Chapter 2: Bad Romance

5.2K 270 27
                                    

Silver's P.O.V


“Ate isa nga pong salad, isa rin pong sandwich tapos ice cream at tubig po..” paghingi ko ng order sa nagtitinda.


“That would be 3 Silver sir..” ang mahal talaga ng paninda nila dito, biruin mo iyon, tatlong ako ang presyo ng lahat ng binili ko. Hayssttt. Wala akong choice kasi kung hindi, magugutom ako at hindi makakapagconcentrate sa klase.


“Ano ba naman iyan, wala na namang maupuan bwisit.” Saad ko sa aking sarili habang umiiling. Inikot ko ang aking paningin saka ko nakita ang isang mahabang table na may tatlong estudyanteng nakaupo.


“Ba’t kaya tatatlo lang silang nakaupo dun eh ang haba ng table at malawak pa ang space?” tanong ko sa aking sarili. Kahit na nahihiya ay pumunta ako sa pwesto ng tatlong estudyante


"Uhmm... Hi, can I sit here, wala na kasing vacant seats unless may naka-upo na rin rito?" tanong ko sa kanila. Napunta sa akin ang atensyon ng lahat na para bang isang maling galaw ko lang ay mapapatayna na nila ako.


"Okay lang naman, wala naman yung iba naming kasama." saad nung gwapong lalaki na kulay white ang buhok at may highlights na blue.


"Uhmm... Thank you po." sabi ko.


Hindi ko maiwasang maconcious sa aking mga galaw dahil sa mga tinging ipinupukol ng mga estudyante sa akin.


Napakaechosera naman ng lalaking iyan at diyan pa talaga naupo. Napakafeelingera, akala mo naman kung sinong magaling..” attitude ka ate?? Saka, ano bang problema sa pag-upo ko rito?


“Hayaan mo lang sila diyan. Naiinggit kasi sila sa'yo dahil nakaupo ka rito sa table naming nasa Elemental 6..” napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng isang babaeng may icy blue na kulay ng buhok.


“Mukhang 'di ko killa ang seniors mo kid. Ako si Leo Lacosta and isa akong myembro ng Elemental 6. Itong lalaking may kulay white with blue highlights na buhok ay si Yojer, Prince Yojer Madrigal at itong babaeng may icy blue na kulay ng buhok ang kanyang kapatid. Thede two are the prince and princess of Kingdom of Atlanta- oh ayos ka lang?” naputol ang pagpapakilala ni Leo nang mabulunan ako dahil sa sinabi niyang prinsipe at prinsesa pal 'tong dalawa kong kausap.


"Dahan-dahan lang kasi sa pagkain, oh ito, tubig." alok sa akin ni Yojer. Hindi na rin ako tumanggi, baka mamatay ako dahil sa katangahan ko.


“Sorry po, hindi ko naman po alam na prinsipe at prinsesa kayo eh. Pasensya na po talaga..” paghingi ko ng paumanhin sa tatlo.


“Mabuti nga sa kanya. Napakaambisosyo talaga, akala mo naman ikinagaling niya iyong pagiging sipsip..” saad ng attitude na babae na malapit lang sa amin.

MAGICA [BxB: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon