P9

534 16 0
                                    


Paano ako ngayon papasok? Wala naman akong cellphone number ni Mang Ben, tapos--- Pano ba?!jusko"


Nananana ignacia kahit kailan ka, galing galing mo talaga


"Ate okay ka lang ba?" Silip saakin ni Niknik sa akin habang nag susuklay


"Oo naman Niknik okay lang ako." Pangiti ngiti lang 'tong ate mo pero jusko problemado na ako!


"Ate naman, rinig na rinig ka kaya namin ni nanay na mag isang nag sasalita riyan sa harap ng salamin." Sabay tumalikod.


Paano na nga ba?


Kinuha ko sa bulsa ang calling card na bigay sakin ni Sir Seth.


Tatawag na ba ako?

 Call a friend na ba? Este--- call for sundo?!

Napabuga na lamang ng hinga si Ignacia nang maalala niya na bumali agad siya ng 10k sa sweldo niya, at ngayon tatawag siya sa boss niya para mag pa sundo? Kahihiyan, kahihiyan, kahihiyan. Teka, hindi kahihiyan yon. Para yon sa pamilya namin, sa utang, gamot ni nanay at gamit ni Niknik at pangkain namin. Bakit naman ako mahihiya? Maiintindihan naman ni sir yun kung siya ang nasa kalagayan ko. Babawi naman ako at sinabi kong papasok ako. Pag iigihan ko nalang!



Pero paano ako papasok? Lord tatawag na ba ako? Hindi ba talaga nakakahiya? Anong sasabihin ko?



Sir pasundo?


 Sir penge number ni mang ben?

 Sir may sundo po ba ako?

 Sir paano pumunta jan sa work ko?

Ambubu mu ignacia HUHUHU




"JUSKO IGNACIA!"



"AY! Ignacia!"


 Nataranta siya nang biglang sumulpot si Marcela sa bahay nila at hinawi ang nakaharang na kurtina.


"Ignacia! Ignacia! Ignaciaaaa!" Halos mabingi na si Ignacia sa kakatawag sa kaniya ni Marcela habang naka kapit sa braso niya.



"Tumigil ka nga, ano ba yon?! Oh ano? Napaka kulit mo naman ano nga?!" Pag titigil niya kay Marcela at ang bff nya naman ay namumula ang mukha sa sobrang excited.


"Ignacia may gwapo kang sundo sa labas!"Bulong nitong sabi sa kaniya ngunit sa sobrang kilig at rinig na rinig naman ni niknik at ni nanay.   


"Jusko ka naman!


akala ko naman kung ano

The Billionaire's AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon