[ X ] Diary 04 ( Part 1 )

Start from the beginning
                                    

Sobrang enjoy naman ang magkakabarkada sa kanilang pinanood at parang nalimutan na rin ni May ang kanyang init ng ulo. Pagkatapos ng palabas ay sabay na rin nag-siuwian ang magkakaibigan ay nakisakay sa van ni Arnel.

Unang hinatid ang magpinsan na si Rachelle at Cheri at natira na lang sa sasakyan ay sina Arnel, May at Leyla. Ang susunod na ihahatid nila ay si Leyla.

“Ley,” tanong ni Arnel bigla. “Malaki ba talaga ang kay Robert? Hihihi.”

“Hay nako!” gulat na sabi ni Leyla. “Ikaw talaga May, kung kanino mo lang ikinakalat ang mga kuwento natin! Girl talk nga yun!”

“Ouch,” sabi ni Arnel. “Sinaktan mo ang puso ko Ley, babaeng-babae ako!”

“Na intriga nga ako,” sabi ni May. “Ano kaya tuksohin ko yun?”

“May!” sumbat ni Leyla. “Ano ka ba?”

“Well, lintik lang ang walang ganti,” sabi ni May na nakangisi. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag text kay Robert.

Sinabi niya sa message na i-refund siya ng tickets at kailangan niya ang pera para bukas. Mayamaya nag text back na rin si Robert.

Robert: May nasa café ako dito sa labas ng campus, puntahan mo na lang ako

May: Pwede bang ikaw na lang ang dumaan sa boarding house, kahit mamayang late na. tnx

Dumating na sila sa bahay ni Leyla at bumaba na rin ang dalaga. Nagpasalamat sa paghatid ng mga kaibigan at nagbigay ng warning kay May na huwag gawin ang kung ano mang binabalak niya kay Robert

. Tumawa na lang si May at nakipag-beso kay Leyla. Hinatid na rin ni Arnel si May sa kanyang boarding house.

Compilation of [ X ] DiariesWhere stories live. Discover now