CHAPTER 10: meet catherine

11.6K 379 8
                                    

JHAZZ'S POV

ang tagal ni Sha kanina pa ko dito sa garden

nasan na ba siya?  Sobrang dami ba ng inihi niya? Baka natae na din?

baka naman iniwan na ko nun? ay hindi! impossible naman yun.

pero ba't ganun parang naiihi ako na hindi ko alam? parang kinakabahan ako?

hindi kaya may nangyari kay Sha?

gosh! baka nga!

agad agad naman akong tumakbo sa cr.

nung malapit na ko nagulat ako ng makitang may mga yelong nakalagay sa may pinto.

parang tubig na naging yelo bigla?

medyo may matulis pa itong part anong nagyari dito?? ba't may ganto??

teka isa ba sa two duos yung maygawa nito? pero imposible kasi anong namang dahilan nila para gawin 'to?

don't tell me si..

agad agad naman akong kumatok sa cr ng malakas

" SHA!!! SHA!!!" sigaw ko pero parang ang daming kung anong  nakaharang sa loob!

nakakainis!

kaya ginamit ko yung mahika ko unti unti kong kinontrol yung lupa tsaka pinatama sa pintuan

ilang beses ko pa yung ginawa bago tuluyang mawasak yung pinto

at laking gulat ko ng makita yung nakaharang sa pintuan kanina. hanggang dib dib na yung yelo sa loob.

tinitigan ko naman ng mabuti yung yelo

at mas kinalaki ng mata ko ng makita sa loob ng yelo si Sha

pano siya napunta dun?! ano ng gagawin ko?

hindi kaya ng mahika kong tunawin yung mga yelo o tibakin man lang

'di ko namalayang tumatakbo na ko kung saan man at nakita ko na lang yung sarili ko na hinahatak si Catherine.

" ano bang problema jhazz??" Takang takang tanong niya pero 'di ko siya pinansin at dinala na lang siya sa cr.

Pag karating namin bakas naman din ang gulat sa mukha niyan

" pa-paano??"

" wag ka ng magtanong please?tulungan mo na lang si Sha sa loob kailangan niya ng tulong mo" tarantang sabi ko

tumango naman siya at sinimulang tunawin ang yelo at halata namang heat ang mahika ni Catherine diba?

mahigit 15 minutes niyang tinunaw ang kalahati ng yelo at malapit na siya kay Sha.

" kaya mo yan Cath!" sabi ko  at ngumiti lang siya habang pinapahid yung pawis niya

tsaka pinagpatuloy yung ginagawa niya.

Napapapunas na lang din ako ng pawis dahil ramdam na ramdam ko na din yung init.

ng natunaw na yung yelo nakaamba na ko at  sinalo ko agad si Sha ng matumba ito.

" salamat Catherine" sabi ko habang hawak si Sha

" walang ano man" sabi nito

" dalian mo at ipunta mo na siya sa clinic natin at matutulungan ka ni Sophie"

tumango naman ako

at agad kong binuhat si Sha papuntang clinic sobrang lamig niya at medyo na mumutla pa siya.

gosh! sana maging ayos lang siya

ano ba kasing nangyari sa loob? ba't napuno ng tubig yung cr at naging yelo pa?

marahil ba nalabas na ni Sha ang mahika niya?

ng hindi niya sinasadya??

Pero sino naman ang maglalakas ng loob na gumawa ng hakbang na katulad non?

Paano kung may mas nangyari pang masama kay Sha?

Argh ano ba naman 'to kakasimula pa lang ni Sha aa mundong to and yet ang dami ng nangyayari.

___________________________________________

SOM 2: The magic continue's (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon