Kabanata 17

45K 2K 82
                                    

BOUQUET

Makalipas ang ilang araw ay naging kumportable na ako sa kanya. Matapos niyang malaman na gusto ko rin siya ay mas naging sweet at maalaga siya sa akin. Hindi niya na rin ako sinusungitan at liligawan niya raw ako kahit sinabi ko na hindi na kailangan. Pero masyado siyang makulit dahil ako raw ang magiging unang girlfriend niya.

At hindi ko akalain na ang panliligaw niya sa akin ay magiging ganito kabongga. Ngayong umaga, bumungad sa akin ang bouquet ng pulang rosas na nakapatong sa lamesa malapit lang sa kama ko. Kinuha ko ito at tiningnan. Nang nakita ko ang isang sticky note ay kinuha ko ito at binasa.

'Flowers to the woman I love the most. You're the light of my dark world.'

Lumaki ang ngiti ko at pinigilan ang sarili na tumili. Bago ang feeling na ito sa akin lalo na't ngayon lang ako nakaranas ng nililigawan. Hindi ko rin akalain na may ganitong side rin pala si Brent. He is known for his poker face.

Ang ganda talaga ng araw ko ngayon. Marahan kong ibinalik sa lamesa ang bulaklak at nagmamadaling pumasok sa banyo upang maligo at makapagbihis. Sobrang excited ako na makita siya kahit alam ko naman na narito lang siya sa bahay.

"Manang Eula, si Brent po?" mahinahong tanong ko habang nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Inayos ko ang damit ko at naglagay pa ako ng cologne sa katawan. Sinuot ko rin ang hairpin na binigay niya sa akin, Ibang-iba talaga ang araw ko ngayon. Parang gusto ko tuloy tumigil ang oras.

Nang tuluyan na akong nakababa ay natigilan sa pagpupunas ng lamesa si Manang nang nakita ako. Nakita ko ang gulat sa kanyang mata at napalitan ito ng isang mapang-asar na ngiti.

"Nagpaganda ka ba, Hija?" tanong niya.

Uminit ang pisngi ko sa tanong niya at napatingin sa aking sarili. Suot ko ngayon ay pambahay na damit dahil hindi naman kami aalis. Muntik na nga akong madapa kanina dahil sa kagustuhang makita si Brent.

Hinaplos ko ang hairpin sa buhok ko at nag-iwas ng tingin. "Uhm..."

Nagulat ako nang bigla siyang humalakhak at saka lumapit sa akin. "Sus, okay lang iyan. Pinopormahan ka ba ng alaga ko, hija?"

Ang kanyang ngiti ay nakakahawa. Halos makita na ang gums sa sobrang laki ng kanyang ngiti. Para na ring ina ang turing ko kay Manang Eula. She took care of me like I was her daughter. Hindi siya strikta at palagi ka niyang kukuwentuhan ng mga kwento tungkol sa mga dagat.

Unti-unti akong tumango at kinagat nang mariin ang ibabang labi ko. Hindi ko naman iyon maitatanggi dahil iisa lang kami ng bahay. Mas lalo lang lumaki ang ngiti ni Manang nang tumango ako. Nagulat pa ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Naku, sana ay sasagutin mo ang alaga ko nang maka-experience naman siyang magka-girlfriend. Mailap kasi sa babae ang alaga ko, pero nagawa niya namang tiisin si Nathalia dahil anak iyon ng mayor," aniya at binitiwan ang kamay ko. "At saka walang masyadong kaibigan ang alaga ko, at mailap din sa magulang."

Bigla tuloy akong naging curious sa buhay ni Brent. Kung saan ba talaga siya nakatira at sino ang pamilya niya. Anak pala ng mayor ang Nathalia na iyon? Kaya siguro kilala ni Brent at tingin ko ay matagal na silang magkakilala. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at hinarap muli si Manang na ngayon ay bumalik na sa kanyang ginagawa.

"Manang, nasaan po pala si Brent?" tanong ko muli at nagpalinga-linga. "Hindi ko kasi siya nakita, eh. Tulog pa po ba?"

Binili niya ba ang bulaklak at bumalik sa pagtulog? Wala sa sariling inangat ko ang tingin ko sa itaas at tiningnan ang nakasarang pinto ng kwarto ni Brent. Maybe he is not around. Maaga kasing magising iyon.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon