Kabanata 25

99 26 2
                                    

Kabanata 25

I stayed at the hospital for 2 days before the discharge. While Liam needs to stay there for a week because of his head injury. He's awake but he still needs to gain his strength. Sa aming dalawa mas malala ang trauma at lagay niya dahil sa pagkaka-tama ng kanyang ulo sa bangka naming tumaob.

Mula noong makalabas sa ospital ay lagi na akong dumadalaw sa pamilya ni Liam pati na rin sa hospital kung saan siya naka-confine.

-

Ngayon ang labas ni Liam, nag aayos na ng gamit at nag hahanda na si Liam at ang kanyang pamilya sa pag uwi habang ako ay nag aasikaso ng kanilang hospital bills.

Nang matapos ay agad na akong bumalik sa kwarto ni Liam at sinundo sila roon. Ihahatid ko lamang sila sa isla at ako naman ay aalis na roon.

Sa ilang araw kong pananatili halos sa bahay nila Liam, palagi lamang nakasunod at nakabantay si Rogue sa akin. Kahit na hindi niya ako kinakausap ay hindi parin maiwasan ang minsanang interaksyon. At tuwing matatapos ang interaksyong 'yon ay nauuwi lang kami sa awkwardness.

Lagi siyang nag tatanong kung ano ang mga plano ko sa buong araw at kinabukasan, kung minsan ay sinasabi ko at kung minsan naman ay hindi. Gaya nang plano ngayong araw, hindi ko ipinaalam sa kanya o kahit kina Liam na aalis na ako.

Pinapaalalahanan niya akong kumain at mag ingat lagi kahit na masungit ako sa kanya at laging tipid kung mag salita ay patuloy parin siya sa mabuting pakikitungo.

Minsan kapag nagigising ako nang hating gabi sa bahay nila Liam dahil doon ako nananatili para samahan ang mga nakababatang kapatid masisilip ko siyang nag babantay sa labas ng bahay. Gustong gusto ko man siyang lapitan at papasukin ay pinipigilan ko ang aking sarili. Imbis na gawin 'yon ay tinatanaw ko na lang rin siya hanggang sa umuwi siya pag bandang alas tres na ng madaling araw. Kapag umaga nama'y dumadating siya ng bandang alas dies para tanungin ako ng plano ko para sa araw na 'yon.

Ganoon lagi ang takbo ng araw namin mula nang makalabas ako sa hospital. At sa bawat araw na 'yon ay nararamdaman ko ang mas nakakatakot na katotohanang namumutawi sa aking puso.

Dala ang aking sasakyan mula sa bayan dumaan kami sa mahabang daan patungo sa isla dahil mula nang mangyari ang aksidente ay iniiwasan ko munang sumakay sa bangka.

Lunch when we arrived at the Island. We just ate our lunch and I secretly bid my goodbye to their Family. Isa isa kong kinausap ang kanyang mga kapatid pati na rin ang kanyang mga magulang. Ang huling kinausap bago si Liam ay ang kanyang ate na si Nina.

"Krizh are you sure you don't want Liam to know that you are leaving now? I'm sure mag tatampo iyon sayo," panimula ni Nina ng makalayo kami sa kanila.

"Mas mabuti kung hindi niya alam dahil baka isipin nyang dahil sa kanya kaya ako aalis. Alam ko hanggang ngayon ay sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari pero alam naman nating lahat na hindi niya kasalanan 'yon. Mas may kasalanan pa nga ako dahil ako ang nakatatanda pero hindi ako umakto bilang ganoon. Nahihiya na ako sa inyo Nina, masyado na akong nakagulo sa pamilya nyo kahit na wala naman kayong ibang ginawa kundi tulungan ako," ngumiti ako sa kanya ng tipid.

"Talaga bang aalis ka dahil sa nahihiya ka sa amin? O dahil ito roon sa lalaking laging nag babantay sayo?" tanong niya na nagdala sa akin ng gulat. Hindi ko inaasahan na alam niya ang tungkol sa pag sunod sa akin ni Rogue.

"Noong una akala ko ay hindi mo kilala, nag kataon lang na nakita nya kayong nasa panganib kaya dumating siya para sumaklolo pero noong makita ko kung paano siya mag alala habang buhat ka niya kahit na halatang nilalamig siya dahil basang basa siya ay napaisip ako. Hindi naman siguro siya mag aalala ng ganoon kalala kung di ka nya kakilala. Ayaw ka nyang ipahawak sa iba, gusto niya ay nasa tabi ka lang niya. Hanggang sa hospital ay gusto niya hindi ka malalayo sa kanya. Noong ginagamot ka ng mga doktor hindi siya mapakali, kahit sinasabihan siya noong kasama nyang babae na mag bihis na dahil basang basa siya ay parang wala siyang naririnig. Nakatulala lang siya at malalim ang iniisip," tumingin siya sa akin ng mainam tsaka sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

Letting You GoWhere stories live. Discover now