Kabanata 16

103 28 0
                                    

Kabanata 16

Sumunod ako sa kanya ng tahimik. Seryoso lamang siyang nag lalakad, ni hindi niya ako nilingon para man lang makita kung sumusunod ako sa kanya o ano. Naging mabilis ang paglalakad niya kaya kinailangan ko pang magmadaling makisiksik sa mga tao para lang maabutan siya. Nang makalabas kami ng bar ay huminto ako para makahinga ng maayos. Medyo nahihilo ako dahil sa pag mamadali at epekto na rin siguro ng nainom ko kanina.

He didn't stop so I called him.

"Clint! wait," hinihingal na sabi ko. Bahagya parin akong nahihilo.

"We are not talking here. If you don't want to come with me then you are free to go back ther,." walang emosyong sambit niya sa akin.

"No. I'll come with you. Let's go," natataranta pang sagot ko. I can't let this chance go. I want to settle everything with him so I can fully have my peace of mind.

Hindi na siya sumagot at nag patuloy na lamang patungo sa parking lot. Bahagya parin akong nahihilo kaya hindi ko magawang sumabay sa pag lalakad niya. Pinatunog niya ang alarm ng kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

Tumingin ako sa kanya upang tantyahin ang kanyang reaksyon pero nananatili itong blangko.

"What? Aren't you going in?" masungit na tanong niya ng makitang nakatitig lamang ako sa kanya. Umirap ako dahil sa inis sa inaasal nya tsaka pumasok sa loob ng sasakyan niya. Seryoso siyang umikot sa kabilang side ng sasakyan at tsaka sumakay. Walang imik niyang binuhay ang sasakyan tsaka kami umalis.

Where the hell are we going? Kung hindi ko lang kailangan ang kapatawaran niya ay hindi na ako mag lalakas loob na makipag usap sa kanya ngayon.

Pinili ko na lamang manahimik kahit na kating-kati na akong tanungin kung saan kami pupunta dahil baka mag sungit lamang siya at hindi ko mapigilan ang sarili sa pag patol sa kanyang kasungitan. Masyadong tahimik ang loob ng sasakyan kaya pinili ko na lamang libangin ang sarili ko sa mga tanawin sa labas. City lights and all. Ibinaba ko rin ang salamin ng sasakyan, hindi niya naman siguro mamasamain ang ginawa kong ito. Madaling araw na kaya kakaunti na lamang ang mga sasakyang dumadaan. Sumilip ako sa bintana at hinayaan ang sariling damdamin ang malamig na simoy ng hangin. I closed my eyes and let myself calm. Ang hilong nararamdaman kanina ay unti unti ng nawawala.

How funny it is that I am riding his car after 6 years and feel like I am with someone I just met a while ago.

"We're almost there. Close the window now," seryoso paring sambit niya. Iminulat ko ang aking mata at sinunod ang sinabi niya. Tiningnan ko ang paligid, hindi ako pamilyar sa lugar na ito na halos isang oras ang layo sa bar na pinanggalingan namin kanina.

"Where are we?" tanong ko sa kanya ng ihinto niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang building.

"My office," walang ganang sagot niya tsaka lumabas at umikot para sana pagbuksan ako kung hindi ko na siya inunahan.

Bakit pa dito niya gusto mag usap? Anong akala ba niya sa pag uusapan namin? Kaso? What the hell?

"Bakit dito?" Tanong kong muli sa kanya ng mag lakad siya papasok roon.

"Dahil dito ang gusto ko," may bakas ng pagiging arogante sa kanyang boses. Umirap ako at wala sa sariling sumimangot kung hindi niya lamang ako sinita.

"If you don't like to talk with me here then you can leave," sabi niya tsaka tumuloy sa pag lalakad.

Kinuyom ko ang aking kamay upang pigilan ang inis. Sumunod ako sa kanya ng tahimik. Binati siya ng mga tauhan niyang nag babantay, pati na rin ako ng makitang kasama ako ng boss nila.

Letting You GoWhere stories live. Discover now