Kabanata 27

107 25 5
                                    

Kabanata 27

"Krizhelle, ano bang problema? Bakit ayaw mo kong pagbigyan maging kaibigan mo? Alam naman natin na kailangan mo ng kaibigan! Andito ako para sayo pero ayaw mo kong hayaan," nakakunot noong sambit ni Calyx.

"Layuan mo nalang ako please. Kaya ko ang sarili ko," tahimik na sambit ko.

"Narinig ko kayo ng kausap mo sa telepono. Kapatid mo iyon diba? Naiintindihan kita. Hindi mo kailangan sarilinin ang lahat."

Tumitig ako sa kanya ng saglit, "Huwag mo kong pakialaman. Hindi kita kailangan," I said coldly. 

Isang taon na akong ginugulo nitong si Calyx. Mabait siya, lagi niya akong pinagtatanggol at kinakausap rin niya ako lagi kahit na iniiwasan ako ng lahat. At kahit pa umiiwas ako ay sa bawat pagpapakita niya ng simpleng pagaalala sa akin ay unti unti akong nag titiwala sa kanya. Pero hindi ko iyon kayang sabihin sa kanya. May tiwala ako sa kanya pero sa akin lamang iyon, wala pa rin akong balak na papasukin siya sa buhay ko.

"Buong stay mo dito hindi ko maintindihan kung bakit ka ganyan pero gusto kitang maging kaibigan. Gusto kitang protektahan Khrizelle kahit di naman kita kilala. Ngayon na narinig ko iyong pag uusap ninyo kahit hindi 'yon buo ay may kung ano sa akin na nagsa-sabing kailangan mo ako. Ayos lang na maging mahina ka kung nanghihina ka talaga. Ayos lang kung galit sila sayo ang mahalaga hindi ka magalit sa sarili mo. Andito ako para sayo Krizh."

Unti unti siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nanghina ako dahil roon. Parang biglang nabuwag ang lahat ng pader na iniharang ko sa aking puso para makasigurong walang ibang makakalapit sa akin. Sa isang iglap ay nabuwag lahat ng pag titiis kong huwag siyang hayaan na mapalapit sa akin.

"I left them for their peace and for my healing. I left them for their happiness. I left him for them and now I'm here but they think I did this because I'm selfish. Mahal ko sila, mahal na mahal kaya kahit ang sakit sakit umalis doon. Kahit ang hirap hirap talikuran ng lahat doon ginawa ko parin dahil ayaw ko ng guluhin sila. Umalis ako kahit alam ko na sa oras na talikuran ko silang lahat doon ay maaaring wala na akong balikan," umiiyak na sambit ko. Tahimik lamang akong niyakap ni Calyx.

"Shhh tahan na. Andito ako hindi ka nag iisa," patuloy niya 'yong ibinubulong sa akin habang umiiyak ako.

Narito kami sa garden ng school. Dito ako pumunta nang tawagan ako ng kapatid ko at nag away nanaman kami at narinig iyon ni Calyx. At hindi ko na alam kung ilang oras pa kaming nag tagal roon ng magkayakap bago ako kumalma.

Mula noon ay naging close kami sa isa't isa. Mula noon hindi na niya ako hinayaang mag isa sa kahit na ano. I begin to open up myself to him, naging matalik kaming magkaibigan.

"Calyx" sambit ko ngunit walang lumalabas na kahit na anong salita sa aking bibig. Para akong lumulutang pero ang bigat ng ulo ko.

-


"Anak hindi mo na dapat pa sinagot ang mommy mo. Alam mo namang nasasabi niya lang 'yon dahil nag aalala siya sayo," sambit ng daddy nang sundan niya ako rito sa veranda ng aking kwarto.

"Hindi ko alam dad. Hindi ko po maintindihan. Dahil lahat naman ng gawin at desisyon ko ay kinkokontra nila ng ate," matamlay na sambit ko.

"Hindi ganoon anak, gusto lang nila ang makakabuti sayo. Mag tiwala ka lang sa mommy mo, sigurado ako na ginagawa nya lamang ito dahil ayaw niyang mapasama ka." Marahang paliwanag ng daddy.

"Pero bakit ganon dad? Pakiramdam ko ayaw lang niyang sumaya ako. Kasi dad bakit pakiramdam ko ayaw niya na andito ako. Pakiramdam ko hindi nya ako mahal. Ginagawa ko na ang lahat ng gusto niya dad pero bakit ganon? Hindi niya naman nakikita 'yon. Wala syang ibang nakikita kundi ang mali ko," nangingilid ang luhang sambit ko.

Letting You GoWhere stories live. Discover now