“That’s our own favorite food. Specialty nila itong beef steak nila na favorite ni Marie,’’ out of nowhere na sabi ni Ferlyn. Ngumiti ito ng matamis kay Marie na parang sinasabing itake advantage na ng dalaga ang pagkakataon na nasa harap nila ang crush nito.

            “Talaga, I like it too. But favorite ko talaga itong sisig eh,” sagot ng binata na tiningnan si Marie.

            “Really? Eh that’s Kimberly’s favorite. At hindi niya ipagpapalit sa ibang ulam yan. At dahil favorite niya yan ay mag oorder ako ng isa dahil for sure kulang pa sa kanya ang isang serving nyan,’’ imporma sa kanya ni John na ikinatawa ng lahat.

            “Talaga Kim mahilig ka rin sa sisig? What a coincidence? Gusto ko na tuloy tikman yung sisig nila rito.” amused na sabi ng binata na nakatingin na naman ulit kay Kim.

            Hindi alam ni Kim kung anung mararamdaman. Masaya siya na pareho sila ng favorite food ng binata pero napansin niyang lalong natahimik si Marie at pasulya-sulyap lang sa kanya.

            “You should try it. For sure babalik-balikan mo yung sisig nila rito,’’ tanging nasabi ng dalaga. “ I think we should start eating guys. Lalamig na ang pagkain.” Pag-iiba ni Kim sa usapan.

            Magana na silang kumain at panay ang kwentuhan nila. Mukhang gusto talagang makilala ng husto ng mga kaibigan si Sidrick for Marie’s benefit at hindi naman sila binigo ng binata dahil magiliw itong nagkwento sa mga past experiences nito even how his mother died na nagpapursige rito na ituloy ang pangarap na pag dodoktor. Manaka-naka na ring sumasali sa usapan si Marie. Pero sa kanya pa rin nakatoon ang atensiyon ni Sidrick. Ang bawat tanong nito ay laging patungkol sa kanya na madali naming nalilihis ng mga kaibigan.

            Nag dedesert na silang anim ng madako na ang usapan sa totoong pakay nila sa binata. Ang binata na rin ang nagbukas ng paksang iyon na gusto na sana niyang iwasan.

            “Bakit ayaw mung ireklamo si Blast? It’s an obvious harassment on your part Kim,’’ sabi ni Sid.

            ‘’I know but I have my personal reasons kaya ayoko ng umabot pa sa school administration ang lahat. They all understand it Sid kaya nga naisipan na lamang namin na isama ka para kausapin si Blast,” paliwanag ni Kim.

            “Well if you have decided then wala na akong magagawa. So anong plano ninyo?’’ tanong ni Sid sa kanila.

            Bago matapos ang gabi ay napagdesisyunan nila na personal na puntahan si Blast sa tambayan ng banda nito na nasa loob ng campus at kausapin na lamang ito. Nag offer si Sidrick na ihatid na sila at dahil walang mga dalang sasakyan ay pumayag silang lahat. Si John ang nagprisintang umupo sa harap. Nang maihatid nila si Ferlyn sa bahay nito ay bumaba na rin si Kimberly at sinabi na lang na may pag-uusapan pa sila ng kaibigan. Nagtaka man ay pumayag na lang din si Sidrick. Mukhang nahuhulaan na niya na ayaw ipaalam ng dalaga kung saan ito nakatira.

            Pagdating sa kwarto ni Ferlyn ay napahiga si Kimberly sa malaking kama nito at napapikit. Nagmulat siya ng mga mata ng maramdamang naupo sa tabi niya ang kaibigan.

            “He likes you girl,” Ferlyn said na parang sigurado ito sa sinabi.

            Napaupo siya sa narinig sa kaibigan.

            “What? Anong he likes you? Who likes me,” nagtataka niyang tanong rito.

            “Its too obvious girl. Sidrick likes you at kanina pa sa resto ko napansing halos lahat ng tanong niya ay patungkol sayo. At ito namang si Jean ay ganadong-ganado pa sa pagsagot,’’ nababahala ang mukha ni Ferlyn na humarap sa kanya.

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin