16th Break: Crush

Start from the beginning
                                    

Truth is, we used some call signs to alert each other if we're apart. Darling means I'm Alive but I'm in Danger, Baby means I'm Safe and Alive and Hon means I'm in Trouble, I Need Help. Each endearment has no romantic value and not even the acronym of our used words. Ang purpose lang nito ay lokohin ang kung sinumang magsisilbing mensahero naming dalawa. 911, 119, SOS and any symbols of help are already used. Mabilis malalaman ng kalaban na humihingi kami ng tulong o nagbibigay ng update sa iba kapag normal na mga salita lang ang gamit namin. And that's how we made up these corny yet helpful words.

"Naniniwala na ako. He even threatened me not to call you 'Baby' because he will kill me the next time we see each other." He laughed. "By the way, I'm Nathaniel De Guzman in case you forgot my name."

I rolled my eyes and playfully slapped his arm. "Silly. I can still remember you, Nate."

Sorry, pero kung hindi talaga dahil kay Dana at sa kanya ay hindi kita maaalala.

Muli akong naupo sa nakatumbang puno at agad naman siyang tumabi sa akin. Sinigurado ko pa rin na makikita ko ang tent kung nasaan si Shaun sa kinauupuan ko.

"It's been two months since the last time I dated you."

Hala. Hindi ko na maalala! Ngumiti lang ako at tumingin sa mga bituin. Ano kayang mangyayari bukas?

"Wala eh, naging busy kasi sa school." saad ko kahit ang totoo ay wala namang koneksyon iyon sa sinasabi niya. Isa pa, paano ko siya maaalala kung bukod sa puro tulog lang ang ginagawa ko, ay may sinisilayan na akong iba?

"I missed you."

I chuckled when a sudden memory came into my mind. Nahuli ako ng isang teacher na natutulog pero bago pa niya ako malapitan ay nadulas na siya sa sahig.

"I still like you—"

"Alesia!" sigaw ni Sho na agad na nakapagpabalik sa katinuan ko.

Agad kong itinulak si Nate na malapit na pala ang mukha sa akin! Ano ba ang iniisip ng isang 'to?!

"S-sorry." nakayukong wika ni Nate. "He will really kill me once he see me."

Napailing lang ako at ginulo ang buhok niya.

"Don't worry, I'll protect you when that time comes. The kiss didn't happen so it's okay but please don't do that again, Nate." Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Thank you for delivering his message to me. I'm grateful for that. I already told you before that I don't want you to court me, Nate. Kaibigan lang talaga ang turing at maibibigay ko sa iyo. Simula pa lang ay nilinaw ko na iyon sa iyo kaya sana maintindihan at tanggapin mo na"

I stood up and was about to leave him when he caught my hand. Samantala, nakatitig ako kay Sho na masama ang tingin sa amin at sa kamay naming magkahawak. Ayan na naman ang puso ko na daig pa ang sumali sa karera sa bilis ng pagtibok nito.

"Gusto mo ba siya, Alesia?" mahinang tanong ni Nate. "Gusto mo ba ang lalaking iyan?"

Alam ko ang sagot ngunit pinili kong patagalin bago ako magsalita. Alam kong kahit anong sagot pa ang ibigay ko sa kanya, malalaman at malalaman niya ang sagot dahil matagal na niya akong kilala.

"Hindi... hindi ko alam Nate eh. Mukha kasi siyang manok na pula sa paningin ko." Bahagya akong tumawa at nanatiling nakatitig kay Sho. "Pero Nate... kung sakaling dumating ang araw na naging tao na siya sa paningin ko, posible ang sinasabi mo."

Kumalas ako kay Nate at umiwas na ng tingin kay Sho. Hindi silang dalawa ang pakay ko sa paglabas ko ng tent namin ni Shaun.

Bumuntong-hininga ako at umakyat sa isang puno. Kita ko pa rin dito ang kinalalagyan ni Shaun. Nahiga ako sa sanga at pinagmasdan ang buwan. Nasa gubat kami ng Sitio Seven susubukan sana naming lumabas pero hindi talaga namin kakayaning lagpasan ang mga pulang laser na nasa 'di kalayuan. Kasing talas iyon ng bagong hasang kutsilyo. Hindi iyon basta-bastang laser lang na isang diretso ang ayos. Ang pulang laser ng Sitio Seven ay parang hologram ng isang gate na gawa sa mga alambre.

I'm more than happy knowing that he's safe. Naalala ko si Shaun. But does he know a thing about Shaun? Kung wala siyang alam, paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol kay Shaun?

I know that we will see each other again when the right time comes. I believe that he's doing his best to survive this zombreak. And I bet that he's enjoying this right now. Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ng sigawan sa ibaba. Bumangon ako at tiningnan sila. Akala ko naman ay kung ano na ang nangyayari pero nag-iinuman lang pala sila at naglalaro.

Wait... Where's Sho?

"Don't you want to join them?"

Pakshet! Muntik na akong mahulog sa sobrang gulat. Sinamaan ko siya ng tingin. "Papatayin mo ba 'ko sa gulat, ha?"

Tinawanan lang niya ako at naupo sa mismong pwesto ko! Siya na ngayon ang nakasandal sa katawan ng puno!

Mang-aagaw ng pwesto! Inirapan ko siya.

Kumalma rin ako nang hindi siya magsalita. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan bago niya basagin iyon.

"Siya ba ang hinahanap mo?"

"Sino?" Kunot ang noo na tiningnan ko siya.

"The guy that almost kissed you. Is he the one whom you are looking for?"

"Hindi." Umayos ako ng upo at ibinaba ang mga paa ko. Naka-side view ako sa kanya. "Ang taong hinahanap ko ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. He was the one who protected me when I'm in my fragile state. He was the one who took care of me when my parents weren't at home. Siya ang nagluluto ng pagkain namin, naglalaba ng damit namin. Siya ang nag-aalaga sa akin na dapat ay mga magulang ko ang gumagawa. Whenever I want or need something, all I need to do is to tell that to him at siya na ang gagawa ng paraan para maibigay sa akin ang gusto ko." Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko. "I can't afford to lose him, Sho. I'm afraid of what I can do if I lose him or something bad happens to him. I'll surely go insane."

Totoo ang sinabi ko. Everyone can hurt me but not him. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin na mas ikinaiyak ko lamang. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya para sa kanya ako magkuwento ng ganito.

"He's lucky to have you..." He whispered. "Siya naman ang nauna sa iyo pero bakit 'di ko maiwasang hindi magselos?"

Parang tumigil ang mundo at ang puso ko sa narinig.

"A-nong..." Hindi ko matuloy ang sasabihin dahil hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin. Baka kasi kapag tinanong ko siya ay mapahiya lang ako.

"Yes, I like you, Alesia. I really do." He smiled. "But, I don't want to fight for you unfairly kaya hihintayin kong mahanap mo ang lalaking gusto mo para siya na ang hahamunin ko." He kissed my forehead and caressed my cheek. "Stop crying. It's hurting me, too."

Gusto niya 'ko? Gusto niya talaga ako? Gusto ako ng crush ko!

ZOMBREAKWhere stories live. Discover now