[PIRENA]

Siya si Sang'gre Pirena, ang tagapangalaga ng brilyante ng apoy. Ang brilyante niya ay matatagpuan sa Bulkang Mayon na nasa Albay. Dahil siya ang panganay, siya ang pinakaginagalang sa lahat. Siya rin ang pinakamatapang sa mga magkakapatid, kung gayon ay nagliliyab na kulay pula ang kanyang mga mata sa tuwing ginagamit nito ang kanyang kapangyarihan.

[AMIHAN]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[AMIHAN]

Pangalawa si Sang'gre Amihan, ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin, na makikita sa napakataas na Bundok Apo. Siya ang pinakamatalino, pinakamahinahon at ang pinakabihasa sa panggagamot. Kaya niyang kontrolin ang panahon at may kakayahan siyang lumipad ng napakataas katulad ng isang agila. Asul naman ang kulay na sumasagisag sa kanya.

 Asul naman ang kulay na sumasagisag sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[DANAYA]

Habang kulay dilaw naman ang sagisag ng pangatlo sa magkakapatid. Siya si Sang'gre Danaya, kilala bilang tagapangalaga ng brilyante ng lupa, na nakatago sa kagubatan ng Sierra Madre.  Sa kanilang apat, siya ang pinakamagaling sa pakikipaglaban at ang palaging tagapamagitan sa kanilang magkakapatid.

[ALENA]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[ALENA]

At panghuli ay ang bunsong si Sang'gre Alena, ang tagapangalaga ng brilyante ng tubig, na maaring matagpuan sa malawak na karagatan ng Batangas. Sinasabi nila na siya raw ang pinakamaganda sa kanilang apat. Nagtataglay siya ng nakakaakit na tinig at may kakayahan rin siyang mag-ibang anyo na halintulad sa mga sirena. Maraming nakapagsasabing hanggang ngayon, nagpapakita pa rin daw ang sang'greng ito sa mga mangingisdang pumapalaot tuwing gabi.

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now