First.

15 0 0
                                        

My name is Arshyll Beatrice Phillips. 21, from Canada. Half Pinoy ako. Lumaki ako sa Canada. But I decided to transfer here in the Philippines when I was 12 years of age. Wala lang. Gusto ko ang Kultura dito. The way people live, eat, talk, and love each other. Masaya sa Pilipinas. Lalo na kapag nakilala mo ang mga tao rito. Masarap silang kausap at kasama :)

Well. Enough introducing myself. Haha.

Let's start the story ^^

The story of Mine :)

--

Natuto akong lumandi este magpaligaw o mapamahal ng mag-14 ako. First time ko actually. At siyempre gusto ko Pinoy. Niligawan niya ko for a couple of months. Di ko agad sinagot 'cause I wanna know him better. Better pa sa better :)

Nagkakilala kami through text. Ewan. Peer Pressure? Dahil nga sa 2 years nakong nag aaral dito sa Pinas. Ayun. Marami na akong friends :)

At dahil nga sa "Friends" ko sila. Nagawa nilang ikalat ang number ko. At sa kasawiang palad. Nakuha ng isang lalaking nagngangalang Mark yung number ko.

Nag umpisa sa Hi/Hello. Nauwi sa crush. Naging ayun. Aminan. And then Ligaw. Niligawan niya ko for I think, 5months? Nakalimutan ko na. Pero ang tumatak sa akin ay yung ugali niya.

Yung ugali niyang nakakakilig. Yung mga tipong wala pa siyang ginagawa. Hala! Nakakakilig na.

Unli Call siya lagi kaya minu-minuto kami magkausap sa phone. Naalala ko pa nga na ayaw niya ng text. Dahil TAMAD siyang magtype. Haha. Unang kinanta niya para sakin? When You Say Nothing At All while playing guitar.

Sus! Pagdating pero sa Dating. Wala na. Huli lagi siya. Gustuhin ko mang intindihin pero wala eh. Ako lagi yung unang naghihintay. Unang nagpa-plan for the day. Yung unang nagsasabi sa kanyang gusto kong lumabas. And he Never approach me to go out with him for a date. Ako lagi. Kaya naman ayun.

His sweet. Kind. Loving. Pero wala siyang Kusa. Wala siyang Pake kung maghintay ako for a long time para sa kanya. At hindi niya alam kung anong feeling ng isang babae kapag ginanon ng isang lalaki.

Tinapos ko. Binasted ko siya. Hindi ko na kinaya e. Sabi ko sa sarili ko. Marami pa dyan. And maybe because, first time ko palang at marami pa akong mae-encounter na ganyang situations. So, I decided to stop it without saying any reasons. Wala lang. Bigla nalang akong di nagparamdam.

Isa lang nasabi ko.

AYOKO NA.


(VOTE AND COMMENT PLEASE)

Differences (Part1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora