Christmas Party Part 2

Começar do início
                                    

We are down to 5 pairs pero matigas talaga tong si Donato. Hindi ko alam kung pano niya kinakayang balansihin yung weight naming dalawa kung tutuusin pag nagkamali siya ng tapak talagang babagsak kami. Hintuturo nalang niya yata yung nakatukod.

Till we are down to best three. Buhat niya na ko sa likod niya.

"Para kang si Impi" mahina niyang sabi habang nakataas ang isang paa at binabalanse ang sarili sa papel na kasingliit nalang ng business card.

"Sinong Impi?" Tanong ko. Dumapo yung mata ko sa leeg niya. Namumula na. "Dons magpatalo na tayo. Namumula na yung leeg mo dahil sa hawak ko."

"Yung impakta na kalaban ni Darna" suplado niyang sabi. Gusto ko siyang bigyan ng isang sapak kaso determinado talaga siya. Partida naka suit and tie pa to.

Patagalan nalang ang labanan. Mag bebente minutos na pero walang magpatalo.

"Sige na may tatlo tayong tabla" sigaw ng host.

Finally ibinaba na ni Dons yung kaliwang paa niya sa sahig. Bababa na sana ko noong bumulong siya.

"Remember the first time I carry you on my back?"

"No" mabilis kong sagot kahit na oo. Yun yung unang beses na narealise kong iba na pala tingin ko sa bestfriend ko. Tinablan lang yata ko ng amoy niya noong automatic na maaalala ko yung mga pinagsamahan namin noon.

"Ibaba mo na nga ko Dons." Mahina kong utos. Sinunod niya naman. Pagkatapos non, mangilan ngilan pang laro ang ginawa pero ang maganda lang hindi na ko nabunot pa.

Ala siyete na ng matapos yung event. Nagkayayaan lahat magclubbing pero hindi na ko sumama.

Titang tita na kase yung feeling ko. Gusto ko nalang magpahinga sa bahay at magpahinga.

Pagkatapos kong magpaalam sa mga kaofficemates ko, dumiretso na ko sa parking lot. Naghihintay pa rin sa tawag ni Ricci. For some reason pakiramdam ko nagkasala ako ng malaki sa kanya.

Pinipigilan ko kaseng wag magreact kay Donny. Sa tinagal tagal ng panahon akala ko wala na. I found my greatest love and yet somehow bumabalik at bumabalik ako sa taong nang iwan sa kin. Diba? What a typical drama na sasakyan ng masa.

I always believe that choices are made and when Donny made his choice 10 years ago, I also chose to accept we will never be together.

Para ko nga talagang ginagamit si Ricci just to satisfy my ego. Some say if you cannot return the love, better let them go.

As I turn on the lights, I saw my pictures with Ricci. Will I really throw it away again for a person who wont stay here forever. He already said it.

Two years and he will come back to Australia.Come on Shar please dont make it complicated. Doon ka sa taong handang iwan lahat para sa'yo.

I called Ricci through whatsapp. Until now he isn't answering. Ano kayang problema?

I stayed on the line waiting for him to pick up kaso bumagsak lang din ako sa voice message inbox. Sana walang masamang nangyari. Sana because knowing Ricci, he always call right away.

I decided to read books about personality development. Matagal tagal din noong huli ko tong nagawa.

Habang nagbabasa pinag iisipan ko kung ano nga bang dapat kong baguhin sa lifestyle ko.

Pasado alas dos na ng madaling araw noong may magtry na magbukas ng pinto ko. Naalerto ko pero sinubukan kong wag magpanic.

Tumayo ako at sinilip sa monitor yung nasa labas. Si Donny mukang wasted. Panay tipa ng code sa key pad ko.

Kamoteng Donato. Noong buksan ko yung pinto aba walang paapaalam na pumasok saka dumiretso sa kwarto ko.

Gets ko naman na parehas ng itsura yung units namin pero iba naman yung mga mwebles.

