Better Late than Never

Magsimula sa umpisa
                                    

"What do you mean? I tried to claim you before through sex pero laging no ang sagot mo. Ni hindi nga kita mahalikan sa labi ng hindi ko nararamdamang hindi ako huhusgahan ng mundo. Never kong naramdaman na akin ka"

"The way I reciprocated and care isn't enough" mahinahon niyang sagot. " The way I patiently understand all your appointments on special occasions and you always, constantly leaving on days we are supposed to be together, Hindi rin sapat yon? Sex lang pala gusto mo para pakasalan ako? Kung wala ako sa tamang katinuan baka umoo ako kaso hindi naman ako paninda sa palengke na pwedeng may free taste pagkatapos e kung magustuhan mo saka mo lang kukunin. Ricci, I thought you are better "
"You are taking my words wrong Shar. What I am trying to say is why can't we become a normal couple? Bakit parang palaging may harang?"

"Walang harang Ricci. All through these years pinahaba mo lang pala yung pustahan. Hindi lang matanggap ng ego mo na hindi mo makuha yung gusto mo. We started right tapos naging ganito. Kinukwestyon mo kung paano ko nilalaban yung tayo."

"Shar..."

"May expiration date tong matres ko Ricci. Nangangarap ako ng pamilya. I don't have the strength to deal with harboured anger and self pity. Pasensya na."

"Why do you have to be so conservative ?Ang tigas mo Shar. Akala ko pipiliin mo ko. Hanggang huli pala bokya ako sa'yo"

Pagak siyang tumawa. "Why do you have to be a normie?"

Muntik na kong matawa. Galit na si Shar pero umaandar parin yung pagiging sassy niya.

"Hindi ako matigas. Nagmature lang ako. I just learned to use my mind. Hindi to teleserye at hindi na tayo teenagers"

I saw how she tried to contain her anger

"I am putting an ultimatum Ricci. Mahal kita pero recently sa mga excuses na naririnig ko pakiramdam ko hindi tayo tama."

I felt proud for Shar. Gusto ko mang samantalahin yung sitwasyon, tahimik lang akong sinalubong siya.

"Don't start with me. Isa ka pa" banta niya kaya tahimik lang akong nagmasid. Ricci was left alone. Wala siyang nasabi kay Sharlene. Sharlene did not argue anyway. She's stating facts. Walang nagawa si Rivero.

Lakad takbo si Sharlene. Sinusubukan ko namang sabayan yung speed niya.Pinipigil niyang umiyak pero that obviously  did not work. Gusto ko siyang hilahin ng yakap but when Shar is angry I learned not to touch her.  "Bakit ba ang immature ng mga lalaki sa paligid ko?" Sisigok sigok siyang nagsalita.

Kalahating oras din kami paikot ikot around the vicinity. Typical Sharlene. She jogs or walks if she's stress. Ako napapagod. Noong di ko na kaya hinigit ko na yung kamay niya saka siya hinila papunta sana sa bubble tea shop kaso nagpupumiglas si Sharlene so I did the most cliche and most cringe worthy move. Isinukbit ko siya sa balikat ko.
Wala namang problema dahil maliit at payat si Shar.

"Donato ibaba mo ko. Tatagain kita! Isa!"

"Second suspect ka na pag may nangyari sa kin. Langya ano ba meron sa inyong magjowa? Ang hilig niyo magbanta"

"Ibaba mo ko nakakahiya"

"Neknek mo. Edi tumakbo ka?"

She stopped and gave up. Pagod na rin siguro. Para tuloy siyang sako sa balikat ko. Di ko maiwasang mangiti.

Muntik ko ng makalimutang nasa balikat ko siya. Kung hindi pa ko tinitigan ng kahera na para bang tinubuan ako ng pangalawang ulo hindi ko maalalang buhat ko si Sharlene.

Ibinaba ko si leklek pero nanatili akong hawak yung kamay niya.

"Do you guys accept Amex?"

"Po?" Tanong ng tindera.

"Di bale may cash pala ko. Can I get lightly sparkled lychee gree tea? No ice, no sugar. One matcha green tea with cheese foam din. Palagay ng maraming oreo toppings saka pudding. Half ice, half sugar para dito sa kasama ko" Nag abot ako ng 500. Mabilis akong sinuklian.

"Hindi mo ba talaga bibitawan yung kamay ko?"

"E kung bigla kang magwala anong gagawin ko?"

"Ay ang possessive naman ni sir" may halong pang aasar at pilyang ngiti yung kahera.

Hindi na ko kumibo.

"Ok lang bumitiw. Hindi na ko tatakbo"

"Promise?" Yumukod ako. I stare directly to her eyes kahit pa nag iiwas siya mg tingin.

"Oo. Wag mo kong kausapin na parang bata"

Hindi ko naiwasang himasin yung bunbunan niya. Ang cute niya kase. "Good girl"

Umupo lang kami sa pinakamalapit na silya. Maya maya pa natapos na rin yung inorder namin kaya eto. Prente kong umiinom habang pinapanood siyang nginangata yung straw at sinisipsip yung matcha green tea.

"Bat ganyan ka makatitig?"

"Wala ang cute mo"

"Quit staring"

"E kung ayoko?"

"Dudukutin ko yang mata mo"

"Kamuka mo yung galit na bunny sa secret life of pets"

Lalong nagsalubong yung kilay niya.

"Joke lang pala. Sungit mo naman"

Tumulis lalo yung nguso ni Shar. I can't help but to take a picture of her.

I posted it on instagram with a caption 'my favourite  sungit'

Hinintay ko siyang mahimasmasan. One thing about Shar, she doesn't have much of a sweet tooth kaya dapat sakto lang. She likes cheese and oreo too so there, it's easy to figure out what she will like.

"Dons, anong flavour to?"

"Matcha green tea with cheese foam. Nag add lang ako ng topings"

"Ahh" tatango tango lang siya but for sure from now on she will order the same thing tuwing pupunta sa bubble tea shops.

Shar is Shar. After all her taste remains true to one flavour, kahit pa anong iharap mo. It will take a strong persuasion para lang makumbinsi siyang magpalit.

And I hope it's the same with how she feels for me. Pero sana kahit she was persuaded, sa dulo ako pa rin.

Malakas lang loob ko because I know her for so long pero natatakot akong baka totoo na palang di Ricci na.

Kahit ganito yung sitwasyon wala kong karapatang magsabi ng alam ko. After all, they happened before I realise everything. Kung lalaki si Ricci he will resolve things sa matinong paraan.

I just hope umamin siya kase kung hindi I will really step in kahit pa sagasaan ko yung moral niya.

_________

Author's note

Don't worry Gwen, nasa isip pa rin kita.  Lalo na't lagi kang nag aabang. Nakakataba ng bilbil. Este puso.

Thank you sa mga votes at reads. Here's to our countdown to New Year mga repa!

Paano Aaminin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon