CHAPTER 9: anong nangyayari?

12.1K 406 20
                                    

SHARMAINE'S POV

andito kami ni Jhazz sa isang argh sa ano nga ulit?

ay ewan 'di ko alam yung tawag basta garden ata? haist yaan na nga basta parang garden yung tawag  kaso parang magical yung pangalan nakalimutan ko lang.

ang ganda nga dito yung mga halaman akala mo buhay talaga.

kakaiba pa ngayon lang ako nakakita ng mga gantong halaman iba't iba pa yung kulay.

parang rainbow

" Jhazz ang ganda dito!!" sabi ko ng nakapikit kasi dinadama ko yung hangin.

Ah.. ang sarap ng hangin.

" hahaha sabi ko na nga ba magugustuhan mo dito"

ang sarap na sana ng higa ko sa damo ng maramdaman kong tinatawag ako ni inang kalikasan.

Wrong timing naman argh.

" ah Jhazz mag c-cr lang ako ha??" sabi ko patayo na sana ako ng hinawakan ni Jhazz yung kamay.ko

" yung cr paglabas mo dito deretso lang tapos liko ka sa kanan nasa dulo nung hallway yung cr" ngumiti naman ako sa kanya kasi oo nga pala wala pa kong alam masyado sa lugar kaya buti at sinabi niya sakin.

kundi hahanapin ko pa ng bongga diba?? At baka maligaw pa ko sa laki ng school na 'to

umalis naman ako agad at tinahak ang ruta papunta sa inang kalikasan.

grabe! ang layo naman ng cr na to at talagang pinakadulo pa ng hallway

jusme paano pala kung ihing ihi ka na? naihi ka na sa panty mo bago ka nakapunta sa cr at nakaihi.

ay nako maka cr na nga lang.

"Hay sa wakas" mahinang sabi ko at nagflush

pagkalabas ko naman sa cr ay naghugas muna ako ng kamay at naghilamos.

ngayon ko lang napansin walang katao tao dito sa cr uhm I mean wizards.

lalabas na sana ko ng biglang sumara ng kusa yung pinto

Eh? Hala..

agad agad naman akong tumakbo sa may pinto para subukang buksan yun

pero langya ayaw bumukas, hala ka! sinong naglock nito?

" tulong!! may tao ba dyan?! buksan niyo to  please" sigaw ko

"Heyy! can someone help me?!" ilang beses na kong sumisigaw pero wala pa rin.

ano nang gagawain ko???

napaupo na lang ako sa sahig gosh! ano makukulong na lang ako dito?

nagulat naman ako ng biglang may tumunog ng malakas as in malakas talaga.

at mas lalo akong nagulat ng biglang nag talsikan yung mga tubig sa gripo.

anong nangyayare? bumabaha na ng konti dito pinipilit kong pigilan yung pagtagas ng tubig sa gripo pero ayaw talaga.

natataranta na ko at halos basang basa na ko dito.

'di ko alam kung anong gagawin ko

at 'di ko namamalayang hanggang bewang ko na yung tubig

bakit ganto? ayaw tumigil ng tubig sa mga gripo??

ba't wala man lang nakakapansin?

nahihilo na ko.

malapit na sa dib dib yung tubig at pinipilit ko pa ring buksan yung pinto pero 'di ko mabuksan!

ano ba! bakit ayaw bumukas ng lecheng pinto na to??

'di ko namamalayang umiiyak na pala ko.

ba't ba to nang yayari??

huta! sino bang nag lock ng pinto ? at bakit biglang nasira yung mga gripo at tumagas? hindi nako makahinga ng maayos!

hindi ko alam pero sa sobrang taranta, takot at inis sa mga nangyayari na pasigaw nalang ako.

" AAAAAAHHHHHH!!!!" sigaw ko at unti unti na kong nawawalan ng malay dahil naubos lahat ng lakas ko sa pag sigaw pero

bago ako mawalan ng malay nakita ko pang unti unting nagyeyelo yung tubig.

anong nangyayari??

pero 'di na ko nakapag isip dahil nawalan na talaga ako ng malay.

*blackout*

SOMEONE'S POV

hahahaha! success napalabas namin ang mahika niya

at sa wakas nakita karin namin at talagang napaaga pa *smirks*

_____________________________________@@

A: yosh! hi guys!! k la ng ma say!! Xd

anyways! dedicated po kay:

AlyssaBartole2016

:))

*wattygirl10*

SOM 2: The magic continue's (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon