CHAPTER 3: ano po??!

15.6K 533 10
                                    

SHARMAINE'S POV

instant naman na napatingin ako kay tita.

ano na naman kaya yung sasabihin nila? siguro naman yung hindi maysadong nakakashock no?

nako baka 'di konna kayanin yung malalaman ko pa ngayong araw.

" a- ano po yun??" kinakabahang tanong ko.

" Sha, may natanggap kami na sulat nung nakaraang linggo" bigla naman akong napatingin kay Mika at ganun din pala siya.

eto na siguro yung sinasabi niyang may natanggap na sulat sina tita.

" at hindi maganda ang nakasulat dito" pagpapatuloy ni tito Mark

" bakit ano po ba yung nakasulat dito??" agad na tanong ni Mika at alam kong kating kati na siyang malaman kung ano yon at dahil related sakin 'to hindi ko din maiwasang macurious.

" hayy ang nakasulat dito ay muling nakatayo ang eskwelahan ng mga dark wizards at hindi nila kilala kung sino ang nagtayo nito muli" nagulantang naman ako

so ibig sabihin nagkaroon ulit ng kasamaan dun? paano naman nangyari yun??

" pero paano naman po kaya?" tanong ko

" walang nakakaalam samin simula ng umalis kami sa mundong yon hindi na naman alam ang mga nangyayare doon " nakayukong sabi ni mama

" anak nagkaroon kami ng desisyon na tulungan muli ang eskwelahan ng mga good wizards, kailangan nila ng tulong ngayon" eh paano naman nila matutulungan ang mga good wizards?

" eh paano po wala na kayong mahika? pano niyo sila matutulungan?" agad na tanong ko

agad din naman silang nagkatinginan 

" kaya nga napagpasyahan naming " teka bakit parang ayoko ata nung maririnig ko ah??

" papapasukin ka namin sa mundo ng mahika " sabi ni papa nanlaki naman ng bongga yung mata ko ano daw?!ako ?!

" ikaw ang tutulong hanapin ang nagtayo ng dark wizard"

" at tuluyang tapusin ang kasamaan sa mundo ng mahika" pagpapatuloy ni tito Adrian ng nakatingin saakin

peroo?

" bakit ako?! " gulat na gulat na tanong ko

nagulat naman ako ng biglang sumabat si Mika

" duh ate malamang ikaw, wala namang iba na pwedeng tumulong sa kanila bukod sayo dahil ikaw lang ang may mahika sa ating lahat" napatahimik naman ako bigla sa sinabi ni Mika may point siya...

ako nga lang ang may mahika

" tama ang sinabi ni mika anak kaya sana pumayag ka " sabi ni mama

" pero ba't ako lang po? "

" kasi nga ikaw lang ang may mahika sa ating lahat at hindi nakakapasok basta basta ang mga mortal sa loob ng mundo ng mahika" napatango naman ako.

" tsaka hindi ko alam kung paano ko mapapalabas ang mahika ko ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa lahat ng 'to." angal ko ulit eh paano ko naman gagamitin ang mahika ko kung hindi ko naman alam kung paano? diba?

" si Kira na ang bahala sayo anak, lahat ng problema mo si Kira lang ang makakatulong sayo anak" napabuntong hininga na lang ako

hay.... ano pa nga ba?

makakatanggi pa ba ko kung wala naman akong ibang option???

" hay wala naman po akong magagawa diba??" pagsuko ko

napangiti naman sila at bumuntong hininga

" at anak bukas na ang alis mo"

ANO ?! ang bilis naman

__________________________________________________________________________

A: Short ud alert!!

sorry kung maiksi! at kung natagalan ulit! busy kasi kakapractice para sa buwan ng wika!

bukas na yung sayaw namin sana maging maayos yung sayaw namin:)

ok share lang XD

*wattygirl10*

SOM 2: The magic continue's (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon