Seventh.

8 0 0
                                    

Pagkatapos ng madamdaming pag alis ni Pat. Hindi muna ako nagpaligaw. Mamimiss ko siya. Ng sobra :(

Nawalan na din kasi kami ng Commu dahil hindi raw pwede. Makakaistorbo raw. So, Okeyy.

8Months Later.

Third Year College na ako! :)

At nagawa kong hindi magpaligaw ng walong buwan! :) Achievement to. Naks :)

Kaylangan ng mag aral ng maigi. Dahil isang taon nalang, ga-Graduate nako. At nakikita ko na... Nakikita ko na ang mga Buildings na designed ko. Ahihi. Chos.

Walang nagbago samin ng mga Friends ko. Wala, as in ganon pa din ang lahat. Siguro nag Mature kami ng konti. Pero yung friendship, attitudes, at siyempre bukod sa ganda (Weh), yung Height :D

Masakit mang isipin, pero hindi talaga ako tumangkad. Hindi KAMI tumangkad. Hindi lang ako :D

May new classmates. Mga bagong magaganda at...

Gwapo! :) Sows. Handa na ba ako ulit? Siguro ngaa.

Sa isang Activity na kaylangang isang grupo kayo. Merong isang lalaki na nagpaka-President saamin. Yung the whole time he's discussing, nakangiti lang ako :)

Kinikeleg ako e :)

Hanggwapo kasi. Kaso masungit. Mukhang may Monthly Period lagi. Yung tipong hindi Monthly. Yung Daily siyang Meron. Haha.

"So ayun. Did you get it?"

"Sir yes po :)"

Hala bat ako lang yung sumagot? :3

Classmates: Hala.. Hahaha.

Siya: -.-

"Oops. I'm Sorry"

Napahiya ako don ah. Ang laki ng problema nito ahh. Hmmmp. Sa ganda kong 'to? Naks. Di naman.

Kinonsulta ako ng isa sa mga Friends ko kung Okey lang daw ako after what happened. 'Oo naman' ang sagot ko.

Sinabi niyang 'John' ang name nung Guy. At kakabreak lang daw sa Girlfriend kaya ganon siya ka-Bitter.

Abay, ayos pala 'tong kaibigan. Source talaga 'to pagdating dito :)

Nilapitan ko nga si "John".

"So John pala. Iniwan ni Gf kaya naging Bitter? Ahh. I'm Arshyll Beatrice. Arsh for short :)"

"Seriously? Are you talking to me?"

"Yes I'm talking to you. Is it obvious? Haha. Alam mo kasi naiwan na din ako. Pero magkaiba tayo ng sitwasyon. Siguro ikaw iniwan ka dahil di ka na gusto. Ako kasi Pamilya kalaban ko"

"Haha. Well. Goodluck *walkout*"

"Sungit! -.-"

Hay nakuuu! :3 Bakit ganon yun?! Super Bitter. Hmmmp!

-

Days, Weeks past. Siya pa din ang President namin sa grupo. Nakakatamad tuloy makinig. Minsan nga binabara ko ang mga sinasabi niya pero walang effect. Madalas mag "Ayiie" ang mga Classmates. Like whuuut? No way. Hindi ako papatol sa Bitter no! :/

Habang nag aayos ako ng gamit ko. May humawak sa braso ko. Mahigpit. Na mahigpit. At hinarap ako sa kanya.

"John? O.o"

"Wala kang alam saken. So stop talking me, stop bashing me. Stop okey! Stop!"

"Ano bang problema mo?! Put* nasasaktan ako. Bitiwan moko!"

"Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! Hindi mo alam kung gano kasakit... MAMATAYAN!"

Nanghina ako. Ng sobra..

"Mamatayan? Sino? :3"

Thank God, binitawan niya ako. At umupo siya ng nakayuko.

"She passed away last month. Mahal na mahal ko siya. Sobra. Siya yung buhay ko. Siya yung gusto kong makasama habangbuhay. Pero dahil sa katangahan ko! Nawala siya. Napatay ko siya! :'("

He started to cry.

"Napatay mo? Ano? Wait. Who is she? Makikinig ako"

"She's Yassi. Long time Girlfriend ko. Naisipan kong dalhin siya sa Tagaytay last month para makapagbonding kami. Lasing kami non. Pinilit kong magDrive para sakanya. Kahit nahihilo ako. And then there, bumangga kami at nahulog ang kotse sa bangin. At siya... Siya yung namatay! Sana ako nalang! Ako nalang sana! :'("

I hugged him.

"Hindi ko alam. Sorry. Sorry for teasing you. Sorry talaga. Pero sa tingin mo magiging masaya siya kapag nakita ka niyang ganyan? Na kinakain ng konsensya dahil sa nangyari sa kanya? Wag ganon"

"Thank You. Ahh. I have her picture."

Nilabas niya ang wallet niya at pinakita ang picture ng isang babaeng maganda. At teka....

"Kamuka mo siya noh? Kaya nga nung nakita kita. Sabi ko, hindi ako tinatantanan ng tadhana"

"Hawig lang. Hindi kamuka. Maganda siya :) Sayang nga lang. Don't worry. Atleast may Guardian Angel ka ng nagbabantay sayo"

"Yea. Haha. Thanks sa oras. Gotta go. Bye"

"Sige. You're Welcome. Bye. Wag ng iiyak ha! :)"

"Yeah."

Tae. Bakit ganon? Bakit parang nadudurog ang puso ko. Bakit parang nalulungkot ako ng sobra? Bakit?

-

Months later. Naging close kami ni John. Sabi pa nga ng Friends ko baka daw ligawan ako. Pero hindi sabi ko.

At mali ako. Naisipan nga niyang manligaw. Pinayagan ko na. Naawa ako eh. Pero hindi siya mahirap mahalin.

Kaso hindi ko maalis sa isip niya si Yassi. Hindi ko mapantayan si Yassi. Everytime magkasama kami. Everytime nakakatulog siya sa tabi ko. Si yassi. Si Yassi yung binabanggit niya. Si Yassi ang hinahanap niya.

Anong laban ko sa isang babaeng minahal niya ng sobra? Siyempre wala diba?

"You know what John? Hindi mo pa kaya ehh. Hindi mo pa siya kayang palitan. Hindi pa talaga. Kaylangan mo munang mag-isip isip. Ayusin mo muna yung sarili mo. And then, siguro saka ka makakahanap ng magpapasaya sayo. Yung makakatulong sayo para makalimutan mo siya. Yung sakit. Pero by this time, hindi pa ako yun. So sorry"

"Sorry din kung diko pa kaya. Sana ikaw din. Makahanap ka ng better. Better sakin :) Salamat sa Lahat Arsh"

Yan yung huling conversation namin. At wala na. Bigla nalang nawala.

Siguro tama nga ako.

HINDI PA SIYA HANDA.


(VOTE AND COMMENT PLEASE)

Differences (Part1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant