Kabanata 20

43.5K 1.8K 119
                                    

SIZE

Tumulong nga si Brent sa pagluluto. Walang kaartehan sa kanyang mukha at hinubad pa niya ang kanyang pang-ibabaw na damit kaya expose na expose ang kanyang magandang katawan. Inabutan ni Tita si Brent ng apron at isinuot niya sa kanyang katawan. Nanatili lang na nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko akalain na may mas ikagwapo pa pala si Brent. Hindi ko rin naman in-expect na ganito siya ka-hot!

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko at bumalik na ulit sa kusina. Nakita ko si Beth na nakahawak sa may pintuan habang kinikilig na pinagmamasdan si Brent. Hindi ko naman siya masisisi dahil hot talaga si Brent.

Bigla akong siniko ni Pempem. "Louise, ang sarap ng sauce na ginawa mo!"

Napangiti ako at tumabi sa kanya. Si Beth ay nakatingin na sa akin na may pang-aasar na sa kanyang mukha.

"Uy, grabe ang pagbabago ni Brent! Hindi naman kasi iyan lumalabas at nagpupunta rito, eh!" aniya at nginitian ako. "Ganiyan siguro ang inspired at may mapagmahal na girlfriend."

Hindi ko mapigilan na kagatin muli ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Pinigilan ko ang sarili ko na mamula lalo na't may ginagawa kami. At isa pa, hindi ko pa boyfriend si Brent dahil nanliligaw pa lang siya sa akin. Tinanguan ko na lang siya at nagpatuloy na lang sa ginagawa. Habang si Beth at Pempem ay panay kuwentuhan tungkol sa gagawin nila mamaya, si Carpa naman ay tahimik lang na nakaupo. Narinig ko rin ang mga taong nagkakantahan sa bakuran nila. May naggitara, at merong ding nagtatawanan. Sobrang saya nila habang nagluluto. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Gusto ko rin na ganito ang buhay ko, simple ngunit masaya.

"Ay, alam mo ba? Marunong akong kumanta!" nakangiting sabi ni Pempem sa akin habang gumagawa ng mango float.

"Sus, huwag kang maniwala diyan, Louise! Nagyayabang lang iyang si Pempem," si Beth at sinamaan ng tingin si Pempem na ngayon ay kumunot na ang noo.

Binaba niya ang manga at kunot-noong binalingan ang kapatid. "Aba, inggit ka lang! Maganda kasi ako tapos may talent pa!" mayabang na sambit ni Pempem at nagtaas pa ng kilay.

"Aba, hoy!" Dinuro ni Beth si Pempem. "Pareho lang tayo ng hitsura, mahiya ka naman!"

Natatawa na si Beth dahil sa hindi maipaliwanag na hitsura ni Pempem. Ngayon ko lang napagtanto na sa kanilang tatlo, si Beth ang pinakamahinhin sa kanila at ang pinakamapang-asar. Si Carpa ang masungit at si Pempem ang madaling mapikon. Naisip ko tuloy ang tungkol sa aming dalawa ni Hailey. Kung pagbibigyan pa ba ako ng pagkakataon, magkakasundo pa kaya kami ni Hailey?

Imposible na yata kasi ayaw na ayaw sa akin ni Hailey. Gusto lang niya nasa kanya ang atensyon ni Mommy na siyang nakuha na niya. Napabuntonghininga na lamang ako at nagpatuloy na lang sa ginagawa.

"May kapatid ka ba, Louise?" tanong ni Beth na ikinatigil ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at biglang naisip si Hailey. Mapait akong napangiti sa kanya at tumango. "Oo, meron."

"Wow, talaga?" gulat na tanong ni Pempem at nilingon si Carpa na naglalakad patungo sa kanilang refrigerator. "Hoy, Senyora! Ikaw muna magpapatuloy sa mango float! Kaya ka napagkamalang pinakamatanda sa amin, eh, palagi kang nakasimangot diyan!"

Kahit alam kong biro lang iyon ni Pempem ay nakita ko ang inis sa mukha ni Carpa. Pero wala naman siyang magawa kung hindi ang bumalik sa may lamesa at hinila ang tupperware na may lamang mango float. Tagumpay naman ang ngiti ni Pempem bago ako binalingan.

"So, lalaki ba ang kapatid mo?" excited na tanong niya. "Ilang inches ba 'yong ano niya?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip sa sinabi niya. Nagulat ako nang bigla tinampal ni Beth ang kamay ni Pempem upang pigilan sa kung ano man ang gagawin. Nalilito ako sa kanilang dalawa dahil nagsisenyasan sila. Tumayo pa si Pempem at may kinuha pa sa divider. Umawang ang labi ko nang bumalik siya na may dalang ruler. Pati si Carpa ay natigilan dahil sa dala ng kapatid.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon