[ X ] Diary 06 ( Part 1 )

Start from the beginning
                                    

“Hindi ko alam at wala akong pakialam dahil boyfriend ni Maja yun!” pagalit na sabi ni Leyla.

“Well, sabi ko lang, mas bagay kayo eh,” patuloy na panunukso ni May. “Pero siyempre dumaan na yun sa aking alindog. Hihihi. Sorry kayo hindi kayo nakatikim ng extra special na german sausage.”

Natawa si Cheri sa sinabi ni May kasi nasa frozen food section na sila ng grocery at tamang-tama na pumipili si Leyla sa mga hotdog na bibilhin.

Lalo namang namula ang mga pisngi ni Leyla kaya tumalikod na lamang siya sa mga kaibigan. Natapos rin ng magkakaibigan ang kanilang ginawa at nagsi-uwian na para maghanda sa kanilang outing.

Sa kinumagahan, nagtipon silang lahat sa Jollibee para sabay na silang pumunta sa resort. Ang mga sasama sa resort ay sina Maja at Robert, May, Cheri, Rachelle, Leyla at Arnel. May dalang kotse si Robert at kasama niya sa sasakyan si Maja.

Sa van naman ni Arnel sumakay ang iba. Mga halos 2 oras ang biyahe papunta sa isang private resort sa Don Salvador Benedicto na tinaguriang Baguio City ng Negros, at sa malapit sa paanan ng bundok.

Malaki ang lugar, may isang swimming pool at nasa tabi sila ng isang ilog, at may isang private house na 3 kwarto. Ang nakakatandang pinsan ni Maja na si Angela ang sumalubong sa kanila sa resort. Nakilala na rin nilang lahat si Angela dahil nakasama na ni Maja sa ibang mga party.

Ngunit si Leyla ang pinakamalapit kay Angela sa mga kabarkada ni Maja dahilan na magkumpare ang kanilang mga ama at magkasama sa isang Rotary.

Compilation of [ X ] DiariesWhere stories live. Discover now