Kabanata 15

46.2K 2K 38
                                    

MOTOR BOAT

Sa ilang buwan kong pananatili sa lugar na ito, nakalayo ako sa sakit. Unti-unti na ring naghilom ang sugat na binigay sa akin ni Gregory. Unti-unti na rin akong guminhawa ngayong hindi ko na siya masyadong iniisip. Kung maiisip ko man siya, hindi na ako umiiyak. Mabuti na nga para maging masaya na ako. Hindi man naging madali ang lahat, pero totoong nakatutulong ang mga tao na nasa paligid ko at ang lugar.

"Louise!"

Napangiti ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa may buhangin nang nakita ko si Pempem na tumatakbo patungo sa akin.

"Uy, sama ka sa amin, ah!" anyaya niya nang nakalapit.

Hindi ko sinagot ang kanyang tanong at humarap sa malinaw na tubig ng dagat. Gusto ko tuloy maligo.

"Ang ganda ng dagat," sambit ko.

Umupo muli ako sa buhangin at gumuhit ng mga shapes.

"Saan ka nag-aaral, Louise?" Umupo sa tabi ko si Pempem at tiningnan ako. "I mean...nag-aaral ka pa ba?"

Pinutol ko ang stick at itinusok sa buhangin. "Hindi. Tapos na ako sa pag-aaral."

"Hala, so, ano ang trabaho mo?" kuryosong tanong niya.

Natigilan ako sa tanong niya.

Wala akong choice kundi ang sumunod kay Daddy. Ayoko talaga mag-aral ng business dahil gusto ko ang pagtuturo. I want to teach kids. Pero minaliit iyon ni Dad at gusto niya business ang dapat aralan ko.

Nagmakaawa ako sa kanila pero hindi nila ako pinagbigyan. Pati si Mommy ay walang ginawa para sa akin dahil sang-ayon siya sa sinabi ni Daddy. Nabulag siguro siya sa pagmamahal kaya hindi niya ako pinaburan. Doon nagsimula ang pag-iba ng trato ko sa kanya. Wala na siyang pakialam sa akin, hindi katulad noon, noong hindi pa niya nakilala si Daddy.

Tipid akong napangiti at nagpatuloy sa pagguhit. "Wala, wala akong trabaho."

Dahil pagkatapos kong g-um-raduate ay pinagkasundo agad kami ni Gregory. Wala akong oras para e-build ang career ko.

"Masarap siguro ang mamuhay ng marangya, ano?" Natigilan ako at nilingon siya. Nakita ko na nakatingala na siya sa kalangitan. "Kami kasi, kailangan pa naming kumayod para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Sobrang bait nga ni Brent kasi hinayaan niya kaming tumira sa lupain na pagmamay-ari niya."

Umawang ang labi ko at nagtagal ang tingin sa kanya. Kung alam mo lang, Pem, mas maganda pa ang buhay mo. Kahit simple lang, at least magagawa mo ang gusto mo. Hindi katulad ko...

Nag-iwas na lang ako ng tingin at umayos sa pag-upo. Sobrang ganda talaga ng tubig at high tide rin.

Nagpaalam na sa akin si Pempem dahil may inuutos pa raw ang Mama niya. Nagmamaktol pa nga siya sa akin dahil siya raw ang palaging inuutusan. Natawa na lang ako at napailing. Kahit hindi ko pa masyadong kilala si Pempem ay sobrang kumportable ko na sa kanya. Madaldal kasi siya at hindi nahihiya sa akin. Mas ako pa nga ang nahihiya sa kanya. Siya rin ang naging unang kaibigan ko kaya sobrang saya ko na makasama siya.

Nang hindi na siya masyado mainit ay tumayo ako mula sa pagkakaupo at naisipan na maligo. Tanging suot ko lang ay ang manipis na t-shirt at maikling short. Nahihiya kasi akong mag-swim suit at hindi ko pa nasubukan ang magsuot ng gano'n.

Masaya akong sumulong sa dagat. Mahina pa akong napatili dahil sa sobrang lamig pero kailangan kong mag-enjoy at iwala sa isip ang sinabi ni Brent sa akin kahapon. Iyon lang ang tanging paraan upang bumalik sa normal ang pagtibok ng puso ko.

