Kabanata 16

45.7K 2.1K 86
                                    

FLOATING COTTAGE

Kumunot ang noo ko nang nakita ko kung saan kami tutungo. Ngayon ko lang kasi ito nakita nang malapitan. Nang humina ang motor boat ni Brent ay niluwagan ko ang pagkayakap sa kanya. Hindi ko na rin b-in-ig deal ang yakap ko sa kanya dahil baka magwala lang itong puso ko. Ang mga mata ko ay itinuon ko na lang sa floating cottage na nasa gitna ng dagat.

Nawala ang pagkakunot ng noo ko at biglang na-excite nang nakarating na kami. Nakita ko ang isang lalaki sakay ng kanyang bangka na may dalang basket. Hininto ni Brent ang kanyang motor boat sa tapat ng floating cottage at nauna siyang bumaba. Umawang ang labi ko nang iginala ko ang aking paningin sa malinaw na dagat. Ang ganda at ang sarap maligo dito!

Gawa ang floating cottage sa kawayan. May lamesa at upuan kaya puwedeng dito ka kakain o hindi kaya magpi-picnic. Para siyang cottage sa mga resort pero nakalutang sa dagat. Hindi ko akalain na may ganito sa lugar ni Brent at totoong ang ganda!

"Thank you, Manong Edgar," pasasalamat ni Brent habang tinatanggap ang basket.

Nakaupo pa rin ako sa motor boat at hindi pa rin bumaba. Napangiti ako nang nilingon ako ng lalaki na ngayon ay bumalik na sa kanyang bangka.

"Mag-enjoy po kayo, Ma'am!" Nilingon niya si Brent na ngayon ay nasa akin na ang tingin. "Wala po iyon, Sir! Balik na ako."

Tumango lang ako at bumaba na sa motor boat. Kung may selpon lang talaga ako ay baka kanina pa ako kumukuha ng litrato lalo na't maganda ang tanawin. Umupo ako sa may kahoy na upuan at tinanaw ang lalaki na umalis na sakay ng kanyang bangka.

Ilang saglit ay inilapag na ni Brent ang basket sa lamesa at tiningnan ako.

"Gusto mo na rito?" tanong niya at binuksan ang basket.

Tumango ako at muling pinagmasdan ang buong floating cottage na sinakyan namin ngayon. "Oo, ang ganda! Hindi ko akalain na puwede pala na may ganito. Masyado yata akong nanibaguhan sa lahat."

Tumawa ako sa huli kong sinabi at tumayo para tingnan kung ano ang laman ng basket na nasa lamesa.

"Ano ang laman?" nagtatakang tanong ko at tumabi sa kanya.

"Foods," simpleng sagot niya at kinuha na ang nasa loob.

Umawang ang labi ko nang nakita ko kung ano ang mga pagkain na dala niya. Bagong luto pa ito at amoy na amoy ko ang sarap. Hindi ko maiwasan ang mapahawak sa tiyan ko. Nagugutom tuloy ako.

"Ang sarap..." wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa mg pagkain.

Humalakhak siya at binalingan ako. "Niluto ko ito habang wala ka. I hope you like it."

Saglit akong natulala nang narinig ko ang kanyang halakhak. Hindi ko maiwasan ang pagmasdan siya dahil kitang-kita ko kung gaano siya kasaya ngayon. Sa unang pagkikita namin ay hindi siya gaano ngumingiti pero ngayon ay naninibaguhan ako sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan ang maalala ang sinabi niya sa akin na liligawan niya ako.

Totoo ba ang kanyang nararamdaman sa akin?

Nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay kumunot ang noo niya. "Why are you staring at me like that?"

Ipinilig ko ang ulo ko at tinulungan siya sa paglabas ng mga dala niyang pagkain. "Wala, napansin ko lang na masaya ka. Hindi ka kasi ngumingiti. Ngayon pinapakita mo na."

Inilapag ko sa lamesa ang slice bread at isang jam. Napansin ko na may dala siyang gatas na agad ikinunot ng noo ko.

"I don't smile a lot, Louise," mahina niyang sambit. "Tingin ko papangit ako kapag ngingiti..."

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon