Chapter 2

446 13 0
                                    

        May pagmamadaling pumasok na si Kimberly sa susunod niyang klase. Muntik pa siyang mahuli. Nakipagkwentuhan pa kasi siya sa mga kaibigan niya na sina Ferlyn, Hazel at Marie at nag-iisa nilang binabae, c John na nagiging Jean sa gabi. But they usually call him Jean na nakasanayan na nila. They were bestfriends since Highschool days.

Nasa isang school lang sila nag-aaral noon at nag mag college ay napagkasunduan na sa Saint Michael University pumasok pero iba-iba ang course nila. Siya kahit mahilig magsulat ay napunta sa Accountancy dahil na rin sa kagustuhan ng ama niya kasama niya c Ferlyn sa kursong iyon na Math genius. Nasa Mass Communication c Hazel at parehong nasa Medicine sina Marie at Jean.

            Nang maupo na siya ay nakahinga na siya ng maluwag at umupo naman sa tabi niya si Ferlyn. May pagdududang tumingin ito sa kanya. Maybe she saw that. Nginitian kasi niya yung nadaan nilang dalawang lalaki ng papunta na sila sa building nila which is hindi naman niya ginagawa usually.

            ‘’What’s that for? Kelan ka pa natutong makipagflirt?’’ walang ligoy-ligoy nitong tanong na kinasanayan na nila.

            “Hello, kanino ako nakipagflirt?’’ patay malisya niyang tanong.

            “I saw that a while ago at alam kung kaya ka nagmamadali dahil nahiya ka bigla sa inasal mo.And honestly, yes maganda ka at sexy. But you look awful today. Alam kung may problema ka pero kelan ka pa natutong magrebelde ng ganito.’’ Mahabang litanya nito. She knew this was coming. Pagpasok pa lang niya kanina sa first subject nya ay nakita na niya ang pagkabigla sa mga mata nga mga kaibigan.

            She was not in her ordinary get-up today. Ngayon siya parang biglang nahiya sa sarili. Parang gusto na niyang lamunin na lang siya sa kinauupuan.

            ‘’Im sorry,’’sumusuko ang tingin na sagot niya. She knew how much her friends cared for her in so many times na hindi na niya mabilang. ‘’I know this doesn’t look like me. Naisip ko lang rin namang mag iba ng style just for the day. Honestly, para malaman ko kung papansinin ba nila ako. But truth be told napapansin nila ako pero hindi naman talaga ang totoong ako.’’ Nalungkot siya nang marealize na masyado na yata talagang depress ang buhay niya kaya kung anu-ano na lang ang naiisip niya.

            Ferlyn gave her a hug. Alam niyang kanina pa siya gustong sitahin nito kaya lang ay naglabas pa siya ng mga hinanakit niya sa kuya at Daddy niya kaya hindi na rin siguro nito dinagdagan ang bigat ng loob niya. Sa kanilang apat kanina ito lang ang hindi pumuri sa bagong get-up nya. And now she knew Ferlyn really cares for her.

            “Huwag nang madrama ha. Hindi makakatulong sa Accounting class natin kung marami kang ibang iniisip. You need to be strong for yourself Kim kahit mahirap I know kaya mo nandito lang naman kami lagi diba,’’ sabi nito na may ngiti sa labi. Hinaplos nito ang mukha niya. “But honestly, you look really hot girl. Okey din naman yung paminsan-minsan mashock ang buong campus sa transformation mo.’’

            Natawa na rin siya. Naisip niya ang ibat-ibang rection ng mga nasalubong niya kanina. Pero may isang taong nag iwan ng malaking impresyon sa kanya. Oo nga at medyo malaswa ang outfit niya today but that guy really showed how disgusting she looks like at bigla siyang nakaramdam ng galit dito. Kahit malayo sa kanya kanina ang naturang lalaki alam niyang gwapo ito at napatunayan niya ng dumaan siya sa harap nito at ng kasama nitong nginitian nya. Wala man lang siyang natanggap na reaction mula rito.

            Well his not my type too. Sabi ng isip niya. At kelangan ko na siyang ierase para hindi lalong masira ang day ko dahil sa kagagahan. Nagbell na pero hindi pa rin dumarating ang teacher nila kaya nagkwentuhan pa sila ni Ferlyn. Napunta ang usapan nila sa bagong crush nila Marie at Jean. Napukaw ang interes niya sa sinabi ng kaibigan. Hindi na siya magtataka kung may bago na namang crush si Jean because he always does lalo na at halos lahat yata ng Medicine student sa St. Michael ay pinagpala na parang mga anak ni Zeus sa kagwapuhan. But for Marie to have a crush, well that’s new dahil isa ito sa pinaka conservative sa kanilang lahat at hindi pa nagkakaboyfriend kahit nasa 3rd year na sila.

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz