Chapter 6.1

2.2K 121 6
                                    

Napabalikwas ng bangon si Alisha ng may marinig siyang mga nag-uusap-usap. Mga tatlo ata o lima katao ang nagsasalita at dahil wala pa sya sa tamang huwesto di nya maintindihan ang sinasabi ng mga ito.

“Hija, kamusta ang kalayagan mo?” anang isang ginang na sadyang lumapit pa talaga sa harapan nya. Napaatras lang naman siya.

“Mahal na Reyna, mukhang ayos narin naman siya,” saad ulit ng ginang at umayos na ito ng tayo.

Kunot naman ang noong inikot ni Alisha ang paningin sa buong silid.

Limang tao ang nasa loob ngayon kasama roon si Gilbert at mukhang hindi ordinaryo ang silid na kinalalagyan nya ngayon.

“Where am i?” maang niyang tanong.

“Magbigay ka ng respito sa mga kaharap mo!” mariing saad ng ginang na sumipat sa kanya kanina. “Sila ang mahal na Reyna at Haring Trevor,” napatda siya sa sinabi nito. Grosh, so meaning kaharap nya ngayon ang pangalawa sa pinakamakapangyarihang Hari sa Story’ng ito! Aba, malay ba nya. Oo nga pala nandito nga pala si Gilbert. Umayos sya ng tayo at humarap ng matino sa mga ito.

“Ano pong kailangan nyo sa akin?” she was trying to be polite.

Tumayo si Gilbert na kanina lang ay nakaupo sa sofa at lumapit sa Hari. May binulong ito na kinakunot ng noo ng Hari.

“Pag-usapan natin ito sa labas.” Anang Reyna.

Inikot siya sa buong palasyo ng Hari at Reyna syempre kasama si Gilbert at ang dalawa pa na hindi niya kilala.

Hindi narin naman niya kailangang ma-amaze sa kagandahan ng buong lugar. Mukhang na immune na ata sya sa nangyayare sa buhay niya!

“I have learned from Prince Gilbert more things about you,” himala! Akala nya wala ng magsasalita ni isa sa kanya.

Kasalukuyang nasa harden na sila ngayon. Puno ito ng mga bulaklak at ibat ibang kulay at uri ng paru-paro na walang sawang lumilipad. May maliit na parang artificial falls sa gilid at mga maliliit na fountain sa gitna ng harden. Animo isa itong maliit na paraiso. She just cannot explaine the beauty of the place.

“Mawalang galang na po. Ano po ba ang kailangan nyo sa akin?” alangang saad ni Alisha, she really don’t know how to act in front of this kind of person. Mukhang masusubukan ata ang pagiging class niya, kung meron nga sya noon!

“Hindi ka isang ordinaryong babae at naniniwala akong ikaw ang makakatulong sa amin,” ani ng Hari.

Ano daw? Anong kinalaman ng sagot nito sa tanong niya.

“Alam kong naguguluhan ka hija,”sinong nagsabing hindi? “Pero malalaman mo rin ang lahat!” anang Reyna.

Lalo lang ata syang naguguluhan. Mahihilig ba sa  logic ang mga tauhan sa book na ito!

“Wala po akong naiintindihan sa lahat ng sinasabi nyo. Pwede paki direct ang daming liko eh,” di na nya napigilan ang sarili. Siniko naman siya nong ginang at binigyan pa sya ng matalim na tingin ng isa pa nitong kasama. Sorry naman, malay ba nya!

Napangiti lang naman ang Reyna. “Pasensya na Hija, san kaba galing? At mukhang wala kang alam sa mga bagay-bagay,” malumanay na sabi ng Reyna.

“Hindi po ako taga rito at gusto ko na pong bumalik sa amin,” aniya na ikinakunot ng noo ng Reyna.

“Malamang na hindi ka taga kaharian namin, taga Monarchy ka diba?” sabat ng Hari.

Nangingiwing napailing lang naman si Alisha. Kalian kaya sya maiintindihan ng mga ito?

THE LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon