"Pa" warning ko.

"Tama na nga" saway ni mama.

"Ma bakit nga ba andito kayo?" Tanong ko.

"Twenty four ngayon. Sabi mo hindi ka makauwi kaya kami na pumunta dito. Hindi naman pwedeng iwan ka namin mag isa. E hindi naman namin alam... hmm" tumingin si mama kay Donny.

"Kailan daw ang balik ni Ricci?" Tanong ni mama.

"Next week ma"

After noon hindi na kumibo si mama.

Noong matapos kaming mananghalian pinagdiskitahan nila yung xbox. Naglaro na si Clark at si Kuya. Samantalang magkatabi si Donny saka si papa. Parehas na naka halukipkip yung mga kamay sa kili kili.

"Hoy Donato wala ka ba talagang balak umuwi?" Nandidilat kong tanong. Mabilis naman siyang tumayo. Buti't marunong siya makaramdam.

"Tito kukuhanin ko yung limited edition na blue bottle sa bahay. Magpapalit na din ako. Ano may gusto kang chicha?"

"Sisig" sigaw ni kuya.

"Ayeah! Sige oorder ako ng sisig sasamahan ko na rin ng barbecue"

Tumango lang si papa "bilisan mo" yun lang ang narinig ko.

Paanong ganito nangyari? Tinignan ko si mama masaya lang naman siyang kumakain ng nilagang mani.

Hoy! Magalit naman kayo kahit papano. Ang bilis ng transition e. Parang wala lang. Close sila ulit. Sa sobrang frustration ko napatanong ako.

"Ma bakit parang wala kayong problema kay Donny? Bakit parang wala siyang ginawang masama?"

"Meron ba?" Yun yung di ko inasahang sagot.

"Hindi lang naman siya nagparamdam ng ilang taon"

"Dapat ba ang pagkakaibigan nawawala kapag hindi na nakakapag usap?"

"Syempre. Kase ang pagkakaibigan inaalagaan"

"Hindi totoong pagkakaibigan yan kung palaging may what ifs anak. Ang totoong pagkakaibiga, Saan man mapunta ang isa, kahit sampu o higit pang taon kayo di magkausap o magkasama walang magbabago"

"Madali lang sabihin yan ma kase hindi naman nangyari sa'yo"

"Anong tawag mo sa mga ninang mo?"

Napanguso nalang ako. Sabagay totoong hindi sila nagkikita lagi o nagkakausap nila ninang pero walang nagbabago.

Hindi na ko nagpumilit. May point na si mama hindi pa ko mananalo.

Maya maya nagbuzz si Donny. Pinagbuksan siya ng pinto ni Clark. Bitbit yung mga sinabi niyang dadalin niya.

Nagsetup na sila ng inuman. Nanatili naman akong nakabantay sa phone ko.

Nakita ko kung paano magbiruan si papa at Donny. Swabeng swabe. Mabilis lang ding lumipas yung isang buong araw. Alas onse na sobrang lasing na din silang lahat maliban sa akin.

Lumabas ako saglit saka dumiretso sa rooftop para magpahangin. Sinubukan kong tawagan si Ricci. Finally nagriring na yung phone niya pero hindi pa rin niya pinipick up yung tawag ko.

"Anong gagawin mo kung may iba kang malaman tungkol kay Rivero?" di ko namalayang nakatayo na pala sa tabi ko si Donny.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman kunyari lang may malaman ka tungkol sa kanya. Na hindi pala siya yung perpektong lalaki na iniisip mo"

"Never kong inisip na perpekto si Ricci. Pero ginagawa niya lahat ng makakaya niya."

Nanahimik siya. Nanatiling diretso ang tingin.

"5 minutes before Christmas Shar. Too bad I can't kiss you under the mistletoe."

"Not gonna let you anyway"

Maglalakad na sana ko palayo nang higitin niya yung kamay ko at hilahin ako palapit sa kanya.

His forehead is now resting on mine. Nakapikit siya. "Shar" bulong niya.
"I'll do better"

Sandali akong hindi kumilos. Bumilang ako ng sampu sa isip ko.

"Sana kagaya ng mga magulang mo yung opinyon mo sa akin."

"Don't be mean Donny, you'll go away again after this. Wag mo na kong idamay. We said we will stop this chasing now"

Hinigit niya lang ako ng yakap ulit. Ramdam kong umiiyak si Donny. Sobra na siguro yung tama niya sa mga ininom nila.

"Please" pagmamakaawa niya. "It's hard to face the truth Shar"

Dahan dahan ko nalang siyang itinulak. Naramdaman ko ring nagriring yung phone ko.

Tinitigan ko lang muna yung screen. Si Ricci, sinagot ko na rin.

"Mahal, nasa rooftop ka ba?"

"Yes" maikli kong sagot

"May kasama ka?" Tinitigan ko si Donny na namumugto yung mata ngayon.

"Yes"

"Will you be ok?" Maingat niyang tanong. Hindi ako umimik.

"I'll take that as no." Sa isang iglap naramdaman ko yung pamilyar na yabag pagkatapos ay hawak. Si Ricci.

Saktong alas dose, Ricci arrived. As he hold my hand, He stared directly to Donny. Wala siyang sinabi. Parang nabato naman si Donny.

"Merry Christmas Ma'am" he planted a soft kiss on top of my head. "Tara baba na tayo. Balikan natin sila tita"

Tahimik akong sumunod habang hawak hawak ni Ricci yung kamay ko. Ramdam ko na sumusunod samin si Donny.

Pagbaba namin, Naabutan kong gising na si mama at papa habang tulog parin sina kuya.

"Ma si Ricci"

"Merry Christmas po tito and tita" tumango pang si mama. Ni walamg nag expect sa min ng sunod na move ni Donny.

Hinawakan niya yung isang kamay ko.

"Pa, as you said Shar isn't married yet so I can still be your in law right? Ricci doesn't have plans on marrying her anyway so, can I?"

Halos mabali yung leeg ko sa deklarasyon ni Donny. Nanlaki mata ni mama. Si papa naman tumango tango.

I looked at Ricci. Stoic lang yung reaksyon niya.

"Donny!" Sigaw ko.

"I am going classic Shar. I'll do what your boyfriend can't do"

Pucha ka talaga Donato Antonio Pangilinan.

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now