Epilogue

1.1K 30 1
                                    

Happy New Year!

Thank you so much for making this far! This is the last page of Saige and Zara. Thank you for your endless support. Thank you for joining Zara and Saige in their roller coaster ride.
——

[Epilogue]

"Mr. Aquino, another violence again." puna ng aming disciplinary teacher na si Mrs. Fabros. I shrugged and leaned against the sofa. Bahagya ko pang tinapik-tapik ang lamesa niya kung saan ang abala siya sa pag-susulat para dagdagan ang demerit ko.

"What is it this time? Clean the classrooms, school grounds, cr?"

Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin mula sa makapal niyang salamin. Tumaas ang sulok ng labi ko at umiwas ng tingin.

I'm so bored, kailan ba 'to matatapos?

"No." sagot ni Mrs. Fabros at isinara ang Evaluation book. "Your job today is to assist in the library."

"What?" tumaas ang kilay ko. "You're kidding."

"I'm not, Mr. Aquino. Assist in the library for one week, young man. That's your punishment."

Fuck. Sa lahat ba naman ng pwedeng ipatrabaho sa akin ay sa library pa? Ni hindi nga ako pumupunta doon, palilinisin pa ako?

Isang ngisi ang ibinigay ko kay Mrs. Fabro bago lumabas ng SGC office. Tamad akong nagtungo sa library. Nagulat pa ang librarian na makita ako. Nilinis niya pang mabuti ang salamin para kumpirmahin kung nandito ba talaga ako.

"Mr. Aquino, what brings you here?" inabot ko naman sa kaniya ang disciplinary slip. Pinirmahan niya ito bago ibinalik sa akin.

"Buti naman at nang may kasama ako dito." wika niya. Umirap ako sa hangin bago binalik ang tingin sa matanda. "Ano ba ang gagawin ko?"

"Clean the shelves, Mr. Aquino. Magsimula ka doon sa dulo." utos niya sa akin. Marahas kong pinasadahan ang buhok ko bago nagtungo sa likod. I slipped my earphones on, to start my punishment.

Now Playing: Captivated by IVOS

Gamit ang basahan ay sinimula ko ng linisin ang mga selves. Itinali ko ang buhok ko paitaas para hindi maging sagabal. Fuck. Sigurado akong pagtatawanan na naman ako ni Dustin at Caleb.

Nasa gitna na ako ng paglilinis nang umalis ang librarian. Sinigurado kong wala na siya bago ko ibinagsak ang katawan ko sa isang mahabang upuan. Ngumisi ako at inilabas ang isang stick ng sigarilyo. Inipit ko ito sa aking bibig para kapahin ang aking lighter.

I was going to lit it when I saw a shadow not far from where I'm sitting. Ibinaba ko ang lighter at nilapitan kung ano iyon. To my surprise, I saw a girl sleeping peacefully. Ginawa niya pang unan ang libro ni William Shakespear.

I crouched a bit to get a good view of her face. I'm seem captivated in her angelic face. Katulad ng kanta na lumalaro sa tenga ko ngayon. Kumabog ang dibdib ko ng walang pasabi.

"You're the one that I want to be with.. never wanna be separated...I'm captivated."

Shit.

I slowly traced her features. Sharp nose, curly lashes, pink cheeks and...shit, rosy lips.. Napalunok ako nang bahagyang nangatal ang labi ko, kinagat ko ito.

I leaned my face to her lips. I'm tempting to kiss it. Oh god, ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko pa natitikman ang labi niya nang may biglang pumasok na babaeng emo ang make up.

Mabilis akong nakapagtago sa likod ng shelf. Nakita kong nilapitan niya ang babaeng iyon at ginising. Don't wake her up, she's sleeping beauty.

"Zara, gising na." My jaw literally dropped when she opened her eyes. Tila'y nakarinig ako ng tunog ng trumpeta. Shit! I could recite the holy rosary!

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)Where stories live. Discover now