RAINa 3: WEATHER you like or not!

65 5 0
                                    

♕: Hi friends :) Opo weather talaga, kasi nga diba tong story na ito ay tungkol sa RAIN kaya napag-isipan ko pong mga title ng chapters eh weather terms ^,^

Sorry na din po kung matagal or maikli akong mag update kasi sa totoo lang gumawa agad ako ng story na wala pa talagang ideang nabubuo sa isip ko (kung meron mang akong isip). Basta gusto ko kasi about ulan(^u^)7

Enjoy Reading guys! 

Sumali na ako kila Burnham at Melvin sa may living room. Ano nanaman kayang gagawin? Huwag nilang sabihing mag pe-playstation sila, eh ang ingay ng dalawangbyan pag-naglalaro nasisira pa yung sofa at wires ng Nintendo Wii. Kasi yang si Mevin Jones todo yan maglaro hatak ng hatk.

“Akala ko suot mo nanaman korona mo bilang Ms. Forever Alone eh” nagsimula nanaman si kuyang mang-asar.

=_______= Gusto ba niya talaga akong mag-overheat? Feeling ko kasi umuusok na tenga’t ilong ko sa galit. Umupo ako’t nagsalita “You have 1 minute to explain kuya” I smirked then pinakita ko sa kanyang hawak hawak ko yung key chain na pinakaiingat ingatan niya broken heart siya pero wala yung kadugtong. Bigay kasi yun ng ex-girlfriend niyang hanggang ngayon di ko pa kilala.

“Huuuuwwwaaag ! Please Sunshine wag yan!” pagmamakaawa niya.

Haha. Para siyang bata habang si Melvin naman pinipigilan yung tawa.

“You only have 55 secondds” sabi ko habang naka evil smile >:)

“Nanaginip ka kasi kagabi, actually nag-i-sleep talk ka. Sumisigaw ka ng Leave me alone ! Leave me alone ! Leave me alone! Ang lakas lakas nga eh. Kaya pinasok kita sa kwarto.”

Napatigil siya ng bigla akong sumingit “46 seconds !”

“Oo eto na ! Nakita ko si Mac na umiilaw pa, naka-open fb mo tas ginalaw galaw ko na! sorry na kambal!!!! Alam mo namang mahal na mahal kita eh, Sorry na please!” :’(

Sinara ko yung palad ko na nasa loob yung key chain at binato palabas ng bintana. Pero pabiro, nasa kamay ko pa ito at hindi binibitawan. Tumalikod siya sa akin para lingunin yung bintana, lumapit ako sa likod niya. Dinaan ko sa ulo niya at nilagay sa harap niya ang pinakamamahal niyang key chain na nakasabit sa index finger at thumb ko. Tas niyakap ko na din siya. Pinatawad ko siya kasi mas adik naman mga pangungulit ko kay Burnham eh.

Pinagpapalit palit ko mga names sa contacts niya. Kaya yung mga text niya na para sana sa girlfriend niya napupunta sa iba >.< at ganun din sa iba pang number sa contacts niya. Bwhahahahaha. Minsan nman itatapon ko pabango niya tapos rerefillan ng pabango ko. Edi siyempre amoy pambabae x) Haha. Brutal ko noh? Sa susunod naman. Pang lilinis ko toothbrush niya ng toilet bowl. Nyahahaha joke lang kadiri masyado. Ganto lang talaga kami maglambingan (♡.♡)

"Tol ! tawagin mo si Tom dali!" pambasag naman ni Melvin ng eksena.

Tapos kumawala na kami sa yakap.

"Ha? Sinong Tom?" pagtataka ni Burnham.

"Si Tom yung pusa sa Tom and Jerry" sabay tawa ni Melvin.

"Adik ka !! Para san?" tanong ulit ni Burnham na nakakunot noo na kay Melvs.

"Daming daga eh oh ! Ang cheesy kasi !!" waley na sagot ni Mevin.

Nagtinginan lang kmai ni Kuya with our blank face -_____- tapos tingin uli sakanya -_______-. Niligay namin ni Burn kamay namin sa chin namin (yung parang way kung pano mangurot ng pisngi). Tapos kunwaring hirap naming binababa yung chin namin para tumawa sa  napaka waley na banat ni Melvs. Tapos kada baba ng bah-bah eh sinasabi naming HA !. Kaya ganto : Ha ! ....... Ha!..... Ha!....

Napakamot nalang ng ulo si Melvin. Pumunta sa gilid di Burnham tapos may kinuhang dvd sa cd rack sa gilid ng tv. Manonood ata pero nagpaalam na akong aakyat na papuntang room ko.

(Sa Kwarto)

"Hi Mac ! Namiss mo ako?"

Weirdo ko no? Tapos tinuloy ko na lang pag fe-facebook kaso offline na si Eva. Pero nag leave message siya.

[Wifey wala na akong load di kita matetext or matatawagan mamaya. Sunday ngayon, required tayo makimass, uniform at baka makalimutan mo nanaman mass card mo. Bye wifey kita na lang tayo sa dati before mass. Muah !]

 Ay oo nga pala mun tik ko na nanananamang makalimutan Sunday pala ngayon. Tinamad na akong mag-net kaya namahinga muna si Mac tapos nakisali uli kila Burnham at Melvin sa baba.

"Oh Sunshine ! Miss mo na ako agad?" paghahangin nanananaman ni Melvin.

"Tara Sunshine! Taken, noud tayo" nakangiting yay ni Tranco.

Dumating na si Tranco Vill, tropa din ni Kuya. ANpatakbo ako at umupo agad. Lakas pa nga ng bagsak ng upo ko sa sofa kasi pag ka rinig ko Tekken yun pala Taken. Iiissshh! Baka tuloy akalain ni Tranco crush ko siya nagpapakipot lang ako sa kanya.

❧QUEENtoNgReyna

☂♕☂♕☂♕☂♕☂♕☂♕☂♕

RAINaWhere stories live. Discover now