Nang umabot hanggang dibdib ko na ang tubig ay tumigil na ako sa paglalakad at nagsimula na sa paglangoy. Nang umahon ako ay napapikit ako nang sumalubong sa akin ang sikat ng araw. Napangiti na lamang ako habang inaangat ko ang kamay ko, inaabot ang magandang kalangitan.

Kaya siguradong marami ang bumibisita na taga-City sa probinsya dahil na rin sa dagat. Sobrang sarap sa pakiramdam lalong-lalo na ang hangin. Hindi ko namalayan kung ilang minuto na ako nakababad sa tubig-dagat. Pabalik-balik lang ang aking paglangoy pero masyado akong nasiyahan. Bukod sa sobrang linaw ng tubig ay maginaw din siya.

Natigilan ako sa paglalangoy nang nakarinig ako ng isang kaluskos. Agad ko itong nilingon at nang nakita ko na si Brent ito ay napasinghap ako. Nakita ko na itinulak niya ang isang puting motor boat habang hubad ang kanyang ibabaw kaya kitang-kita ang kanyang sexy na katawan.

Agad akong nag-iwas ng tingin at akmang lalangoy na sana nang marinig ko ang pag-andar ng motor boat. Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-excite kahit kinakabahan na ako.

Para akong tangang binibilang ang kanyang abs habang papalapit na siya sa akin. Nang ma-realize ko kung ano ang ginagawa ko ay uminit ang pisngi ko at agad pinokpok ang ulo.

Nang huminto sa tapat ko ang motor boat ay niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Napalunok ako nang maglahad ng kamay si Brent sa akin.

"Sana sinabi mo na gusto mong maligo," aniya at kinuha ang life jacket na dala niya.

Nanginginig ang labi ko dahil sa lamig.

"Ah, biglaan kasi," pagdadahilan ko.

Lumiit ang mata niya at nagulat ako nang bumaba siya sa motor boat. Napapikit ako dahil sa talsik ng tubig dagat at napaatras. Nang nagmulat ako ay salubong na ang kanyang kilay.

"Tsk. You're rude. Alam ko na iniiwasan mo ako. Bakit? Ayaw mo bang ligawan kita?" diretsahang tanong niya.

"H-Ha?"

Umiling siya sa akin at umangat ang kanyang gilid na labi. "Niligawan ka ba ni Gregory dati?"

Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Wala pa akong ka-idea sa lahat ng bagay kaya no'ng sinabi niyang gusto niya ako at gusto niya akong maging girlfriend ay pumayag ako. Walang ligawan na naganap.

Lumangoy siya palapit sa akin at nang nasa harapan ko na siya ay mahina akong napasinghap nang naramdaman ko ang kanyang kamay na gumapang sa bewang ko. Napatingin ako sa kanya at napalunok.

"Then I'll be the first man to court you, Khadijah," aniya at unti-unting sinuot sa akin ang life jacket.

"Akala ko ba ay Louise na ang itatawag mo sa akin." Ngumuso ako.

Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti at inangat ang kamay ko. Umawang ang labi ko nang hinalikan niya ang likod ng kamay ko bago nag-angat muli ng tingin sa akin.

"Then Louise..." Ngumiti siya sa akin. "Let's date in this beautiful sea."

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na ngumiti. Napansin iyon ni Brent kaya mas hinila niya pa ako palapit sa kanya. Akala ko ay iyon lang ang gagawin niya pero nagulat na lang ako at napasinghap nang hinawakan niya ang magkabilang bewang ko at inangat para isakay sa motor boat. Muntik pa akong mahulog dahil naging malikot ako. Mabuti na lang at agad kong nahawakan ang balikat ni Brent.

"Tsk." Umiling siya at sumakay na rin. "Yumakap ka sa akin."

Nagdalawang-isip ako kung saan ako yayakap. Hahawakan ko ba siya? Yayakapin nang mahigpit?

Mukhang nainis na si Brent sa akin dahil siya na mismo ang kumuha sa dalawang kamay ko at iniyakap sa kanya. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang maramdaman ko ang abs pero hindi ko pinahalata at pumikit na lang. Niluwagan ko ang pagkayakap sa kanya dahil tingin ko ay hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.

"Humawak ka nang mahigpit," mahinang sambit niya at pinaandar na ang motor boat.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon