[ X ] Diary 06 ( Part 1 )

16.5K 34 0
                                    

Another experience. Lem'me say 'GROUP SEX' ?:D

- - - - - - - -- - - - 

Masayang-masaya si May sa mga sumusunod na araw kaya naisip ni Leyla na meron na namang kalokohan na ginawa ang kaibigan. Pati si Maja ay napansin na hindi nagtampo si May sa kanyang hindi pagsama sa concert, pero okay na rin kay Maja kaysa may konting hindi pagkakaintindihan ang kanilang grupo.

Para naman makabawi si Maja sa ginawang hindi pagsipot sa concert, ay inimbita niya ang mga kaibigan sa isang resort na pinagmamay-arian ng kanyang Tito Winston, mas matandang kapatid ng kanyang tatay.

Lahat naman ay nagalak sa pag-anyaya ni Maja at pinagplanohan na kung ano ang kanilang mga dadalhin. Na-assign kay Leyla ang pagbibili ng mga kakainin sa gagawing overnight excursion at sinamahan naman siya nina May at Cheri.

“Alam mo nagdududa ako sa ‘yo,” sabi ni Leyla kay May habang tinutulak ang grocery cart sa loob ng supermarket. “May ginawa ka namang kalokohan ano?”

“Wala!” nakangiting sabi ni May. “Wala akong ginawa kay Maja. Hihihi.”

“Gaga, umamin ka nga!” parang takot na sabi ni Leyla nang pumasok sa isipan na baka nga tinukso ni May si Robert tulad nang sinabi nito noong concert. “May! Ikaw talaga wala kang sinasanto!”

“Nako Ley, tingin mo ba seryoso si Maja kay Robert?” sagot ni May. “May away-away din ang mga yan. At saka, kahit si Maj naman may kalokohan na ginagawa sa likod ng boyfriend niya.”

“Hindi yun ang point, ang sinasabi ko ay marami namang lalaki diyan bakit yun pang boyfriend ng kaibigan natin.”

“Pero May,” pagsali ni Cheri sa usapan. “Papatol ba naman si Robert sa iyo?”

Compilation of [ X ] DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon