Chapter 14

1K 23 0
                                    

CHAPTER 14





Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Narinig ko na rin ang pagbukas at pagbukas ng pintuan ng kotse. Dahan dahan kong iniangat ang aking ulo at nakita ko ang likod ni Braxten na papasok sa isang Palasyo kasama ang butler nito habang ang driver naman ay nasa gilid lang ng pintuan.

Inilibot ko ang aking paningin at yun nalang ang laking gulat ko ng mapagtanto kong nasa Pantagona kami. Kita ko rin ang mga Royal guards na nagbabantay at mukhang bantay sarado ang Palasyo ng Pantagona.

Naghalungkat ako sa aking isipan kung paano ako makalabas dito at para makapasok sa palasyo.

Napahinto ako. Ako naman ang prinsesa ng Pantagona diba? At dito rin ako nakatira since pinanganak ako dito?



Pero baka magtaka sila kung bakit nasa likuran ako lumabas! Baka isipin nilang hindi ako isang prinsesa dahil nga sa bastos na paraan ako gumawa.

Napabuntong hininga ako at walang choice. Bahala na si Batman!


Kahit kinakabahan ay binuksan ko ang likuran. Napatingin sa gawi ko ang mga kawal at yun nalang ang gulat nila. Yumukod agad sila sa harapan ko at may isang Royal Guard na lumapit sa akin at yumukod.


"Mahal na Prinsesa, ano pong ginagawa niyo sa likuran ng Kotse ni Prinsipe Braxten?" Magalang na tanong nito habang nakayukod. Napakagat labi ako habang nahihiya na ngumiti at naghahanap na irarason ko.


Alam nilang bawal akong lumabas ng palasyo dahil nga nanganganib ang buhay lalo na at at may dinadala akong sanggol sa aking sinapupunan.

Napatikhim ako at pormal na tumuwid na tayo.


"W-wala lang, sinubukan ko lang gawin iyon" gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa rason ko. Kita ko rin ang pagtataka sa mga mukha ng nandito.


"Mahal na Prinsesa?" Napatingin ako sa driver ni Braxten. Natulos ako sa aking kinatatayuan ng makita niya ako.


"A-ano pong ginagawa niyo dito? H-hindi ko naman po kayo nakita sa tabi ni Prinsipe Braxten..." napalunok ako sa sinabi nito. Sh1t! Anong gagawin ko? Nahuli na ako agad!

Ang anga anga mo Ashy!


"Ahhmm--a--anong s-sinasabi mo?" Patay malisya kong tanong dito. Napakunot naman ang noo nito sa sinabi ko.


"M-masama b-bang pumunta dito? G-gusto ko lang m-makamusta sina Mama at Papa" nauutal kong sabi dito.


"Pero po Mahal na prinsesa, bawal po kayong lumabas ng palasyo at ngayong tinutugis na po ng mga kalaban ang mga kayaman. At Isa pa po, at ngayong buntis pa po kayo. Pwede naman po kayo magkatawagan at bumisita ang Mahal na Hari at Mahal na Reyna kung sasabihin niyo po kay Prinsipe Braxten" paliwanag nito. Shocks! Ano na ang sasabihin ko?

"Ehh--ahhmm, g-gusto kong bisitahin d-din sina M-mama At P-papa." Sabi ko dito. Napalunok nalang silang lahat.


"N-nasaan ba sila?" Tanong ko dito. Nagkatinginan sila kaya nagtaka ako. Anong nangyare?



"Nasaan sina Mama at Papa?" Kinakabahan kong tanong.


"Ahmm--"



"Nasaan sila?!" Napataas ang boses ko ng hindi nila masagot ang aking tanong.



"N-nawawala p-po s-sila M-mahal na P-prinsesa.." Para akong binuhusan ng malamig na isang baldeng tubig sa sinabi ng isang Royal Guard. A-ano?


"A-anong nawawala?" Tanong ko ulit sa kanila. Dahil hindi nila masagot ang tanong ko ay bigla akong lumakad ng mabilis patungong loob ng palasyo.