Ibinagsak niya yung katawan niya sa kama. Susundan ko sana para pagalitan kaso ginawa niya ng kumportable yung sarili niya sa kama.

Wala na kong nagawa kundi tanggalin yung sapatos, jacket at necktie niya para naman makatulog siya ng mahimbing. Sa salas nalang ako matutulog.

"Leche ka talaga Donato" noong isasara ko na yung pinto, nagulat ako nang may sumukbit na pantalon sa ulo ko. Tumama pa sa likod ko yung belt.

"Punyemas. Donato!" pumihit ako paharap saka dumiretso sa tapat niya. "Hoy gumising ka nga!" Utos ko pero umungol lang yung hayop Hindi na ko maawa. Tinadyakan ko pero no response parin yung kamote.

Pinilit kong itulak wala pa rin. Lahat na ng balya ginawa ko pero parang wala pa rin. Hingal na hingal ako at nakapamaywang na nag isip ng paraan para sipain siya. Nagtutulug tulugan yata tong impakto.

Susuntukin ko na sana yung nguso niya para magising kaso bigla niya kong hinila. Ngayon para tuloy akong palaman sa bisig at mga hita niya.

Inaamoy amoy niya pa yung buhok.
"Donato!" Sigaw ko. Idinilat niya yung mga mata niyang sobrang pungay ngayon.

"Bakit?" Malat niyang sagot. Napalunok nalang ako. Nakakapaso kase yung tingin niya. Mula noon hanggang ngayon. Ramdam ko pa yung buga niya ng hangin kahit galing sa ilong. Amoy alak siya. Nakakalasing yung amoy pero ayokong magpadala.

"Hindi ito yung unit mo. Tumayo ka na at bumalik sa bahay mo" matalim niya kong tinitigan at saka bumulong. "Ayoko"

For some reason, nagwala na naman yung dibdib ko lalo na nung itinulis niya yung nguso niya at saka parang tutang umungol.

"Tangina naman Antonio" mura ko.

"We used to do this before. Why do you feel so akward now?"

"No. We lay side by side not like this. Gising ka na kaya tayo!"

Sinubukan kong iangat ang sarili ko pero malakas siya. Para kong stick na dinaganan ng bato.

Isang oras din akong nagpupumiglas pero walang nangyayari. I felt him hummed. Nagbavibrate yung adam's apple niya.

Hanggang sa nakatulog na ko. Umaga na nang magising ako. Unti - unti akong nagmulat ng mata. Napabalikwas ako noong makita ko si Donato sa tabi ko. Kapwa kami nagtititigan pero ang mas nakakagulat?

"Susmaryosep" as if synchronise, napatingin kami sa gawi ng pinto. Si mama, bumagsak pa yung isang plastic na bitbit niyang puno ng alimasag.

"Ma yung alimang- Putaragis... SHARLENE SAN PEDRO!" Sigaw ni papa.

Tumayo si Donny na naka dress shirt pero nakaboxers lang. Yung mata ni mama dumako sa pantalon ni Donny na nasa sahig pati na sa necktie at jacket na initsa ko lang sa gilid kahapon dahil sa asar ko pagkahagis niya ng pantalon sa kin.Naisip yata ng gago na ampangit ng itsura niya kaya hinugot niya naman yung comforter. Ako naman nawalan ng cover. Sakto ang suot ko lang mahabang shirt na may winnie the pooh print.

"Santisima" usal ni mama.

"Ate!" Sigaw ni Clark pero mabilis na tinakpan ni papa yung mata niya.

Puchat talaga, nalintikan na.

________________________

Authors Note:

Merry Christmas? Lol di po ako maglalagay ng spg scenes. Respect na rin sa Shardon ship natin. Mga romantic gestures lang para stay tayo sa pinoy image nila.

Ano tingin niyo? Comment naman dyen. I love you!



Paano Aaminin?Onde histórias criam vida. Descubra agora