CHAPTER 2

3.4K 173 0
                                    

Mataas na ang araw ng imulat ni Alisha ang mga mata. She doesn’t want to wake up para kasing wala siyang lakas. Nananakit pa ang kanyang buong katawan. She closed her eyes and buried herself in her pillow. Mga ilang Segundo rin bago sya muling magmulat ng mata. Matamlay siyang bumangon paupo. At ng maalimpungatan ay mabilis pa sa kisap matang tumayo.

Where is she? Inikot niya ang paningin. She is in a big room. Room ngaba, sa tantiya niya nasa isang sala siya na nilagyan lang ng kama. Everything is made up of bamboo. Humahanga siya sa kabuuang silid, para syang nasa isang cottage. Bukas ang bintana at buhat doon ay matatanaw ang mga bulaklak na well arrange. Looks like a garden designed by an architect.

Nang hihina siyang napaupo. She was trying to recall what happen. Not just a moment everything sinks in. She felt nervous again ng maalala ang nangyari.

Si Lyrick, tama. Agad syang tumayo, ang damuhong iyon baka kung saan sya dinala nito. Tinungo niya ang pinto.natigilan naman siya ng bigla ito bumukas.

“Gising kana pala,”

It is a woman, sa tantya niya ay ka edad ng kanyang ina. Nakangiti ito sa kanya.

“Tita Brenda?” kilala nya ito pero what in heaven is happening? Ngayon lang niya ito nakita. This woman is Trina’s mother.

“Bakit?” nakangiti parin ito.

Naguguluhan na talaga siya. Nababaliw na ba siya?

“May masakit pa ba sayo?”

Iling lang ang isinagot siya. Kung meron man utak nya iyon.

“S-si Trina po?” wala na siyang masabi.

“Ah, si Trina. Pumasok na siya. Ikaw kumain kana at huli kana sa klase mo. Unang araw mo pa naman ngayon sa kolehiyo,” anito at iginaya siya sa kusina.

Gosh, pakiramdam niya naligaw siya sa ibang mundo. Para kasing pang fairy tale kung ilalarawan ang buong kabahayan.

“Tita, nasaan po mga magulang ko?”

Napahinto si Brenda sa pagbabalat ng pipino. Kasalukuyan siyang kumakain.

“Alisha, hindi ito ang unang beses na tinanong mo ako ng ganyan. At kagaya ng dati yun parin ang maisasagot ko, ”

“Pero tita, ngayun lang po ako nagtanong,” naguguluhan na talaga siya. Ilang taon na ba siya nakatira rito? Bakit wala man lang siyang maalala.

Nagtatakang napatingin naman si Brenda sa kanya.

“Alam mo, ang mabuti pa kumain ka nalang ng makapasok kana,” yun lang at nilisan na siya nito.

Napatanga lang naman siya. Nag ka amnesia ba siya? Ewan, wala talaga siyang matandaan. But she will not quit, kailangan niyang makahanap ng kasagutan sa lahat ng kanyang katanungan.

THE LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon