1

136 5 0
                                    

Light's POV

Wala sa wisyong tinahak ko muli ang daan papunta sa aking silid-aralan. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi, ewan... Baka dahil sa naparusahan si Andrei? o baka naman...

(Author: Vaka namern kay Ally?)

Epal talaga kahit kailan yan. Matematika ang una naming asignatura, hindi naman siguro magagalit ang aking guro sa pagka-late ng ilang minuto.

Nang makarating agaran akong umupo sa aking upuan, sa tabi ito ng bintana, bandang likod. Rinig na rinig ko ang pagpatak ng ulan, may parang mahika ito na nagsasabing 'Panoorin mo nalang ako' at 'yun nga ang ginawa ko.

Pinanood ko ang pagbagsak ng bawat butil mula sa aking kinauupuan, napaka-weird dahil maaraw naman pero sobrang lakas ng ulan.

Sabi sa paniniwala kapag gano'n raw may mga tikbalang na kina----

Teka... Ano 'yon? Parang isang mabigat na bagay na bumagsak mula sa langit. Napatayo ako.

"May problema ba Light?"

"Ah, wala ho wala ho, nalaman ko na po kasi yung sagot sa problem na 'yan... hehe na-excite lang ho." Balisang paliwanag ko sa guro ko na nakapansin sa aking biglaang pagtayo.

Isang tanong lang ang nabuo sa utak ko...

"Ano 'yon?"

"Sige nga, paki-solve ang nasa pisara." Agad naman ako'ng sumunod at kumuha ng chalk, wala sa sariling sinolve ko nga ang math problem sa pisara dahil okyupado pa rin ang utak ko sa kung ano 'yung mabigat na bagay ang bumagsak mula sa taas.

"Very good, thank you Light, ayan, gayahin niyo si Light laging excited sa subject ko bla bla bla bla bla bla..."

Wala sa sariling bumalik ako sa aking upuan at tumingin muli sa bintana...

*RINGGGGGGGGGGG RIIIIIIIINNGGGGGGGGGGGGGGG*

Uwian na at heto ako, nagmamadaling bumaba papunta sa ground floor, para malaman kung ano at bakit yun nalaglag, bato ba 'yun? Sino ang naglaglag no'n? Mula kaya 'yon sa isang helicopter o eroplano?

Umuulan pa rin nang makababa ako sa ground floor, wala naman akong payong kaya may pasensya ako'ng naghintay sa lobby at nagmuni-muni.

Nang tumila na ang ulan, siya namang pag-onti ng mga estudyanteng kanina ay naghihintay ring tumila ito. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa West Wing ng paaralan, bawat pag-apak ko sa damuhan ay rinig na rinig ko. Isama mo na pati ang pagtibok ng puso ko.

Nandito na'ko.

Sa lugar ng pinagbagsakan ng mabigat na bagay, hindi ko mawari kung dito nga ba talaga bumagsak 'yun kaya sa sobrang kyuryosidad ay nilibot ko ang aking paningin.

Natuon ang pansin ko sa isang bagay na nasa damuhan, habang papalapit ay nawari ko na kung ano 'to.

"Libro?" Bulong ko pa sa aking sarili at litong-lito na pinulot ito.

"Sino namang magbabato nito mula sa eroplano o helicopter?" Natatawa ko pang litanya at isinilid ang misteryosong libro sa bag, balak ko sana na ibigay sa library baka naman nahulog lang ng kung sino at hindi talaga ito ang nahulog na bagay na hinahanap ko mula sa langit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Death NoteWhere stories live. Discover now