Chapter 3

343 12 0
                                    

        Nagpunta muna si Sidrick kinabukasan sa kanyang opisina para asikasuhin ang mga pending niyang trabaho. Marami siyang appointment ngayong araw na ito dahil ilang araw na siyang hindi nagawi sa kompanya niya dahil mukhang nawili na siya sa pag-aaral. Mabuti na lang at hindi naman pinapabayaan ng kanyang ama ang negosyo nila kaya lang ay mukhang napabayaan naman nito ang lovelife nito. Mag li-limang taon ng biyudo ang kanyang ama. Magmula ng mamatay ang nanay niya ay hindi na ito nagpakita ng interes sa babae. Bata pa naman tingnan ang ama niya sa edad na 55 na alaga din ang katawan sa ehersisyo. Pero mukhang kasama na ring namatay ang puso nito ng mawala ang esposo.

            Binati siya ng sekretarya pagpasok sa office at magiliw naman niya itong nginitian. Paglapag ng gamit niya sa mesa ay lumabas siya agad para puntahan ang ama sa sariling opisina nito.

            Kumatok muna siya bago pumasok.

            “Tay, goodmorning po,” bati niya sa amang nakayuko na ang ulo sa binabasang dokumento. Nagmano siya rito. Kahit maalwan na ang buhay ay tatay pa rin ang tawag niya rito. “ Ang aga-aga mukhang busy na agad kayo Tay ah.”

            Nag angat ito ng tingin at ngumiti sa kanya.

            “Sid, anak. Akala ko ay hindi ka pa papasok ngayon. Nirerepaso ko lang itong proposal na ginawa ng tauhan natin para sa kliyente ko mamayang tanghali. Wala ka bang pasok ngayon sa skwelahan.”

            “Tay naman hinay-hinay lang sa pagtatrabaho baka naman masyado na kayong subsob rito sa opisina at hindi na kayo gumagala niyan ha,” biro niya rito. “ Wala naman kasi akong pasok ngayon kaya dito na muna ako sa opisina para bantayan kayo. Kumain na po ba kayo?”

            Napangiti uli ito. “ Bina-baby mo naman masyado itong tatay mo eh. Bakit kasi hindi ka na lng umuwi sa bahay para mabantayan mo ako lalo.”

            Matagal na siyang pumisan sa kanyang ama. May sarili na siyang bahay at condo magmula ng umasenso siya. Nasasaktan pa rin kasi siya pag naaalala niya ang nanay niya sa ancestral house nila na siyang tinitirhan ng tatay niya. Inayos lang nila ito at ipina repaint pero ang kabuuhan noon pati ang loob kay gaya pa rin noong nandoon ang nanay niya.

            “ Bakit kasi hindi kayo maghanap ng makakasama sa buhay Tay para naman hindi kayo malungkot,” pag-iwas na sabi niya sa ama. Hindi siya tutol na muling mag-asawa ang ama at minsan nga ay siya pa ang nagrereto ng babae rito. He just wants his father to be happy again. “ Kumusta na ba kayo ni Tita Menchie tay. Wala na akong update don ah.”

            “ Koh, wag mong ibahin ang usapan Sidrick. Alam mong  wala na akong panahon sa mga yan ngayon. At ang Tita Menchie mo ay nakahanap na ng foreigner kaya huwag mo na yung abalahin. Masaya na ako sa ganito anak. At mas lalo akong sasaya kung makikita kitang natupad na ang pangarap.”

            “Huwag kayong mag-alala tay. Malapit na pong mangyari yun,” sagot niya rito. “Sabay na po tayong kumain nagpadeliver po ako ng almusal alam ko namang hindi pa kayo kumakain eh.”

            “Naku yan na nga bang sinasabi ko. Hindi ka na naman nag agahan paano kasi eh lagi mung nirereject ang offer ko na humanap ng kasambahay na siyang maghahain sayo ng pagkain. Importante ang agahan anak.”

            “Okey lang po yun tay. Alam naman ninyong luto lang ni nanay ang gusto ko. Pag nakita ko na po yung kasing galing magluto ni nanay iuuwi ko agad sa inyo.’’

            Mukhang nalungkot ang ama sa sinabi. “ Oo nga anak mas masarap pa rin ang luto ng nanay mo sa lahat. Siya, siya tama na itong usapan na ito at baka maiyak lamang ako. Marami akong nilagay na papeles sa mesa mo para sa approval mo yun.”

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYWhere stories live. Discover now