Wala na akong pakealam kung makita ako ni Braxten basta malaman ko ang kalagayan nila. Kaya pala hindi niya sinagot ang tanong ko dahil nawawala na pala sina Mama at Papa!

Ano bang nangyayare sa kanila? Nasaan ba sila? Bakit sila Nawawala?


Dumiretso ako sa Dinning hall kung saan sila Braxten na seryosong nag uusap usap pero naputol lang iyon ng makita nila ako. Gulat na napatingin sa akin si Braxten dahil sa biglaang pagdating ko. Tumayo ito at lumapit sa akin.


"Anong ginagawa mo dito? Papaano kang nakalabas ng Palasyo?" Inilibot ko ang aking paningin. Puro mga lalaki ang mga nandito at ako lamang ang iisang babae dito. Puno ang upuan ng dinning hall at sinisigurado kong puro prinsipe iyon. Nahagip ko ang aking mata ang pinsan ni Braxten na si Prince Rosh na sinigawan ko noon.

Bumalik ang paningin ko kay Braxten.



"N-nasaan sina Mama at Papa?" Paos kong sabi dito na siyang dahilan ng pagkahinto niya.


"S-saan mo nalaman yan?" Tanong nito. Imbes sagutin ang tanong niya at ay nagtanong ulit ako.


"Nasaan sina Mama at Papa?" Mariin kong tanong. Napabuntong hininga ito at ibinalik ang tingin niya sa akin.


"Nawawala sila Kanina pang madaling araw--" bago pa matapos ang sasabihin nito ng bigla akong tumakbo at umakyat patungong kwarto nila Mama na nagbabakasakaling nandyan lang sila.


Rinig ko ang tawag sa akin ni Braxten pero hindi ko iyon pinakinggan at binigyan pansin dahil nangingibabaw ang pag alala sa akin na baka kung ano na Ang nangyare kina Mama at Papa.


Pagbukas ko ng pintuan ay nadatnan ko ang magulong kwarto nila Mama at Papa. Namamasa narin ang mata ko habang hinahanap sina Mama dito sa malaking kwarto na maraming nakakalat Sa sahig at kama.

Hinanap ko sila sa banyo pero wala sila doon. Sa mga secret cabinet na malalaki pero wala sila doon.


Tuluyan na akong napahagulgol dahil hindi ko mahanap sina mama. Pero hindi ako nagpatinag at hinanap ko pa sila sa mga closet na baka ay nagtatago lang sila habang humahagulgol ako sa iyak.


"M-mama, P-papa" tawag ko sa kanila pero walang sumagot.


"Ma! Pa!" Tawag ko ulit pero wala talaga. Napaupo ako sa kama nila dahil sa pagod sa kakahanap sa kanila. Tinakpan ko ang aking mukha habang umiiyak.


Nasaan na ba kase kayo? Nag aalala na ako! Ma! Pa!

Hagulgol lang ako ng hagulgol habang tinatawag sila nang maramdaman kong mayroong tumabi sa akin at niyakap ako. Hindi ko na ito malingon dahil kilala ko narin kung sino iyon.


"Hush now My Ashy.." napaiyak ako lalo sa sinabi niya.

"S-sina Mama at Papa. B-braxten!" Sabi ko dito habang humagulgol.


"Yeah. Yeah. Hush now My ashy, don't worry we will find Mama and Papa ok? Wag ka ng umiyak, si baby baka mapano." Napatigil ako sa aking pag iyak dahil sa sinabi niya. So Baby!

Hinaplos ko ang aking tiyan na siyang sinundan naman ni Braxten. Pinagsiklob niya ang kamay namin habang hinahaplos ang tiyan ko.


"Wag kang mag alala, trust me. Hahanapin ko sina Mama At Papa ng ligtas.." napangiti naman ako sa sinabi niya at tumango. Hinalikan naman niya ako at inaya bumaba.

I hope that Mama and Papa will be find..



===================

To be continue.....

His Runaway Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon