6

653 45 4
                                    

yuri

"uyy yuri sorry hindi kita nasamahan kahapon ha kasi may pinuntahan kami ni lia" saad ni yena at tinitigan ako

nilayo ko naman yung muka ko tsaka tumayo at lumabas ng cafe. "uyy nag tatampo kaba? sorry na" rinig kong sigaw nya habang natakbo

haharap na sana ko ng bigla nyang hatakin yung kamay ko dahilan para mapayakap ako sakanya

agad akong humiwalay sa pag yakap sakanya at sinamaan sya ng tingin "ano ba yon" masungit na saad ko

"tara libre kita ice cream mamayang uwian friday naman eh tsaka puntahan kita sa bahay nyo bukas" saad nya at kumindat

agad naman akong napangiti dahilan para tumawa sya ng sobrang lakas "shhhh ang ingay mo manahimik ka" saad ko at tinakpan yung bunganga nya

"ano payag kana?" tanong nya sakin at kinuha yung bag ko

"hmm sige" sagot ko at ngumiti tsaka sya niyakap

ang sweet namin tapos walang label.

"hmm yena may sasabihin pala ako" saad ko habang naka yuko

"ano yun" sagot nya at tinaas yung ulo ko

"g-gusto k-"

"uyy lia!!" saad ni yena at nakipag apir kay lia tas may pa heart na kamay pa

"ano nga ulit yon yuri?" saad nya at lumingon ulit para makita si lia

"a-ah wala sabi ko gusto ko ng ice cream" pag kukunwari ko

"kaya nga lilibre kita mamaya" maikling saad nya

ngumiti naman ako kaagad tsaka nag lakad palayo.

malay ko bang si lia talaga yung gusto nya.




debut | completed.Where stories live. Discover now