Midnight Lover - 02

Start from the beginning
                                    



"Talaga?" tila hindi makapaniwalang balik-tanong niya.



"Yes. Lahat kasi ng taong kilala ko, gwapo, pogi o 'di naman kaya ay yummy ang tawag sa 'kin," nakangising sagot ko sa kanya. Pero totoo naman 'yon. Halos lahat ng kadalagahan dito sa amin gwapo o pogi ang tawag sa 'kin. Samantalang sa mga beki, yummy ang kadalasang adjective na kinakabit nila sa akin—which I don't find offensive of course.



"Kapal neto," I heard Raven mumbled while trying to suppress a smile which resulted into a big laugh. At nakakahawa ang paraan ng pagtawa niya.



"So ano na nga ang sekreto mo at na-achieve mo ang ganyang ganda?" I asked resiously. Not because I want to learn her beauty tips but simply because I want to hear her soothing voice. Pati boses niya ay boses babae rin. Pwedeng-pwede na siyang sumali sa Super Sireyna sa Eat Bulaga.



"Well, aside from the good genes of my parents, malaking tulong rin ang naiambag ng Diane pills at Myra-E."



Napatango-tango ako sa sinabi niya. At bigla na naman akong natigilan at napatitig lang sa kanya. At doon ko lang napansin na kamukha niya ang artistang si Ellen Adarna.



"Thanks for answering the question. Anyway, uuwi na muna ako. Kapag may kailangan ka, don't hesitate to tell me. Doon lang ako nakatira sa unang unit. So, see you when I see you?"



Tumango lang siya sa 'kin at hinayaan na akong lumabas ng unit niya. Pero bago pa man ako makalayo ay lumingon ulit ako sa kanya. "Thanks nga pala sa kape."



"You're welcome," nakangiting sagot niya.



Napapailing ako habang papasok sa unit na tinutuluyan ko. Pagpasok ko ay naabutan ko ang pinsan kong si Junnie na mag-isang natutulog sa sofa. Mukhang nakaalis na ang jowa niyang si Macmac na super bagets pa kung tutuusin.



Nilagpasan ko ang pinsan ko at dumiretso ako sa kwarto ko habang isa-isang tinatanggal ang mga saplot ko sa katawan at basta-basta na lang iyong pinaghahagis sa kung saang parte ng kwarto ko.



Dumiretso ako sa banyo at tumapat sa shower. At habang nakatukod ang isa kong kamay sa dingding ay saka ko lang napansin na naghuhumindig pala ang pagkalalaki ko. Bigla ko na namang naalala ang magandang mukha ni Raven na sigurado akong kaiinggitan ng mga tunay na eba.



Bago pa man mapunta sa kung saan ang imahinasyon ko ay minadali ko na ang pagligo at mabilis na nagbihis ng pambahay.



Pagkatapos magbihis ay pumunta naman ako sa kusina para maghanap ng makakain. Dahil likas na tamad akong magluto, nagkasya na ako sa Purefoods corned beef at bahaw na kanin. After thirty minutes ay solve na ang tiyan ko.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now