Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Anggag. Feeling famous talaga. Amputs.
"Itigil mo nga 'yang kalokohan mong 'yan, Anggag. Diba sabi mo tutulungan mo 'ko sa plano ko. Log out mo muna 'yang pisbuk mo."
Tumingin agad ako sa hawak-hawak na papel pagkatapos pagsabihan si Anggag. Napangisi ako habang binabasa ko ang nakasulat. Naisipan ko kahapong iprinta ang kabastusan ni Mary dahil inis na inis na talaga ako sa kanya. Almost 300 papers ang na-print namin ni Anggag kahapon na ngayo'y kumakalat na sa bawat bubong, bulletin boards, at sa mga puno ng langka sa loob ng campus. Bumaling ako ng tingin sa quadrangle. Maraming estudyante ang nagdagsaan upang pagpiyestahan ang nakakatawang balita na gawa-gawa ko. And yes. This is my plan for today.
Post signs.
"Uy, ayan na si Ken!"
Napalingon ako sa gawing turo-turo ni Anggag. Nakita ko si Ken na takang-takang naglalakad habang sinisingkitan ng mata ang mga estudyanteng hindi niya alam kung ano ang pinagkakaguluhan. Lumapit siya doon sa grupo ng mga lalaki upang matignan kung ano ito. Kumuha siya ng post sign saka iyon binasa. Nasaksihan ko ang pagngisi niya. Natatawa siya.
"Teka, tatawagin ko."
Umalis si Anggag sa tabi ko at tinungo si Ken. Nagngitian silang dalawa saka nagsalita si Anggag na hindi ko naman narinig kasi malayo sila. Tumingin si Anggag sa gawi ko na sinundan naman ni Ken. Ngumiti ako sa kanila bago sila naglakad tungo sa bench na inuupuan ko.
"Uy, Ken. Nabuntis daw 'yung kapitbahay niyong lalaki. Totoo ba? Naku, ang landi na talaga ng mga kalalakihan ngayon. Kadalasan mga minor de edad ang nabubuntis."
Nakaupo si Anggag sa sandalan ng bench habang nakatayo naman sa harap namin si Ken.
"Saang lupalup mo na naman nakuha ang tsismis na 'yan, Anggag? Ba't alam mo?"
"Kay Carlo."
"CARLO NA NAMAN?!" sabay bulalas na tanong namin ni Ken.
"Oo. Alam niyo naman na tsismosong tao si Carlo. Lahat ng sinasabi niya tama." napasapo ako ng noo habang si Ken naman napahingang-malalim. "Tama ba si Carlo?"
"Oo tama si Carlo. Ipakilala mo siya sa 'min at nang mapakain ko siya ng newspaper!" inis kong turan, "Tangnang Carlo na 'yan."
Actually magkaharap lang ang bahay namin ni Ken at ang tinutukoy ni Carlo ay neighbor nga namin. To be honest, marami ng nabubuntis na kalalakihan sa baryo namin at kadalasan sa kanila tinakbuhan sila ng babae at sumibat. Buti nga sa kanila. Kebata-bata pa pero naglalandi na.
"'Wag na nga natin sila pag-usapan. Maiba ako Neo," tumingin si Ken sa akin, "Ikaw ba gumawa ng Post Sign na 'to?" ngumisi ako na halatang naintindihan naman ni Ken, "Sabi na nga ba, e. Anong pinaplano mo?"
"Oo nga. Anong plano mo, Neo, baka malaman ito ni Carlo. Gawin pa niya 'tong tsismis."
"Last na talaga 'yang Carlo Carlo mo, Anggag. Sa kaka-Carlo mo, nagiging tsismoso ka na rin."
"Sorry naman, pero si Carlo kasi-"
"Punyemas. Sabing tama na!"
"Okay, sorry. Ito naman galit agad."
***
Tinanong uli ako ni Ken kung ano daw ang plano ko. Sinabi ko sa kanya na plano ko lang naman mapahiya si Mary sa kabastusan niya. Kinwento ko na din kina Ken at Anggag 'yung ginawa ko sa kanya kahapon. Namangha silang dalawa na tila hindi makapaniwala.
"Imposible ka, Neo. Hindi ka ba natatakot?"
"Natatakot na ano?"
"Na baka malaman ni Mary na ikaw ang may pakana nito. Naku, baka anong gawin niya sayo."
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Reversed Universe (Revised Version)
Подростковая литератураREVISED VERSION || Paano na kung baligtad ang Mundo? na ang mga lalaki na ang nagpapakipot, nagkakamenstrual flow, at nabubuntis? habang ang mga babae naman ang nagpapakilig, nangliligaw, at gumagawa ng paraan para makuha ang pinakamamahal nilang la...
Chapter 8 ♥
Начните с самого начала
