Chapter 4

2.7K 138 2
                                    

“Hija, may hinahanap kaba?”

            Isang may edad na babae ang napag-angatan ng paningin ni Alisha. Nakarating na siya sa bayan sa kasusunod sa aso.

            Nakita nya itong sumuot sa isang bahay. Actually hindi sya bahay, mukhang tindahan ito ng mga damit. Nakapagtataka, bakit ganon? Parang nasa lumang dimension siya. Napansin niya kasing mukhang makaluma ang pinakang bayan sa lugar na iyon. Yari sa bato ang mga bahay at kakaiba ang concrete ng daanan na dinadaan lamang ng mga kabayong may hilang karwahe.

            “Hija?”

            “Hu?” natauhang saad niya.

            Mukha namang natuwa ang kaharap sa naging facial  expression niya.

            “May, hinahanap kaba?” tanong ulit ng babae.

            “Ah, ano ho,” aligagang saad niya. Ano na nga ulit yung ginagawa nya?

            Yung aso, oo, tama!

            “Ano, ho. May nakita po ba kayong aso rito?” finally she is back to her senses.

            “Aso ba kamo?” nakangitingin turan ng matanda. “Gusto mong pumasok? Baka sakaling makita mo sya sa loob.”

            Nginitian nya ito at hindi na nagdalawang isip pa at sumunod na rito ng pumasok ito.

            Pagkapasok ay sinimulan na niya ang paghahanap sa aso. Pero ni anino nito ay hindi man lang niya nakita!

            “Oh, ano? Hija, nakita mo ba ang aso mo?”

            Tinigilan na muna niya ang ginawa at hinarap ulit ang babae.

            Nakangiti naman ito sa kanya.

            Isang matamis na ngiti rin ang iginanti iya rito.

            “Gusto mo ng tsaa?”

            “Ah, hindi na ho, salamat nalang. Baka nakakaisturbo na ako rito” aniya at lumakad na para lumabas.

            May ilan narin kasing pumasok sa loob.

            Palabas na siya ng may narinig siyang tahol buhat sa kanyang likuran. Agad  niya itong nilingon pero bago pa siya naka hakbang ay agad  na itong tumakbo patungo sa likod.

            She is about to follow the dog pero natigilan siya ng may biglang humila sa kamay niya.

THE LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon