Kabanata 6

148 43 4
                                    

Kabanata 6

Hindi ko alam kung paano kong nakayanan ang pag lipas ng mga araw na ang tanging ginagawa ay mag mukmok o di kaya ay mag panggap na ayos lang ako. Sa bahay ay tahimik lang ako at hindi kumikibo at pag dating naman sa school ay pipilitin kong maging masaya dahil kung hindi ay paniguradong mag tataka sila. Nakasanayan nila na maingay ako at makulit kaya kung makikita nila akong tahimik at matamlay ay paniguradong uulanin ako ng tanong.

Alam kong hindi ko na dapat pang isipin ang kalagayan naming dalawa dahil hindi iyon makakatulong pero hindi ko maalis sa akin ang isipin kung bakit kailangan namin itong pag daanan. Hindi ba namin deserve maging masaya? Hindi ba namin deserve ang isa't isa? Gusto kong tanungin ang pamilya ko kung bakit? Bakit kailangan kong layuan sya? Bakit namin kailangan mag hiwalay? Kasi kahit na alam kong iniisip lang nila ang kapakanan ko, hindi ko parin maintindihan kung bakit. O siguro naiintindihn ko pero ayaw ko pading tanggapin.

Naputol ang pag iisip ko ng maramdaman ang yakap ng aking kaibigan. Nag pakawala ako ng malalim na hininga.

"Roe wag ka naman ganyan oh, andito ako kausapin mo ako. Wag mo solohin yan please," mangilid ang luha ko dahil sa sinabi ni Wendel. Hindi pa matagal nang magka-kilala kami pero mula nung maging close kami ay hindi nya na ako pinabayaan.

Nasa loob ako ng room, pumasok sya dito gaya ng nakasanayan nya kahit na hindi ko naman siya kaklase.

"Alam kong di pa tayo matagal magkakilala pero sobra akong nag aalala sayo. Ni kahit sina Valerie, Zyrell at Lyndell 'di mo kinakausap."

"Ayos lang naman ako Wen. You guys don't have to worry," I assured them by giving them a serious look. I can still pretend.

"Sana talaga makamove on ka na," sabi ni Vale.

Do I want to move on? Kasi sa totoo lang hindi ko alam kung gugustuhin ko bang makapag move on o hindi?

"Kasi dun ka lang magiging maayos kapag nakapag move on ka na," dagdag nya pa.

"I know I needed that but I don't want to move on Vale," nagtama ang paningin naming dalawa, sa kanilang tatlo siya iyong pinaka-matapang at matatatag. Siya iyong panganay sa amin at pinakamadami ng napag daanan sa amin. Strong and independent. Napagkakamalan syang bad girl kasi yun ang pinapakita nya pero dahil kilala na namin siya ng higit sa mga ipinapakita nya sa iba, sa likod ng matapang at malditang Valerie ay isang malambot at malambing na Valerie, maasahan at hindi nangiiwan.

Nanatili lang ang titig nya sa akin. Alam kong marami pa syang gustong sabihin pero pinili nyang manahimik dahil alam kong iniisip nya ang mararamdaman ko.

"Sana maging masaya ka na ulit, miss na namin yung masiglang Roe e," sabi naman ni Lyndel. Bago sya sa grupo namin. dahil kung si Vale at Zy ay kasama ko na mula senior high school sya naman ay ngayong 1st year college palang pero napalapit na agad siya sa amin. Maganda, mabait, at maasahan din, iyakin din sya tulad ko pero mas masaya ang kalagayan ng buhay nya ngayon kumpara sa akin.

"Ayos lang naman ako, wag nyo na ako alalahanin. Hayaan nyo itong si Wen, masyado lang iyang o.a," pinilit ko pang maging masigla ang boses ko para mas mapanatag sila.

"Ikaw tong puro emote tapos ako ang sisisihin mo? Seryoso ka dyan?" at ayan na nga nag mamaldita nanaman sya.

"Bumalik ka na sa room nyo, wag mo na ko laging dalawin dito wala akong sakit okay?" nang aasar na sabi ko sa kanya para matakpan iyong kirot na nararamdaman ko sa loob loob ko.

"Masakit naman yang puso mo duh! Makaalis na nga bruha," sabi nya tsaka lumabas ng room. Bumuntong hininga muna ako bago muling bumaling sa tatlong nasa tabi ko.

Letting You GoWhere stories live. Discover now