Season 1 |6|>>#OnlyHope

157K 2K 347
                                    


Gem's POV




"Ya, dito na lang po ninyo ilagay. Ako na ang magdadala niyan sa kwarto."


"Sure kayo miss? Medyo mabigat ito."


"Opo ya, kaya ko na'to"


"Sige miss. Babalik na po ako sa bahay."


"O sige na, ya. Text ko na lng sila mommy para sabihing nandito na tayo."



Hinatid ko muna ang yaya ko sa elevator. Pagkaalis niya ay bumalik muna ako sa condo at binuhat ko na agad yung ibang gamit ko na nasa sala papunta sa kwarto. 


Ang saya ko ngayon grabe! All these years of waiting to have my freedom, finally! I've got a taste of it! Sa wakas may condo na ako! Yay! Ang sarap magtatatalon sa tuwa!



All my life, nakakulong lang ako sa bahay, school, at sa place ng mga friends ko.

Ngayon nga lang din ako pinayagan sa mga bar hopping tuwing gabi. My family has been so protective of me because of my health condition.



Pero ngayon! Ang sarap lang sa pakiramdam at unti-unti na nila akong pinaparanas ng kalayaan!



And besides, dati ko pa kasi ito hinihingi sa parents ko. Na sana payagan na nila akong bumukod sa kanila. Ngayon lang talaga nila ako pinayagan at ibinigay ito sa akin.



Actually, two years na akong nagmamakaawa sa kanila, pero worth it naman ang paghihintay. Ang ganda at ang laki kasi yung nabiling condo, tapos thirty minutes drive lang yung layo ng condo ni Belle sa akin.



 Speaking of Belle...ano na kaya ang nangyari dun, hindi na nag text simula kahapon ah.



Binaba ko yung isang maleta ko sa carpet, tapos tiningnan yung paligid ng kwarto.



Lalong lumapad yung ngiti ko nung nakita ko yung design ng kwarto ko. Sino ba naman ang hindi matutuwa pag mukha ng idol mo yung nakapaint sa wall? 



Grabe ang ganda talaga ni Taylor Swift!



Sa buong wall ko, siya lang ang nakalagay.  May mga posters, memorabilia at kung ano- ano pang collection ko yung naka display.  Tapos natuwa pa ako dahil bukod sa design ng bed sheet at comforter ko ay personalized, nakita ko yung violin ko na parang reynang nakahiga sa kama ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon