Chapter 38. [Comeback]

Magsimula sa umpisa
                                    

I sighed.

Oo nga e. Siguro that day, may nakain si Dylan na pampa-sweet ng mood kasi halos di niya na ko bitawan nun. Kaso, the next day, back to masungit, mayabang, conceited at gangster na Dylan na naman siya.

Pero hindi niya ako sinasalbahe. Parang normal na lang niya yun. Lagi pa kong sinisigawan kapag di ako kumakain ng maayos! Tapos may time na umiyak ako kasi naman sumasakit yung kaliwang kamay ko, tinawag niya kong cry-baby.

Pero inalagaan naman niya ako.

May kasama nga lang pitik sa ilong.

Ewan ko ba, gusto ko sweet siya sakin pero mas gusto ko yung seryoso, yung laging nang-aasar at yung laging 'sundin mo ko or else' Dylan na nagustuhan ko.

Siya talaga yun eh. I mean, he's that type of guy.

Tinignan ko si Dara na nagtataka na kung bakit di ako nagsasalita.

I sighed.

"Ganito kasi yun Dara. Di naman namin kailangan ipagsigawan sa buong mundo na gusto namin ang isa't-isa diba? Sapat na yung alam namin na, we like each other."

"Ano ka ba! Hello? Si kuya habulin ng mga babae yan! At lahat ng babae inggit sayo dahil nga sayo na si kuya! Kapag di niyo man lang ipakita sa lahat na kayo, hala ka bes! Baka mamaya may bigla na lang humablot dyan at agawin na forever si kuya sayo!"

"Wag naman!" nagpout ako. "Wag naman..."

"Huy joke lang! Bakit ba kasi like niyo lang ang isa't-isa? Di ba pwedeng love na agad?"

Bigla akong naewan sa sinabi niya. Masyado kasing nakakaano, ewan ba.

We like each other lang naman. Pero love? That's such a strong word.

Wala naman akong magagawa kung sakaling magkagusto si Dylan sa iba.

Pero bakit parang naiinis ako (at parang may something sa puso ko na kumikirot?) kapag naiiisip ko yung possibility na magkagusto siya sa iba?

"Oh! Look at her! That transferee from the other block! Paano kung bigla na lang siyang magustuhan ni kuya? Ang ganda at wow, ang curves!"

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon