[ X ] Diary 03 ( Part 1 )

Start from the beginning
                                    

Sa bandang huli, pinakita ni Joseph kay May ang standing niya sa klase at sinabing kailangan ng dalaga ng extra work dahil mababa ang exams nito.

Lumabas si May sa teacher’s lounge na mainit ang ulo, at dumeretso siya sa tambayan ng kanilang barkada.

Nakita niya si Leyla, Maja, Rachelle at Robert na may ginagawa sa tambayan. Nakasubsob sa laptop si Leyla at umupo sa tabi niya si May.

“Ba’t mukhang galit ka sa mundo girl?” tanong ni Maja.

“Ewan,” sagot ni May.

“Ang gago kong C.I. pinatawag naman ako dahil palagi daw akong late. Eh, mas marami pa nga diyan ang late. Bwisit talaga.”

“Type ka lang nun, May,” dagdag ni Rachelle. “Baka pinagpapantasyahan ka lang hihihi.”

Tumawa lang si May at Maja sa sinabi ni Rachelle. Napangiti si Robert at nakita niyang namula si Leyla sa sinabi ni Rachelle.

Kanina pa hindi makatingin si Leyla sa kanya at parang hindi mapakali. Napansin ito ni May ngunit hindi siya umimik at baka mapahiya si Leyla.

Maya-maya, nagpa-alam na sina Maja at Robert dahil may date pa ang dalawa. Naiwan sa tambayan sina Leyla, May at Rachelle.

Nakalipas ang ilang minuto natapos na rin ni Leyla ang kanyang ginagawa sa computer at binigay ng kopya sa flash drive si Rachelle.

Compilation of [ X ] DiariesWhere stories live. Discover now