[ X ] Diary 05 ( Part 1 )

17.1K 31 0
                                    

Another one :)

- - - - - - - - - - 

Malapit na ang exams nang nakatanggap ng tawag si Rachelle sa kanyang nanay galing sa probinsya. Nagkasakit ang kanyang bunsong kapatid at dinala ito sa hospital. Na dengue ang bata kaya’t mukhang maraming gastosin ang babayaran.

At pati ang pang tuition at allowance ni Rachelle sa 2 linggo ay nadale. Sinabihan na lamang siya ng kanyang nanay na humiram lang muna kay Cheri o sa kanilang tiyahin.

Magkasabay pumasok ng second gate ng school si Rachelle at Leyla. Napag-usapan nilang dalawa na magbayad ng tuition sa nalalapit na exams nang umagang yun. Tapos nang magbayad si Maja dahil palagi namang fully paid ito kapag enrollment.

“Ley, ikaw na lang muna ang magbayad, nagkaproblema ako sa pera,†sabi ni Rachelle sa kaibigan.

“Ha? Paano ‘yan? Bukas na ang exams natin,†pag-aalalang sabi ni Leyla.

“Bahala na … “ malungkot na sabi ni Rachelle. “Hiram na lang ako kay Cheche o kay tita.â€

At kinuwento ni Rachelle kay Leyla ang problema sa bahay nila. Madaling kausap si Leyla, siya ang takbuhan ng grupo kapag mag gustong makausap sa dahilan na hindi ito mahilig mga-tsismis kaya safe ang mga sekreto nila kay Leyla.

Dumaan ng accounting office ang dalawa at nakitang nakapila din ang boyfriend ni Maja na si Robert kasama pa ang isang kakilala nila na si Mariel. Sumabay na lang si Leyla kay Robert at Mariel para may kasama sa pila habang pumunta naman si Rachelle sa nursing department para hanapin si Cheri. Buong pag-alalang sinusundan ng tingin ni Leyla si Rachelle, naawa sa kaibigan.

“Bakit Ley?†tanong ni Robert. Napansin ang mukha ng dalaga na malalim ang iniisip. “May problema ka ba?â€

Compilation of [ X ] DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon