Chapter Twenty-Eight

365 17 0
                                    


[Chapter Twenty-Eight]

Wala na akong balak na bumalik pa roon. Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha niya.

I understand! I fucking understand that he's angry pero kailangan niya ba talagang gawin 'yun? Hindi ko maiwasang mapaiyak muli. Anger and heartache are mixing up.

Niyakap ko ang tuhod ko at isinubsob doon ang mukha ko. Pinakiramdaman ko ang sarili at nanginginig pa rin ako.

Is this the price that I have to pay? Sa pakikipaghiwalay ko sa kaniya upang iligtas ang buhay niya?

Naninikip ang dibdib ko at tulalang nakatitig sa tubig. Blanko ang utak ko pero patuloy pa rin sa pagbuhos ang luha ko. Huminga ako nang malalim kahit nahihirapan para kumalma.

The peacefulness and the beautiful scenery of the sky calmed my aching heart, body and soul. I don't wanna go back. Let me just stay here until it lasts.

"Zara?" naputol ang paninitig ko sa tubig dahil sa tumawag ng pangalan ko. Nagtatanong ang mga mata ni Joshua nang pinasadahan niya ang ayos ko.

"What happened? Bakit sira ang butones mo?" doon ko lamang naramdaman ang lamig ng hangin. Marahas kong tinapak ang dibdib ko ang tinalikuran siya.

I don't want him to see me like this.

"I want to be alone.." wika ko sa kaniya.

"Sinong gumawa sa'yo n'yan, Zara?" tanong niya. Bakas ang galit sa tono ng boses niya. Binalingan ko siya at umiling. "It doesn't matter.."

"That bastard." Marahas siyang bumuga ng hininga. "I'm gonna kill him."

Mabilis ko siyang hinawakan sa kamay upang pigilan. Tumungo siya upang tingin ang kamay kong nakakapit sa damit niya bago umangat ng tingin sa akin.

"Stop Joshua, hayaan mo na." nilamon ng katahimikan ang boses ko. Lumambot ang mukha niya pero bakas pa rin ang panggigigil.

"He can't do this to you, Zara. Tangina, sumusobra na siya!"

"I just wanna go home.." umawang labi niya at hinubad ang jacket suot at binalot niya ito sa katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ikinabig niya ako sa dibdib niya.

He gently carressed my hair. "You can cry, Zara. Ilabas mo lahat."

Sumikip muli ang dibdib ko sa sinabi niya. I hugged him tightly as I poured my tears on his chest. Tumaas baba ang balikat ko sa paghagulgol.

He comforted me until the dawn breaks. Sa pagmulat ko ay tumama ang sinag ng araw sa mukha. Napalingon ako kay Joshua na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nasa harap pa rin kami ng sapa. Ayaw ko pang umuwi noon kaya sinamahan niya akong matulog dito.

Nung una palang, alam ko naman talaga ang dahilan niya kung bakit siya lumapit sa akin. Ngunit hindi ko inakala na magiging malapit ang loob ko sa kaniya. Sa kabila ng mga kalokohan niya ay handa niyang ilagay sa kapahamakan ang buhay niya para sa akin.

Pagdating ko sa kwarto ay tulog pa rin ang dalawa kaya pumasok ako sa banyo para maligo. I was already drying my hair when Pia woke up.

"Morning." bati ko sa kaniya.

"Morning din. Lumabas ka ba kagabi?"

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें