CHAPTER 29: Asar!!!

9.4K 325 12
                                    

A: guys kapag may nakita kayong ganito sha/jhazz yung unang pangalan ayun yung nagsasalita yung pangalawa ayun yung nalipatan nilang katawan okay po?

SHA'S POV

" what the!!" sigaw ko ng makita ang sarili ko sa palagay ko si Pao yung nasa katawan ko.

" Pao?! ikaw bayan? " sabay duro ko sa mukha ko na nakaupo sa harapan ko.

tumango naman siya ng marahan, tinignan ko naman yung katawan ko
pang babae parin naman tinignan ko ng maayos yung katawan ko at kay Jhazz na katawan ang nalipatan kom

" teka umupo nga muna tayong lahat" sigaw ko eh pano nagkakagulo na sila lalo na yung dalawang kambal na hindi matangap na silang apat yung nagkapalit ng katawan.

umupo naman sila na parang naiilang pa.

" teka ako 'to ah si Sha, napunta ako sa katawan ni Jhazz. si Jhazz napunta sa katawan ni Pao " tumango naman si Jhazz na nasa katawan ni Pao.

" si Pao nasa katawan ko" tumango din naman si Pao na todo baba ng palda na suot ko kanina na pabuntong hininga na lang ako sorry Pao pero keri mo naman siguro ihandle yung katawan ko.

" yung kambal na sina Chlae at Chloe napunta sa katawan nina Trisha at sina Trisha napunta sa katawan nina Chloe?"tumango naman sila ng nakasimangot.

" teka... parang may kulang na isa!" sigaw ni Pao na nasa katawan ko para tuloy narinig ko lang yung sarili ko na nagsalita.

" yeah Sha, I mean Pao is tama" sabi ni Trisha na nasa katawan ni chloe

tinignan ko naman yung paligid at nakita ko ang kulang ay walang iba kundi si Khiel the poker face.

" teka Khiel ba't wala kang nakapalit samin ?" sigaw na tanong ni Jhazz/ Pao

" kasi hindi naman niya binigkas yung spell" napatingin naman kami kay Chlae/Trina na nagsalita

teka ano daw? hindi binigkas ni Khiel yung spell?! aish! kaya naman pala eh

" eh ba't 'di mo naman binaggit yung spell?" tanong ko

" simple lang alam kong hindi kay Kira galing yan" simple niyang sabi

" ano?!" sabay sabay na tanong namin nagkibit balikat naman siya

anak naman ng tokwa 'di man lang kami sinabihan ng mokong na 'to nakakainit ng ulo ah?

asar! grrr!!

" Sha anong gagawin natin? 'di ako sanay sa katawan mo" Pao/ Sha

ano nga ba??

" pumunta na lang kayo kay Kira simple as that" napatango naman kami sa sinabi ni Khiel may silbi din pala yung kumag na yun.

kaya ayun dali dali kaming tumakbo papunta kay Kira

" oh anong kailangan niyo at kumpleto pa kayo?" takang tanong nito at halatang tama ng si Khiel

" Kira ikaw ba nag lagay nito sa library?" sabi ko sabay patong ng libro na may spell at yung sulat umiling naman ito.

" hindi bakit naman ako mag iiwan ng sulat sa library kung pwede ko namab kayong papuntahin sa office ko pero bakit ano bang nangyari? " so ayun kinwento namin lahat kay Kira at kulang na lang mabasag yung

eardrums namin kakasigaw ni Kira dahil sa gulat

" hay patingin ako ng libro " agad naman na binigay ni Khiel yung libro

" sa tingin ko yung spell na sinabi niyo ay obviously para magkapalit palit kayo ng katawan kaya ayan yung nangyari sa inyo " sabi nito halata nga  po kaya nga nagkapalit palit kami diba? syempre 'di ko sinabi panira lang ako pag sinabi ko yun diba? Basag mood ganon.

" pero sa tingin ko pagkatapos ng araw na to babalik na kayo sa katawan niyo" napangiti naman kaming lahat sa sinabi ni Kira.

" dun muna kayo sa dorm niyo mag stay habang 'di pa kayo bumabalik sa mga katawan niyo" nag sitanguhan naman kami

" at isa pa nabasa ko sa libro na pag may isa sa inyo na nagbanggit ng spell ulit o kaya kahit hindi isa sa inyo automatic na yung nasa area na yun ay magkakapalit ulit maliwanag? "tumango naman kami at lilipad na sana kami.

tinry ko palabasin yung pak pak ko pero ayaw lumabas parang lumalabas ng onti pero papasok ulit sa katawan ko eh?

asar! 'di ako sanay na gamitin ang mahika ni Jhazz napatingin naman ako sa iba at halos bugnot na bugnot na sila kasi 'di rin nila kayang kontrolin yung mahika nila .

pwera sa isa na ready ng lumipad any minute

" guys! elavator na lang tayo"suwesyon ko tumngo naman sila at himala ulit na sumunod lang samin si Khiel pag pasok namin

halos napuno namin yung elavator ang sikip pa nga eh paano va naman ang dami namin at guess what mga guys?

nasa harap ko lang naman po si Khiel at nakaharap lang din siya sakin pero 'di naman siya nakatingin sakin

ang nasa likod ko naman si Pao na nasa katawan ko.

SOMEONE'S POV

sayang hindi ako napunta sa katawan ng isa sa kanila.

susubukan ko ulit hahahahha!!

"freu gerun bodue chanegaoe " sabi ko sa utak ko

pwede naman kahit hindi ko sabihin ng verbal kahit sa utak lang tatalab na yun *smirk*

SHA'S POV

nagulat naman kaming lahat ng magliwanag bigla yung elevator

*ting!!* sakto namang pagbukas ng elavator nawala yung liwanag

teka anong nangyari?

" guys ba't lumiwanag sa elevator? Anong meron?" tanong ko lahat naman sila nagulat at tumingin sa akin ng kakaiba

" S-Sha?" utal na tanong nila napakunot naman yung noo ko sa reaksyon nila.

" bakit?" takang tanong ko

" sa tingin ko nagkapalit ulit tayo ng katawan" tarantang sabi nila

napatingin naman ako sa katawan ko at mas nashock ako

gosh! sa dinami dami naming andito sa katawan niya pa ko napunta?!

asar! paano na ngayon to?

-_______________________________________

A: wews baka sa tuesday na po ung next ud test na po kasi namin bukas :)

*wattygirl10*

SOM 2: The magic continue's (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon