[ X ] Diary 04 ( Part 1 )

20K 33 0
                                    

 Another story :)

- - - - - - - - - - - 

May concert ng mga artista na papanoorin ng magkabarkada pagkatapos ng kanilang klase. Matagal na pinag-planohan ni May ang okasyon para may masayang gimik silang magkakaibigan. Si May na rin ang bumili ng mga tickets sa kanilang lahat at babayaran na lang ng iba.

Pitong tickets ang binili ni May para sa kanya, kay Leyla, Maja, Rachelle at Cheri. Kasama na rin ang isang ticket para kay Robert sa kagustuhan ni Maja. Ang isang ticket pa ay para kay Arnel na kabarkada nilang bakla.

Ngunit nang araw na ng concert ay nag text si Maja na hindi siya makakapunta dahil may bisita daw sila sa bahay. Pati si Robert ay hindi na rin pupunta at babayaran na lang daw niya ang 2 tickets.

Habang nagtitipon si May, Leyla, Rachelle at Cheri sa may kainan sa tapat ng university ay dumating naman si Arnel galing sa kanyang school.

“Tama na yang kasisimangot mo girl,” ang sabi ni Arnet nang mapansin na parang nasira ang araw ni May.

“Hay nako May,” dagdag ni Rachelle. “Alam mo namang ganyan palagi si Maja, nang-iindyan yan. Huwag ka nang mapikon dahil nga … what do you expect?”

“Palagi na lang kasi,” ang sagot ni May. “Alam mo hindi na ako mag-iimbita sa kanya pag may gimik tayo.”

Tanggap na ni Leyla ang ganyang katangian ni Maja. Hindi umaayaw si Maja sa mga imbitasyon sa kanya pero madalas naman itong magbago ng isipan.

Si Maja kasi ay may pagka spoiled dahil nag-iisang babae ito, at bunso sa 4 na magkakapatid. Sa kanilang pamilya, si Maja ay palaging pinagbibigyan.

Matapos kumain ang magkakaibigan ay pumunta na sila sa gym ng university kung saan gaganapin ang concert.

Nakasalubong nila ang 2 pa nilang kaklase na naghahanap ng tickets kung kaya binenta na lang ni May ang 2 extra tickets nila.

Compilation of [ X ] DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon