P10

498 18 3
                                    

"Did Tito found out about your little dirty games?" Pagsisiyasat ni Ken pagkalabas ni Seth.


Napasuklay si Seth ng buhok niya at inayos ang suot na damit na para bang nagpipigil ng inis at pagod na pagod kahit nag usap lang naman sila ng ama niya.

"Sir, tara na po?" sabi ni Mang Ben habang naka tayo sa harap ng Van at nag aabang sa sasabihin ni Seth dahil muka itong nagdadalawang isip.


Alam ni Seth ang gagawin niya--- ang sumunod sa papa niya kahit hindi niya gusto. Naiintindihan niyang may responsibilidad siyang dapat unahin kahit sa ano pa man. Kahit hindi mag kwento si Seth ay alam niya ng hindi nanaman naging maganda ang pag uusap ng mag-ama.


"Bro, favor naman" pag uumpisa sa kaniya samantalang si Ken naman ay inaantay lang ang susunod na sasabihin pero hindi na nasundan dahil sa pag aalinlangan ni Seth na baka ay hindi siya paboran ng kaibigan.


"What?" Halos walang emosyon na pagkakasabi ni Ken sa kaniya. Baka kasi malaking problema nanaman. Pero alam niya naman na kumpara sa kaniya, ay mas marami na siyang gulong napasok. Na hanggang ngayon ay tinatakbuhan niya parin.


"Hindi ako nahuli ni Dad, at kung malaman man niya okay lang yon. I assure you that, but then he wants me to dump my P.A because of you know, priorities." "Okay, I know what you are trying to say, but no. Maybe I'll see you next time around." mabilis na sagot neto at wala pang segundo ay naglakad na palayo.


Kilalang kilala ni Seth ang bestfriend niya at alam niyang kahit ano pang pilit niya rito ay hindi na mababago ang isip nito. Lumaking hindi dumedepende si Ken sa kahit na sino kahit pa na sobang yaman nito. Siya pa mismo ang tumatakas at nagpapalayo sa mga bantay neto at kasambahay sa tuwing pinagsisilbihan siya. Gayunpaman, naging matalik silang magkaibigan at siya lang ang natatanging nakaka alam ng kahinaan nito.


Nakasakay na si Ken sa Kotse niya at tsaka lang sumigaw si Seth ng 

"You will change your mind, if I tell you why!" 

 Pero hindi na ito pinansin ni Ken at tuluyan ng nag maneho papalabas ng mansion. Nang nasa gate na si Ken para pagbuksan siya at makalabas ay itinaas ni Seth ang kamay niya at sumenyas sa guard na nagbabantay sa gate.


"What the hell?" 

pagbulong ni ken at tumingin sa side mirror. 

Nakitang naka ngiti si Seth at ibinaba ang nakasenyas na kamay. Umiling si Seth habang naka ngiti at napailing nalang din si ken at napasinghal ng 'bitch' Walang nagawa si Ken kung hindi umatras at igilid ang kotse niya. Inutos ni Seth kay Mang Ben na isama si Ken sa pagsundo kay 'Marcela'... Kung mapapapayag niya si Ken. Kaagad na sinunod ni Mang Ben si Seth at sumakay na sa Van.

"Yes Sir"


Sumakay na rin si Seth sa sarili niyang kotse at nag drive papunta sa gate kung saan pumarada si Ken. Magkatapat sila habang parehong nasa kotse. Mumurahin na sana siya ni Ken pero inunahan niya na ito

"Alam natin pareho kung sino ang nagpasunog sa barrio"

Nagulat ng bahagya ngunit kalmado parin ang ekspresyon ni Ken. Magsasalita pa si Ken pero pinutol niya ulit ito.


"Don't curse me! Okay?! Just Listen, alam ko na ikaw yun a gusto kong malaman mo na etong P.A na ito na nakuha ko. Ay isa...sa mga nawalan ng bahay."


Habang kinokonsensya ni Seth si Ken ay tahimik lang itong nakahawak sa manobela at diretsong nakatingin sa harapan.


"Don't get me wrong Ken, hindi ko plinano o sinadya na ang makukuha ko kahapon ay dating nakatira sa barrio pero kasi yung tao nawalan ng hanap-buhay, e.kinailangan mag trabaho at binigyan ko.Bro, bigay mo na saakin to. Gusto kong bigyan ng bagong buhay yung taong naapektuhan ng pag ganti mo."


Hindi parin umiimik si Ken, ni hindi nagbago ang emosyon nito. Wala naman talaga si Seth balak pang mang blackmail, at kung hindi niya parin makikiliti ang konsensya ni Ken ay wala siyang magagawa kundi ang sumama kay Mang Ben at ibigay ang 5k na kulang sa pagbale ni Marcela.


Bakit niya pa ibibigay kung hindi naman siya pinagserbisyuhan tulad ng usapan nila? Hindi naman kasi pinalaking maramot na tao si Seth at gusto niya rin tumulong kay Marcela. Una palang niyang nakita si Marcela ay alam niya ng kakaiba ang babae sa lahat. Para bang inosente pero may 'sense of humor'. Isa pa ay ang gaan ng pakiramdam niya rito. Wala parin sagot si Ken kay Seth at mukang wala na talaga siyang magagawa pa kundi ang puntahan ng Personal si Marcela at magsorry.


Inistart na ulit ni Seth ang makina at pinarada sa harapan ng kotse ni Ken. "Mang Ben sa Gate ka muna, sunod ako. Baka ako nalang sumama." Na agad na sinunod ni Mang Ben at dineretso ang Van malapit sa Gate.


Naglakad si Seth papunta sa kotse ni Ken para kausapin ito at baka mag bago pa ang isip sa huling segundo. Yumuko at bahagyang pinatong ni Seth ang braso niya sa bintanang nakababa sa may drivers seat kung saan nakaupo si Ken at sinabing...


"Aalis ako pa Dubai, pumayag ka man o hindi, hindi ako ma aapektuhan at ikaw rin. Pero hindi para sakin to Ken. Gusto ko lang makatulong at sana... ikaw rin. 

Kaya please, take her to be your Personal Assistant. Okay?"

Tsaka lang gumalaw si Ken at inis na tinignan ang kaibigan habang si Seth naman ay nakangiti parin. At sa pagkakataong ito ay alam ni Seth na nagwagi siyang kilitiin ang konsensya ni Ken HAHA!


"Well, pupunta ako sa kanila at bibigay ko na last part ng salary niya. I will tell her na iintroduce kita bukas na bukas o kaya ngayon na? Ano?"


"Just drop her details. Ako na" iritang sagot nito dahil nagiging rush at demanding na si Seth sa kaniya. "Now can I leave?"


Ngiti lang ang sinagot ni Seth at sumenyas sa guard para payagan makalabas ang kotse ni Ken na agad naman umalis.


Lakad takbo si Seth pumunta at sumakay sa Van at kwinento ang magandang balita kay Mang Ben.


Success! 


 -----------------

Vote Follow and Comment :) <3 Godbless sa lahat <3

The Billionaire's AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon