sa gulat.

"Ng pagmamahal!" palusot ulit ni Vice. "Hay naku! Pagpasensiyahan niyo na po tong girlfriend ko, lo. Ganito talaga kami magbiruan. Pero ang ibig sabihin talaga niya, hindi na daw talaga ako makakatakas sa kanyang pagmamahal at ikakamatay niya kung mawala ako sa kanyang tabi. Diba, pangga?" ngiti ni Vice, kahit pa sa kanyang isip ay gusto na niyang masuka sa kanyang mga sinasabi.

"Hindi ko talaga inakalang darating pa ang araw na ito, apo," nakangiting giit ng matanda habang tinitignan ang dalawang nasa kanyang harap.

"Ako nga din po eh," makahulugang giit ni Vice na mapaklang napangiti, at bahagyang nilingon ang matalim na tingin sa kanya ni Alena.














"O ayan, bumili ako ng mga damit na pwede mong suotin habang nandito ka sa lupa. Kailangan mong magmukhang normal para hindi ka pagkaguluhan ng mga tao," saad ni Vice sabay abot ng mga shopping bags kay Alena.

Nandito sila ngayon sa kwarto ng huli dahil pumayag na si Lolo Gonzalo na pansamantala itong manirahan doon habang hinahanap nila ang naglayas na pinsan ng dalaga. Isang kasinunggalingan ni Vice na pinaniwalaan ng matanda.

"Anong ibig mong sabihin?" nakahalukipkip at seryosong tanong ni Alena, habang suot ulit ngayon ang kanyang berde at magarang bestida.

"Hindi ka normal, dahil abnormal ka," diretsong sagot ni Vice dahilan para akmang susuntukin siya ng huli pero agad siyang nakaiwas.

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now